Ilang minuto pang nagtagal sa rooftop ng paaralan sina Aynna at Jezter. Si Jezter na nakatitig sa malawak na court ng paaralan at si Aynna na nakatitig sa maamong mukha ni Jezter. Ilang saglit lang ay bumaba na si Jezter nang hindi napapansin ang dalagang nakamasid sa kanya mula sa likod ng pinto. Nangtuluyan na itong mawala sa paningin ni Aynna ay saka lang siya nagpasyang bumalik sa kanyang sunod na klase. Balewala na sa kanya kung magalitman ang kanilang guro. Ang importante ay nakasama niya si Jezter, kahit malayo, kahit palihim. Nang makarating siya sa tapat ng kanilang silid-aralan ay agad niyang narinig ang nakakabingeng sigaw ng kanilang guro. "At bakit ngayon ka lang Mr.Ronquillo?! Kabago-bago mo lang dito at heto nagpapakita ka na agad ng iyong ugali! Dagdag ka la

