CARMELA Dahil may bagyo ngayon, hindi natuloy ang pag-alis namin. Mukhang extended ang pananatili namin dito sa Esperanza. Ang lakas ng ulan kaya ang kalapit naming barangay ay binaha na. Nag-ready na ng generator si Daevon at baka kasi biglang mawalan kami ng kuryente. Kanina pa nagmamaktol si Fedirich sa gilid ko. Gusto niya kasing maligo sa ulan pero hindi ko siya pinayagan dahil masyadong delikado sa labas. Agad siyang kumaripas ng takbo papunta sa akin ng dumagundong ang malakas na kulog. "Mama, I'm scared." "Huwag ka ng matakot. Nandito naman si mama." Hinaplos ko ang buhok niya kaya mas lalo niyang siniksik ang mukha nito sa aking leeg. Napatingin ako kay Daevon ng peke siyang umubo sa aming harapan. Inaantok siyang umupo sa aking tabi at niyakap niya kami. Mainit at maramin

