*FLASHBACK* "Lola, saan po tayo pupunta?" curious niyang tanong sa kanyang lola Martha. "Magtutungo tayo sa aking silid. Itu-turo ko sayo ang paraan kung pa-paano ka gaganda." napahinto siya sa paglalakad at bakas sa mukha ang gulat. Dahil sa kuryosidad ay nagmadali siyang humabol sa kanyang lola. "P-Paano po iyon mangyayari? P-Parang ang l-labo naman pong mangyari ng sinasabi niyo lola he-he." kunwari pa siyang natawa ngunit sa kaloob-looban niya ay umaasa siyang sana ay totoo ang sinasabi ng kanyang lola. Sawang-sawa na siyang mabuhay na pangit. Halos kasuklaman niya na ang sarili dahil sa katotohanang siya lang ang nag i-isang pangit sa kanilang pamilya. Ang kanyang namayapang ina ay mala-dyosa ang ganda. Ang kanyang lola ay batang-bata pa ang itsura kahit may kaunting wringkles na

