The Bad Girl's Gentleman = Code 28 = "START NA KO SA MONDAY," ang laging sinasabi ng mga taong gustong mag-diet. But as we all know, mas madalas itong ma-bullshit imbis na magkatotoo. Nobody blames them for that. Masarap kumain eh, hindi ba? Same thing para sa isang bad girl nagpapaka-loyal. Ang difference nga lang, kapag sa'kin na nanggaling ang "start sa Monday" parang ang pangit pa ng dating. "Mabait naman ako. Binibigay ko naman lahat ng gusto niya." I sigh. "Ano pa bang dapat kong gawin?" "You wait," sabi ni Enzo. "You'll be fine. Don't worry." "Don't worry?!" Napabato pa ko sa kutsara ko sa cup. "Hindi ko na nga alam kung paano kami magiging okay tapos don't worry?" "Listen, Gwen. You made a mistake. Let him lick his wounds. Babalik din kayo sa dati. Chill ka lang." Napasanda

