Ikaapat na Pahina

1670 Words
Nanulis agad ang nguso ko ng may kakaibang nilalang na umupo sa harapan ko. Mas nakakabasag ng trip ng pabagsak niyang inilagay sa desk ang isang bote ng tropicana. Wengya talaga! "HOy!"tawag sa akin ng walang hiyang babae na kaharap ko. "Kung maka-HOY ka naman,akala mo Aso lang?!"nakasimangot na sabi ko sa kanya. . "Hmp! Ikaw,hah? !Pina-highblood mo naman si Sir Fortune kanina."sita sa akin ni Jeemie. . "Di ko naman kasalanan yon noh?! At saka tinanong ko lang naman siya. Malay ko ba na nakaka-high blood pala tanungin ang favorite color ng underwear ni Lee Min Ho. Excited pa naman sana akong malaman"nakasimangot na sagot saka humalikipkip. Tumawa ng malakas si Jeemie sa sinabi ko. "Pfft! ? Sino ba sa tingin mo ang hindi ma-ha-high blood sa tinanong mo? Ampupu!? Gusto mo pa talaga malaman hah?? Ahahahha...nag-day-dreaming ka na nga lang, ang lame pa ng excuse na ginamit mo. Ang halata kaya". "Epektib naman!" "Yeah!! Kaya nga wala tayong klase ngayon. Kasi, tumaas ang alta-presyon ni Sir sa ginawa mo" "Kaya nga pinaglinis niya ako ng boung classroom dahil sa ginawa ko. Di bah?" "Ikaw naman kasi, huwag magpahalata na nag-day-dreaming ka palagi" "Tss!! Alam ko" "So? tell me!? Sino yong dini-dream mo palagi hah? Na sinigaw mo pa talaga sa boung klase na Gwapo?"kinikilig na tanong nito sa akin. Napaingos ako. "Si Lee Min hoo nga di ba?" No! in hell freaking way na magsasabi ako sa kanya. Nalukot ang mukha niya "Wushoo!!!Yong totoo?Sino talaga?!" "No comment"ayoko ngang mag-share., madamot ako "Hoy! Klendria hindi ka artista para mag-no-comment diyan hah! "Bakit? Sila lang ba ang may karapatan gumamit ng tinatawag na privacy of personal day-dreaming?!" "Hay naku! Heto naman po tayo,sa denial stage ni Klendria Azunsion. Kung hindi ko lang nahahalata kanina na tumitingin ikaw kay ----askdwjatgjd" Nagpapasag si Jeemie ng biglang tinakpan ko agad ang bibig niya. Letse!Talaga ang babaeng to! Hindi marunong makapagpigil ng bunganga Eh!. Pekeng nginitian ko ang mga taong dumadaan sa harapan namin. "Oy, Klendria! Anu ang ginagawa mo kay Jeemie. Bitiwan mo na nga siya. Baka mmamatay na yan oh!"sita ng taong dumaan. I suddenly rolled my eyes. Bibig nga lang ang tinatakpan ko , mamamatay agad-agad! ? Hindi naman siya Over anoh? ? =__=. Umirap ako sa taong nakatayo sa harapan namin at bahagyang yumuko ako palapit sa tenga ni Jeemie. "Keep your mouth shut o tutuluyan talaga kita"pabulong na banta ko sa kanya. Mabilis na tumango-tango siya,at pinanlakihan ko muna siya ng mata bago ko bitawan. "Ang brutal mo talaga Klendria"dagdag pa nito Guess what? Kung sino ang langgaw na napadpad sa harapan namin at sumaway sa akin. GIOVANI ALEGRE s***h pandak s***h crush at first ko DATI s***h ang taong nagpahiya sa akin s***h ang malas na dumating sa pinakamamahal kong buhay. Humarap ako sa kanya at plastik na ngumiti. "Huwag ka ng mag-try ngumiti kung plastik lang naman"nakasimangot na komento niya sa akin. Agad din na nabura ang pekeng ngiti na nakapaskil sa labi ko kanina at napalitan agad ng simangot. Pinandilatan ko siya. Buset talaga ang taong toh! Palagi niya lang akong binabara. "Tss. .Excuse me po. Hindi ko po siya sinasakal. Tinatakpan ko lang po ang baba niya kasi tumutulo yong laway niya. Di ba jeemie?"pinasingkit ko talaga ang mata ko na tumingin kay jeemie. Try niya lang magsalita ng kakaiba, ililibing ko talaga siya sa lupa na ulo niya lang lumalabas. "Ah-?