The Bad Girl's Gentleman = Code 39 = Do you know what a good kind of sleep is? Ito 'yung tulog na hindi ka nananaginip. Just plain black and you resting. Usually kapag pagod ka or nakainom ka tsaka mo lang nakukuha 'yung ganitong klase ng tulog. O hindi naman kaya kapag wala kang iniiisip. I usually wake up feeling like my whole body is completely energized. Hindi ko pa man din binubuksan ang mga mata ko alam kong isa na ito sa mga umagang iyon. I just feel a certain current on my veins. Para bang nakangiti 'yung kaluluwa ko. Baka naman kaya nalunok ko 'yung araw habang natutulog ako. Sandali, ayoko pang dumilat. Bibilang lang ang mga araw na ganito ang gising ko. Unfortunately (na fortunately naman talaga), naramdaman na yata ni Baz na buhay na ang diwa ko dahil biglaan niya kong hina

