Everyone says that love hurts, but that is not true.
Loneliness hurts,
Rejection hurts,
Losing someone hurts.
Everyone confuses these with love but in reality-
Love is the only thing in this world that covers up all the pain,
and makes us feel wonderful again-c.t.o
*******
"Good Morning Klendria!"salubong na bati nina Tim, Briel at Gio
Imbis na sagutin ay nilagpasan ko silang tatlo. Diri-diritso akong pumasok sa classroom.
Nakakapag-taka ang aga pa nilang pumasok sa paaralan.
"Arrgh!!
"Kainis!"
Padabog na hinila ko ang upuan at pasadlak na umupo.
"Langya! Talaga!"
"Ang aga-aga ng mundo ay na-bwisit agad ang beauty ko!
Sheyt!
Maganda sana ang mood ko papasok palang ng school campus ng sinalubong ako ni Von malapit sa gate at kinausap.
Syempre kinilig agad ang bituka ko.
Subalit! Datapwat! Napatulala nalang buong minuto habang nakikinig sa kanyang nag-e-explain ng rason niya kong bakit ayaw na niya akong ligawan.
Ang tanging rumehistro sa isipan ko ay titigil daw siya sa panliligaw sakin dahil nalaman niyang nabasa nina Gio at Tim ang love letter niya.
Yun lang.
Iniwan niya akong nakatulala habang pina-process ng utak ko ang mga sinasabi niya.
Dalawang araw na akong nabigo sa pag-ibig.
"Argh! Umaasa ka na naman kasi eh!"pagalit kong bulong sa sarili
"Anu naman ang problema mo? Bakit naka-busangot ka naman diyan?"sita sakin ni Tim.
Napalingon ako sa kanya. Nakasunod sa kanya si Gio at Briel.
"Wala! Huwag mo nga akong kausapin"asik ko sa kanya
"Whoa! Napaka-aga ng mundo para mag-tuntrums"
"'OH? Tapos?" inis kong bara sa kanya
"Di bagay sayo"
"Ah? Ganun? Bakit? May standard na ba ang pag-ta-tantrums?"
"May binabagayan lang" nang-aasar niyang sagot
Kinuha ko ang notebook at doon ko ibinuhos ang sama ng loob ko.
"Bwes*t! Ipiprito ko talaga ang mga pandak sa langis!"naiinis kong bulong
Ang aga ng mundo mang-aasar agad.
P*tcha talaga!
Sa sobrang inis pinunit ko ang papel at nilukot.
"Oy! Ang sama mo talaga Klendria. Hindi mo ba alam na maraming puno ang pinutol para mabuo ang isang papel na pinunit mo?"
Kung pwedi lang bumuga ng totoong apoy.
Uunahin kong totostahin ang pagmumukha ng pandak na to sa harapan ko.
"Paki-alam mo? Kung concern ka edi magtanim ka ng maraming puno!"
"Sungit naman nito oh! Pinapaalalahan lang naman kita ah"
"Hindi tayo close para paalalahan mo kaya pwedi ba? Lubayan mo ako? Kanina ka pa eh"
"Inaanu ba kita? Nakikipagkaibagan lang naman ako sayo ah"
Nanggigil na sinabunutan ko ang sariling buhok.
"O-oy,anyari sayo? Nababaliw ka na ba?"
Waaah!
Lord maawa po kayo sakin ilayo niyo po ako sa taong toh.
"Oo! Mababaliw ako ng tuluyan kapag ang pagmumukha mo ang palaging nakikita ko! Peste ka! Lumayo ka nga sa akin!"
"Whoa!? Nakakatakot ka naman!Ang aga-aga ng mundo nakabusangot ka na agad? Papaanu ka niyan magkaka-boyriend kong ganyan palagi ang mukha mo? Kawawa ka naman"
"Wala kang pakialam kong magkaka-boyfriend ako o hindi. Bweset ka talaga! Dahil sayo hindi na ako pinapansin ni Von"
"O-oy? Teka lang kala ko ba wala kang pakialam kung magkaka-boyfriend ikaw o hindi. Ba't ngayon sinisisi mo ako?"
"Wala na akong pakialam kasi sa ginawa mong pagbasa ng letter niya para sa akin nawalan na ako ng kaisa-isahang manliligaw sana. Peste ka!"
"Wala naman akong ibang ginawa ah? Binasa ko lang naman yon. What's the big deal?"
"Sobrang laki ng big deal triple pa sa sobrang laki! Dahil sayo hindi na siya tutuloy sa panliligaw sakin kasi nalaman niyang binasa mo ang sulat niya. Bwesit ka talaga!"
"Tsk! tsk! Yan lang pala ang problema mo. Akala ko kung anu na"
"Hoy taong ipinaglihi sa kampon ng mga duwende. Hindi ni ya-'yan lang pala' ang problema ko!"
"Eh? bakit ka na-mo-moblema kong pwedi namang huwag problemahin iyon? Simple as that. Problema ba yon?"
"Arrgh! Mapapatay talaga kitang pandak ka! I hate you! I really! really hate you! Tagos mula laman hanggang sa kasuluksulukan ng buto mo!"
"Wow!? Thanks hah! I Love you too!"
Napasabunot ako ulit sa buhok ko.
"Leave me Alone!"naghihistirikal kong sigaw sa kanya.
Sabay kaming napalingon sa may pintuan ng mag-salita si Terramaine
"Napaka-OA mo talaga Klen!" nakataas ang kilay niyang komento habang lumalakad papasok ng classroom
"Pakialam mo bah hah?"asik ko sa kanya
"Wala naman. Pero yang pag-iingay mo abot hanggang sampung metro. Daig mo pa diyan ang batang hindi pinagbigyan ng lollipop"
"Bakit? Nung nag-iingay kayo diyan, sinisita ko ba kayo? Hindi naman di ba? "
"Anu ba ang problema mo? Ba't ka nagkakaganyan?Ang aga ng mundo oh!"
"Wala kayong pakialam!" inis kong sagot sa kanya
****
Gustong gusto ko na talagang hilain ang mga buwan.
Para matapos na tong stress ko.
Ilang araw matapos ang pag-ta-tantrums ko sa room ay dumistansiya muna ako ng kaunti sa mga classmates ko.
Maniwala man kayo o sa hindi buhay pa rin ako.
Gusto malaman ang nangyari sa peste sa buhay ko?
Ayon twenty feet below the ground na-
"Hoy Klendria pengeng piso bibili lang ako ng kendi"
Grrr!
Sa kasamaang palad buhay pa ang insektong toh.
"Dun ka sa iba manghingi"
"Ayoko nga"
"Peste ka! Anong akala mo sakin ATM machine?"
"Hindi naman. Piso nga lang ang hinihingi ko sayo ang kuripot mo naman"
"Kuripot your face"
"Piso nga lang eh"
"Walang Piso kung bweset ako sa pagmumukha mo. Kaya please lang layuan mo nga ako"
"Bakit mo ako palalayuin? Nakikipagkaibigan lang naman ako sayo ah?"
"Arrgh! Hindi kita gusto maging kaibagan."
"Bakit? Anu ang mali sakin bakit ayaw mo akong maging kaibigan?"
"Marami! Sa sobrang dami umaapaw na sa nile river sa mga pinag-gagawa mo sakin. Yang-pang-aasar at pang-iinis mo sakin"hysterical kung sigaw sa kanya
"Ganun na ba talaga ako kasama para sayo Klen?"
"Oo! I hate you ! I really hate you. Yang pagmumukha mo! Ang presence mo! Ireally hate it! Kaya huwag mo na akong subukang lapitan kahit kailan"
"I just want to be your friend Klendria"
"Then . .? I don't want to be your friend"
"What i'm going to do para maging kaibigan mo?"
"Hindi ka talaga marunong umitindi? Ayoko ko nga sayo. Kahit kailan hindi ko gusto magkaroon ng kaibigan na katulad mo"
Dismay written on his face.
Please God help me to let him go.
I can't be his friend forever.
I know this is so wrong but i have to do this.
I don't want to hurt myself deeply.
I don't want to be a massocist.
Napatango-tango siya ng ulo na parang may sinasang-ayunan sa isip niya.
"Okay. I get it. Hindi na ako magsasalita. Simula sa araw na ito hindi na kita lalapitan hangga't hindi kailangan"ngumiti siya ng pilit bago ako tinalikuran.
My heart ache habang minamasdan siyang lumakad palayo.
That's right Gio
Huwag ka ng lumapit sakin hangga't maari.
Dahil hangga't nakikita kita ay hindi ko maiwasang masaktan.
Ang sakit.
Mas mabuti nalang sigurong hindi mo nalang ako pinansin ulit. Simula ng malaman mong may gusto ako sayo.
Mas doble kasi ang sakit sa tuwing pilit mong ini-ignora ang katotohanan.
*****
"Okay, Class.Dismiss!"
"Pst!"
Napasulyap ako kay Tim at Briel ng mag-usap silang dalawa
"Wala tayong klase next period , di ba?"
''Oo"
"Tara. Labas tayo"
"Okay"
Nakita kong nagligpit sila ng gamit. Saka tinapik sa balikat si Gio.
Halos lahat yata ng mga kalalakihan sa room ay magkasabay na lumabas ng classroom.
Napabuga nalang ako ng hangin habang pinapanood silang magkagulo sa room.
Sige.
Ako na ang loner.
Lumapit si Tierramaine sa pwesto ko.
"Klen, saan ka tatambay?"
''Dito nalang siguro sa room. Bakit?"
"Punta tayo ng canteen. Mer- "
Naputol ang sasabihin ni Tierra ng tinawag ako ni Kim.
"Klendria! May naghahanap sayo!"
"Sandali lang hah?"
"Okay"
Agad akong tumayo at tinungo ang inu-upuan ni Kim.
"Sino?" tanong ko sa kanya
"Boyfriend mo" panunukso niya sabay turo sa labas ng classroom.
Napakunot agad ang noo ko ng dumungaw si Aldwin sa may gilid ng pintuan.
"Sira''
Alam kong, kilala nila si Aldwin. Dahil palagi nila kaming nakikitang magkasama tuwing umaga at hapon.
Kaya nga palagi nila akong tinutukso sa kanya
''Oh? Ang aga mo ha-Aray! Mang-hila talaga?" nakasimangot kong reklamo sa kanya ng walang babalang hinila niya ako sa gilid ng classroom.
"Shhh! Huwag kang maingay" mahina ang boses niyang saway sakin
"May binabalak ka naman , noh?" mahina ang boses kong tanong sa kanya
"Mag-e-early out ako ngayon. Sumakay ka nalang mamaya sa jeep" pabulong niyang paalam
Mahina ang boses na nag-usap kaming dalawa.
Violation ang pag-ka-cutting classes kapag nahuli ka.
Kong hindi ...Edi masaya.
"Bakit? Saan ka pupunta?" mahinang boses kong usisa sa kanya
"Manonood ng drag race sa highway"
Nagkaroon ako bigla ng nakakalokong ideya.
Ngumiti ako ng pinakamatamis sa kanya sabay lapit ng kaunti yong halos didikit ang katawan ko sa kanya .
"Sama ako"
"Hindi pwede'' mahina ang boses niyang tutol
"Bakit hindi?"
"Delikado"
"Eh? Ba't ka pupunta kong delikado?"
''Lalaki ako"
"Babae rin ako'
"Magkaiba tayo"
"Pareho tayong tao"
"Hindi pa rin pwede''
"Aldwin!" napapadyak ako ng paa
"Matu-tosta ako ng mama mo kapag malaman niyang isinama kita sa illegal drag race"
"Sasabihin mo ba kanya?"
"Hindi noh"
"Edi isama mo ko"
''Ayoko"
"Diba dati sinama mo rin ako doon?"
"Noon yun. Ngayon , hindi na pwede"
"Bakit nga?'
"Bakit ang tigas mo? Sinabi ngang hindi pwede"
"May problema ako"
"Aish!" napabuntong huminga siya at tinignan niya ako ng mabuti
"Araaay!'' hiyaw ko ng pinitik niya bigla ang noo ko.
"Hindi pa rin pwede'
'Sige. Pag-hindi mo ko isama. Isusumbong kita sa tatay mo" takot lang niyang totohanin ko
''Klendria!"
"Oh? Anu? Isasama mo na ako?"
"Haixst!" Napataas siya ng dalawang kamay bilang pag-suko.
"Yes!" napasuntok ako sa hangin sa sobrang saya
"Tulad ng dati" bilin niya
"Cool"
Pagkaalis ni Aldwin ay pumasok din ako sa loob.
Sinalubong agad ako ni Teirramain"Antagal niyong mag-usap hah? Sasama ka ba samin sa canteen?"
"Pasensya na Tierra ,hah? Sa susunod nalang ako sasama sa inyo. Magpapasama kasi sa library ang kaibigan kong iyon" pagsisinungaling ko habang nagliligpit ng gamit.
Hindi ito ang kauna-unahang beses na mag-ka-cutting classes ako.
Alam ko namang mali ang binabalak kong gawin.
Pero wala naman kaming klase buong maghapon at dalawang oras nalang uwian na.
Mababagot lang ako dito sa kahihintay..
"Ganun bah? OKay"
"Bye!" paalam ko sa kanila
May pagmamadaling lumakad ako. Bawat room na madadaanan ko ay maiingay. Ito lang naman nagkaroon ng pagkakataong walang teacher na magbabantay samin dahil nasa meeting lahat.
Tinahak ko ang daanan papuntang vegetables garden. Nasa likurang bahagi ito ng fourth year building.
Papaanu ko nalaman?
Minsan na akong naligaw sa paghahanap ng matatapunan ng basura. Dahil sa pagkakamali ko ay aksidente kong nakita ang grupo ng mga estudyanteng dumaan sa lugar na to para mag-escape ng klase.
Hindi naman ako masyadong nangangambang mahuhuli dahil maraming puno ng mangga sa lugar na yon at malapit ang sa tinatapunan ng mga basura. Higit sa lahat hindi masyadong pinupuntahan ng mga estudyante ang lugar dahil sa mga ahas na minsang nagkakalat din sa mga sanga ng mga mangga.
Kapag dumaan ka sa isang gilid ay hindi masyadong kita ang sirang pader at yon ang ginagamit naming daanan palabas ng campus.
Bago ko buksan ang yerong nakatakip sa butas ng pader ay napa-linga-linga muna ako sa paligid kong mayroong tao.
Safe.
Mabilis at maingat kong binuksan ang yero saka pumasok sa butas.
Pagkalabas ng butas ay matatanaw mo agad ang isang malawak na taniman ng palay na siyang halos nakapalibot sa buong campus.
Tumatakbong dumaan ako sa pilapil patungo sa bakanteng lote na nasa kabilang bahagi ng school campus.
Kailangan kong bilisan sa pagtakbo dahil baka may makakakita sakin mula sa campus.
Humihingal na narating ko ang bakanteng lote at agad akong nagtago sa puno ng mga saging.
Nagpahinga muna ako saglit.
Napaka-intense ng eperience kapag gumagawa ka ng kabalastugan sa buhay.
Isang malawak na lote ang nasa kabila ng school campus maraming matataas na talahib. Isang subdivision ito pero mangilan ngilan palang ang mga tumatayong bahay. Ang lote na to ang kumukunekta sa main road.
Agad kong tinahak ang daanan papunta sa lugar kung saan kami magkikita ni Aldwin.
Ilang minuto ang lumipas ay nadatnan ko siyang nakaupo sa motorbike niya.
Hindi na ako nagugulat kong papaanu siya nakalabas ng ganun kabilis at makuha agad ang motorbike niya.
Ang hilig kasi nitong mag-escape ng klase.
''Andito nako'' sigaw ko sa kanya
"Catch!" inihagis niya sakin ang puting tshirt.
"Para saan to?" nagtatakang tanong ko.
"New rule. Bawal ng mag-suot ng school uniform"
"Kapag magkahulihan. Madali tayong pupuntiryahin ng mga pulis kapag nakasuot ka ng ganyan"
"Kailangan talaga?"
"Huwag ka ng magreklamo diyan. Isuot mo na lang yan kong gusto mo talagang sumama"
"Oo na" pag-sasang-ayon ko sa kanya.
Illegal drag race ang pupuntahan namin.
Kaya hindi talaga maiiwasang magkakahulihan.
Well? Ito nga ang gusto ko.
Nakaka-thrill.
Nakakapag-pataas ng Adrenaline.
"Dun ka sa mga talahiban magpalit" itinuro niya ang mataas at mayabong na talahiban malapit sa kinatatayuan namin.
Tahimik na sinunod ko siya.
Kinalas ko ang i.d , necktie at puting blouse uniform.
Nakasuot naman ako ng spaghetti-strap top kaya hindi naman ako masyadong nababahala.
Isinuot ko ang tshirt niyang ibinigay. Dahil hindi naman kalakihan ang katawan ni Aldwin ay fit na fit sa katawan ko ang tshirt niya. Kinalas ko na rin ang palda ko.