-Eh!?-Anu--" "Anung Ah-?-Eh!? ang sinasabi mo?"takang tanong sa kanya ni Gio. Tss! Paki-ilamero talaga! "A-anu?Ta-tama si Klendria ! Tinulungan niya lang akong punasan ang tumutulo kong laway kasi nakita kita."nakaingos na sagot naman ni Jeemie habang pilit na ngumiti sa kanya. "Pfft! !Mapagbiro ka talaga,Jeemie. Alam ko na yan. Kasi gwapo ako"pagyayabang nito Napasimangot ako. "Hindi ka naman mayabang sa lagay na yan, anuh?"puna ko sa kanya. "Hindi ako mayabang, sadyang Gwapo lang talaga ako,di ba Jeemie?" I rolled my eyes ng mag-pogi pose at nag wink pa siya kay Jeemie. "Siyempre naman. Kaya nga palagi akong NAG-DAY-DREAMING KASI ANG GWAPO MO!"parang kinikilig na sang-ayon niya. Nanlalaki ang mga matang tinignan ko si Jeemie. Pusang gala! Ini-emphasize pa talaga ang ang salitang Day Dreaming. Peste! Nananadya talaga ang bruha. Nagbabanta ang mga tingin na tinignan ko siya. Pero ang bruha binaliwala niya lang ako. Argh! Ang sarap niyang batukan kung wala lang sa harapan namin ang pandak na to. Nakakainis! Ngumingiti siya habang nakatingin kay Jeemie na parang aliw na aliw sa pinagsasabi nito. "Pwede bang mag-apply sayo bilang girlfriend mo? Kahit one week lang? Anu deal?? dugtong pa nito. Saka pinikit-pikit ang mata na parang nag-pa-cute. What the fudge? Aso lang? ! "Jeemie!"tawag ko sa kanya with warning tone. Takte! Umaariba naman ang kabaliwan ng Tonta "Pffft! ?Hahahahahahaha! Ang bata-bata mo pa Jeemie. Hindi ka pa pwedi. Ayoko ko sa mga Nene baka makasuhan pa ako" "Age doesn't matter. Pwede na yon! One week lang naman eh! Sige na! Wala ka namang girlfriend ngayon eh. So ako nalang" What the Hell? ! Parang gusto kong ibitin ng patiwarik si Jeeimie sa pinagsasabi niya. Tang*na! Ganyan ba siya ka desperada?! Walanjo!? Arrggh! ! Nakakainis! Nag-uusap silang dalawa na parang wala ako sa harapan nila. Hello! Nandito ako sa harapan niyo! Bastusan lang? ! "Hahahahaha. Hindi talaga pwede, sa susunod nalang kapag 18 years old ka na" "Ang tagal pa yon"reklamo pa nito "Madali lang yan. Tatlong na taon lang naman ang hihintayin mo eh" "Sabi mo yan ,auh?"naka-ngusong sabi pa nito. Syete! Ang sarap hilahin ang nguso ni Jeemie. Kailan pa itong natutong mag-landi ng mga lalaki?! "Oo. naman."nakangiting sagot nito saka ginulo ang buhok nito. Naiinis na tinabig ko agad ang kamay niya sa ulo ni Jeemie. Nagulat pa silang dalawa sa ginawa ko. Magkasalubong ang kilay na tinignan ko ang unggoy na to. "Huwag mo nga siyang hawakan, sinisira mo ang hairstyle ng buhok niya. Ako pa naman ang gumawa nito "masungit na saway ko sa kanya habang inaayos ang buhok ni Jeemie. Nakita kong unti-unting nanulis ang nguso niya habang nakatingin sa akin. Samantalang naka-taas naman ang kilay na tinignan ako ni Jeemie "Seriously?! Klendria? Concern ka sa buhok ko na hindi magulo ng ibang tao?"makahulugang tanong niya sa akin. "Syempre naman. Lalo na kung ang unggoy na yan ang sisira ng pinag-hirapan ko"sarkastiko kong sabi saka inirapan ang nakangising unggoy na nasa harapan ko. "Eh? Anong konek sa pagtabig mo sa kamay ni Gio kung pwedi mo naman siyang sabihan?" I caught offguard sa sinabi ni Jeemie. Tama naman siya di ba? Pwedi ko naman pagsabihan ang unggoy s***h mokong s***h pandak na to. Arrrgh. Peste! "Ayokong makita na hinahawakan ka ng taong yan baka hihipuan ka pa niyan" "Oy, hindi ako manyak,buhok nga lang ang hinahawakan