CARMELA Akala ko ay hindi ako mamumukhaan ni Mr. Grande, subalit mukhang sa una pa lang ay kilala na niya ako. Gusto kong maglaho na parang bula sa kaniyang harapan dahil hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya. My identity will be revealed soon to my co-workers if I tell him the truth. Kaya hangga't hindi pa niya ako nire-report ay aalis na ako sa lugar na ito. Pero saan ako pupunta? Ang hirap ng ganito. Dahil para akong isang kriminal na nagtatago sa batas. "H-hindi ko alam ang sinasabi mo," kinakabahan kong sabi. Iniwas ko ang tingin ko ng subukan niyang makipagtitigan sa akin. "I wonder what the reason is why you ran away. Your husband was ambushed and you were reported missing. Interesting!" "Sir, maawa kayo sa akin. Ayoko ng bumalik sa Ilocos Norte," naiiyak kon