Pagkakataon nga naman.
Parang sinadya talagang nakasuot ako ng kulay itim na scalloped short at puting tennis.
Mabilis kong tinupi ang mga damit ko at inilagay sa loob ng bag ko.
"I'm done" nakangisi kong wika habang papalapit sa pwesto niya
Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Parang hindi nakapaghanda auh?"nang-aasar niyang komento sakin
"Halika ka na nga''
"Excited?"
"medyo''
Inabot niya sakin ang helmet ko.
"Remember the Rule?''
"Huwag aalis sa tabi ng motorbike"
"Good"
Agad niyang pina-andar ang motorbike at sumunod din akong umangkas sa kanya.
"Hold Tight" paalala niya bago simulang patakbuhin ang motorbike.
Paglabas namin ng main road ay walang sasakyan na dumadaan.
Ito lang talaga ang advantage kapag nasa malayong probinsiya ka nakatira dahil walang maraming sasakyan.
Ilang minuto lang ay narating agad namin ang lugar kong saan magkakaroon ng drag race.
Yong highway na dadausan ng drag race ay malapit sa boundary ng aming bayan. Kaya nga ako sumama kay Aldwin dahil malapit nalang samin.
Iba't ibang kalse ng motorbike ang nakahilira sa gilid ng kalsada. Nariring ko ang malakas na hiyawan.
Nag-u-umpisa na silang magkarera.
Nilampasan ni Aldwin ang mga nag-kukumpulang motorbike. Pumwesto kami sa pinakadulo.
Yong walang masyadong naka-park.
"Dito nalang tayo" anunsyo niya
Bumababa ako ng motorbike at sumunod din si Aldwin. Ipi-nark niya ng mabuti ang motorbike niya. Kinalas ko ang suot na helmet at inilagay sa upuan.
"Dito ka lang. Pupunta lang ako saglit doon" wika niya sabay turo sa mga nagkukumpulang tao sa di kalayuan.
"Okay" Napatingin ako sa paligid.
Madami ang nanonood. Karamihan ay mga lalake, meron ding mga babae Tantiya ko ay nasa edad 15 to 25 ang mga nanonood.
Nakitakong sinalubong siya ng isang lalaki. Tumatawa pa ito habang nag-uusap silang dalawa.
Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pasimpleng pakikipag-kamay nilang dalawa. May ideya akong tumataya rin siya. Hindi nga lang niya inaamin sakin.
Sa tingin ko ay schoolmates din namin ang ibang nandito. At yong iba naman ay mula pa sa ibang paaralan. Sa pagkakaalam ko tatlong public shools at tatlong private schools ang nakatayo sa bayang to.
Napapikit ako saglit ng mabilis na dumaan sa harapan ko ang dalawang motorbike na nag-uunahan sa finish line.
Isang malakas na hiwayan ang narinig ko ng manalo ang pulang motorbike.
Nag-ready agad ang tatlong motorbike.
May isang lalaking nakatayo sa gitna at may hawak na panyo. Pagkahulog ng panyo ay mabilis na nag-uunahan ang tatlong motorbike. Naghiyawan ang halos lahat ng nanonuod.
Pati rin ako syempre.
Bet ko yong kulay dilaw. kaso naungusan siya ng kulay puti. Pero okay lang.
Mahaba haba pa ang tatakbuhin nila.
Malakas ang hiwayan. kaya nakikisabay rin ako.
Napatili ako ng malakas ng makitang pabalik na ang tatlong motorbike.
Halos pantay lang labanan.
Napatalon ako ng manalo ang bet ko
"Klendria ikaw ba yan?!''agad akong napalingon ng may tumawag sakin
''Briel?!" nanlalaki ang mata ko sa sobrang gulat.
"Whoa! nag-cutting class ka rin?" di makapaniwalang tanong niya
"edi, Pareho lang tayo"
Napangisi siya ng nakakaloko sakin.
Katulad ko ay hindi na ito nakasoot ng school uniform
"Sino ang kasama mong pumunta dito?" usisa niya
"Si Aldwin. Ang kaibigan ko" sabay turo kay Alwin sa mga nagkukumpulang tao.
Napatango-tango siya.
"Mahilig ka rin pala manood ng drag race?"
''Medyo" simpleng tugon ko "Eh? Ikaw sinong kasama mong pumunta dito?"
