The Bad Girl's Gentleman = Code 44 = It has been a week. Gano'n na katagal ang nakakalipas at hindi pa din dumadating ang inaasahan kong darating kada buwan. Ano na? Bakit ngayon pa nagpapabebe ang sistema ng katawan ko kung kailan kailangan ko siyang kumilos? Nakakainis lang. Parang tanga. Isang linggo na din ang nakakalipas simula nang manghingi ako ng tulong kay Jax sa paghahanap kung sino bang lalake 'yung nakilala ko do'n sa bar na 'yun. Ayoko na nga sanang isipin pero hindi naman maalis sa utak ko. Awekfajnkjabweiucnawjkh! Naman kasi eh! Ano ba kasing nangyari?! Nakita ko na nga siya last week pero hindi ko naman siya makausap dahil kasama ko si Basil. Paano na 'yan?! Masyado lang din naman akong napangunahan ng takot. "Gwen...?" Napaangat ang tingin ko kay Enzo. "Okay ka lang

