CARMELA Everything was all set. Ako na lang ang hinihintay sa simbahan. Wearing this beautiful white gown was my dream before. Lahat ng detalye na gusto ko ay sinunod ng designer. I'm really happy right now. Words can't contain how thankful and happy I am. Para bang lahat ng 'to ay nakatadhana na mangyayari ngayon. Hindi ko na nga mamukhaan ang sarili ko ng humarap ako sa salamin. Ang ganda ko ngayon. Talagang magaling ang make up artist na kinuha ni Daevon. "Salamat," sambit ko sa kaniya. "Isang karangalan sa akin na ayusan kita, ma'am. Your beauty is so regal. Kung itatapat ka sa mga artista ay walang makakatalo sa ganda mo." Nasa harap na ako ng simbahan ngayon. Si Caliber ang maghahatid sa akin sa altar. Ang lalaking itinuturing kong kapatid. Pinigilan kong 'wag umiyak dahil

