CHAPTER 25 Nash's POV Bumalik ako sa pwesto ko at sinimulan ko nang ikwento kay Kesh ang mga nangyari nu'ng bigla siyang nawala. Ang totoo ay nagsasawa na akong marinig ang sarili ko na ikinukwento ang tungkol sa bagay na ito, paulit-ulit na kasi. Ganoon pa man, nagsimula na akong magkwento mula sa pagsugod ni Mosh sa akin at ang pagkakakilala ko kay Hash. At siyempre, binanggit ko rin ang kutob ko na ang nag-utos sa kanila ay isang taong may kinalaman sa kaso ng mama ko. Sinabi ko sa kanya na plano kong alisin sa landas si Hash dahil siya ang pinakadelikadong kaaway ko. Si Hash ang maaring alas ng kaaway laban sa akin. Pagkatapos, kinuwento ko na rin sa kanya kung paano kami napunta sa opisina ni Ash at kung anong ginawa namin doon. Natuwa pa nga siya dahil sa ginawa kong pagpaplano