ko ei.Hinihipuan agad?!"depensa agad nito. "Tell me nga nagseselos ka anoh? Dahil iba ang gusto ko at hindi ikaw?"walang pakundangan na sabi nito sa akin. "ARAY! !"hiyaw nito bigla ng matamaan ng tropicana sa braso. Sa sobrang inis ay naibato ko sa kanya ang bote ng tropicana. Pakiramdam ko ay lumaki ng todo ang butas ng ilong ko sa sobrang galit. How dare HIM to say that on my face and in front of many people?! Nagbabaga ang mga mata kong tinignan siya. "Hoy Pandak! Ipasok mo ito sa maliit mong kukute. HINDI AKO NAG-SESELOS! Pinoprotektahan ko lang ang kaibigan ko sa mga taong katulad mo na pinaglalaruan ang mga babae!"nagngagalaiti kong sigaw sa kanya. Imbis na sumagot at gumanti sa ginawa ko ay tumawa nalang siya ng nakakaloko. Arrrg! Peste! ! Langhiya! Napatulala ako bigla ng napatitig ako sa kanya na tumatawa, pakiramdam ko bumilis ang t***k ng puso ko na parang nag-uunahan sa pagtambol, nagdudulot ng kakaibang feelings sa aking damdamin ang pagtawa niya. Parang katulad ng isang nakakahalinang musika sa pandinig ko. Napakurap-kurap akong umiwas ng tingin ng mapatingin siya sa akin. "Ikaw talaga, Klendria. . ang HB mo talaga, hindi ka naman mabiro..Pfff!" "Pwes? ! Hindi ka nakakatawa mag-biro! Letse ka!"galit na sabi ko sa kanya at sabay hatak kay Jeemie palabas ng room. "O-oy Klendria saan kayo pupunta?"sigaw ni Gio sa akin "Sa lugar kong saan na wala ka!"ganting sigaw ko sa kanya. Hindi ko na pinansin ang mga classmate kong tumatawa. "Hoy babae! Kailan ka pa natutong lumandi hah?" Agad na usisa ko sa kanya pagkadating namin sa likod ng library building. Dito ang tambayan naming dalawa, dahil walang masyadong tao na pumupunta dito. Nakasimangot na tinignan niya ako habang hinihimas ang braso nito na hinawakan ko kanina. "Kung makahila ka naman sa akin. Akala mo kahoy lang?"nakangusong reklamo nito imbis na sagutin ang tanong ko. Nameywang ako sa harapan niya. "Hoy! Babae tinatanong kita. Kailan ka pa natutong lumandi hah? At sa dinami-dami ng mga lalaki dito sa San Gabrel bakit pa sa pandak na yon,hah?!" "Kanina lang" walang paki-alam na sagot nito sa akin. " At saka....may gusto lang ako na ikompirma kanina at hindi nga ako nagkamali. Tama nga ang hinala ko. Si Giovanni ang iniisip mo palagi di ba?" "Ano!?"gulat na tanong sa kanya. Shit! Mahirap talagang maglihim ng sikreto sa babaeng 'to. "Ako? Iniisip ang pandak na yon? Nagpapatawa ka ba?!"tanong ko sa kanya."Hindi"seryoso niyang sagot at tinignan ako ng diritso sa mata. Namumula ang pisngi kong umiwas ng tingin sa kanya. "So? ! Im right? ! Siya ang palagi mong di-ni day dreaming? Di ba?Tell me the truth. May gusto ka ba sa kanya?" "Wala"seryosong sagot ko sa kanya. "At kahit saglit ay hindi ko siya di-ni day dreaming o iniisip. May iba akong gusto at hindi siya" "Sigurado ka?"naninigurado niyang tanong sa akin "Oo"matatag kong sagot "Mabuti naman at nagkaliwanagan tayo. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin dahil sa mga bagay na hindi naman dapat pag-aawayan"seryosong sabi niya "Bakit?"nagtataka kong tanong "BECAUSE I LIKE HIM"diretsahan niyang sagot sa akin Parang binagsakan ako ng langit sa nalaman ko. Takte!! I wish it's just a prank. FREAKING s**t!! Bakit kaming dalawa pa ang nagkagusto sa kanya! ? Arrrgh! Nakakainis! ! Ayoko na! ! Ayoko nang mag day dreaming ulit! Peste! ! >_______< ~~~~~~~~~~~~~~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD