The Bad Girl's Gentleman = Code 21 = THERE ARE PEOPLE IN YOUR LIFE THAT YOU DO NOT WANT TO SEE EVER AGAIN. It does not matter what the cause is. Basta ayaw mo lang. It can be that simple. At minsan may mga taong kinaiinisan mo sa hindi mo malamang dahilan. Kausap ko si Via at Stefan dahil binabalitaan ko sila na inimbita nga ako ni Baz sa anniversary ng foundation nila. And when I say "talking" I meant to say "evil planning". Pinag-iisipan na namin kung paano namin gagawin na malaman kung sino ba ang babaeng iyon sa buhay ni Basil. Since hindi naman makakasama ang dalawa kong kaibigan sa party, ngayon na nila ako tinutulungan. Habang nagpaplano, naghahanap na din kami sa internet kung ano bang damit ang susuotin ko. Baz is going to take me shopping later this afternoon kaya nagsisilip