"Ayon sila oh" turo niya sa di kalayuan.
Halos hindi ako makapaniwala ng makita ang mga mukha nila. Halos yata ng mga kaklase kong lalake ay nandito.
kaya pala!
Halos sabay-sabay silang umalis kanina.
'"Kanina pa kayo nandito?"
"Hindi masyado"
"Eh, Kayo?"
"Nagyon-ngayon lang"
"Andiyan na pala sila, oh"
Napangiwi ako ng mukha habang pinapanood silang lumalapit sa pwesto ko.
Paktay Klendria.
Pinalibutan nila ako.
Ilan ba sila?
One, two, three. four, five, six , seven, eight, nine, ten, eleven---Aish!! hindi ko na nagawang bilangin ang lumapit sakin.
Napalunok ako ng wala sa oras habang tinitignan sila isa-isa.
"Whoa! New record to auh.Ume-eskapo narin pala si Klendria" panunukso ni Tim
"Welcome to the group!'' dugtong ni Lean
"Ganda ng pormahan natin auh? " dagdag naman ni melvin
"Nag-de-date na ba kayo ng lalaking palaging mong kasama?" hirit naman ni Ian del
"Napaka-chismoso niyo talaga" inis kong turan sa kanila
Pinagtawan nila ako maliban nalang sa isang pandak.
Napaka-seryoso ng mukha niya.Siya lang yata ang nakalukot ang mukha habang nakatingin sakin.
"Oh? Papaanu to? nandito kami at nandito ka-"
''Edi? Pareho lang tayong umeskapo sa klase natin. Heto nalang, lumayo kayo sakin ngayon at mag-enjoy. Pagkatapos ay kalimutan nalang natin na nag kita-kita tayo dito. Okay?"
"Cool"
Nag-agree sila sa sinabi ko.
"ba-Bye! Klendria"
Nagsi-alisan na yong iba para bumalik sa pwesto nila.
Maliban nalang sa pandak na ito.
"Bakit hindi ka pa sumama sa kanila?"
"Hindi ka dapat umeskapo sa klase" may diin niyang turan sakin.
Magkasalubong ang kilay niya.
"Sino ka ba para pagsalitaan ako ng ganyan, hah?"
"Napaka-delikado ng lugar na to para sa isang babaeng katulad mo"
''Salamat sa concern. Pero hindi lang ako ang babaeng nandito ngayon, noh "
"Hindi bagay sa isang tulad mo ang ma-involve sa mga ganitong gawain''
"Excuse me lang hah? Hindi mo 'ko kilala. Para pagsalitaan ng ganyan. Pumunta ako dito para makisaya. Hindi para makinig sa mga pangaral mo. Pareho lang tayong gumawa ng mali. Kaya huwag kang Kill Joy!"
"Napaka-espesyal mo-"naputol ang sasabihin niya ng may sumigaw mula sa malayo
"ALIS NA!!!!! MAY PULIIIIIIIIIIIIIS!!!!!"
Naghiyawan ang lahat. Nagsitakbuhan papunta sa nakaparada nilang motorbike.
"GIO SAKAY NA!'' sumulpot bigla si Tim sa harapan namin dala ang kanyang motorbike..
"Sandali lang" Hinarap ako ni Gio.
Napasunod ang mata ko sa kanya ng inabot niya ang helmet sa likuran ko. Hindi agad ako nakagalaw ng ipinasuot niya sa ulo ko ang helmet.
"KLEN! HANDA NA!" Narinig kong sigaw ni Aldwin habang tumatakbo papalapit sakin
Pagkatapos niyang mailagay ng maayos ay umangkas na siya kay Tim.
''Ingat, Klendria!''
"Mauna na kami! Kita nalang tayo bukas! sigaw ni Tim sabay pa-harurot ng motorbike niya.
Mabilis ang galaw ni Aldwin pinaandar niya agad ang motorbike "Halika na" tawag niya. Sumunod ako sa kanya.
Napayakap ako sa kanya ng mahigpit.
"Kumapit ka lang diyan!" sigaw niya habang mabilis na pinapatakbo ang motorbike.
Napalingon ako sa pinanggalingan namin.
Dumating ang patrol car.
Sana hindi sila naabutan
Anu ba ang ginagawa mo sakin Gio?
************
Written By:
Chly Mate
02/27/2022