The Bad Girl's Gentleman = Code 34 = THE TRUTH WILL ALWAYS COME OUT. Tinamad na kong mag-isip ng rason na sasabihin ko kay Daddy kung bakit ako mawawala for a few days. Sinabi ko na sa kaniya na pupunta ako sa boyfriend ko at sa pamilya niya para doon mag-celebrate ng New Year. Nag-promise naman ako na iimbitahin ko si Basil na mag-lunch or dinner sa bahay. Basi comes and gets me Tuesday night, kasama na ang isang box ng pasalubong ko para sa pamilya niya. Ang gastos pala kapag ang laki ng pamilya ng boyfriend mo. Medyo na-bankrupt ako ng slight. Syempre medyo jet lag ako at hinayaan na lang nila akong matulog. Ang lalim nga ng tulog ko na paggising ko para akong galing sa hukay. Ang lambot kasi ng kama ni Baz tapos ang lamig pa. "What are you guys doing?" tanong ko habang bumababa ka

