Allysa POV
" Sissy I heard na may girlfriend yung guy na gusto mong pakasalan! Are you crazy na ba talaga? Bakit that guy pa? Ang dami namang ibang nagkakagusto sayo. Use your mind Ally."
Panenermon ni Jacky sa akin. My best friend. Sa kanya ko kinukwento ang lahat.
" Siya lang ang gusto ko Jacky. Saka hindi ko naman kasalanan na pinagkasundo kami." Sagot ko rito.
" Talaga lang ha! Sinabi mo kaya sa mga magulang niyo na gusto mo siya. Kaya pinagkasundo kayong dalawa. Wag mo kong lokohin. Alam mo naman na love na love ka ng parents mo. " Natatawa na lang talaga ako sa bestfriend ko.
" Magugustahan niya rin ako Jacky. Wag kang nega diyan. Dapat nga ay moral support ka sa akin. Magkaibigan tayo diba? " Napairap na lamang ito. Nagpaalam na ang bruha na kailangan niya ng umalis. Naisip ko namang bumalik na lang sa mansyon namin.
Hindi naman talaga ko pupunta sa mansyon nila Zion kanina kung hindi lang talaga ako pinilit nila mommy para daw mas makilala ko daw si Zion ng mabuti at makabonding sila ang mga magulang ni Zion. Mabuti sakin sina Tito Martin at Tita Clair. Sadyang si Zion lang talaga ang may pagkasama ang ugali. Pero naiintindihan ko rin naman siguri ay nagulat lang siya.
Yung paninigaw niya sakin kanina baka nadala lang siya ng emosyon. Hindi niya naman talaga gusto na sigawan ako.
" Ma'am Ally." Pagtawag sakin ni Kayla.
" Bakit Kayla?"
" Yung mapapangasawa niyo po hindi ko po siya gusto para sa inyo." Pag-amin nito sa akin. Pinakita ko kasi dito ang picture kagabi.
" Bakit naman?"
" Sasaktan ka lang po nun." Natawa na lang ako sa sagot nito.
" May girlfriend nga siya. " Sabi ko pa.
" May girlfriend po?wag na lang po siya Ma'am Ally. Marami pa naman pong iba diyan." Ang galing niya magpayo.
" Wala din akong magagawa siya ang gusto nila mommy. " Sagot ko.
" May magagawa kayo Ma'am. Sabihin niyo hindi niyo na gusto. Mahal na mahal kaya kayo ng parents niyo." Ang cute niya talaga. Saka wag sigurong magjudge agad.
" Magbebreak din sila ng girlfriend niya. Magugustuhan din ako non. " Sabi ko pa. Siguro nga ganon na ang pagkagusto ko kay Zion kaya pinapaniwala ko na lang ang sarili ko.
Nagpunta na lang sa kwarto ko. Dito ko na lang sa mansyon gagawin ang mga pinapagawa ni daddy. Okay lang naman daw. Sabi niya. Siyempre mahal na mahal nila ko. Dapat ay maggagawa nga ako. Pero napunta ko sa IG at tinignan ang account ni Zion. Na sana hindi ko na lang pala chineck dahil puro picture nila ng girlfriend niya ang nakapost doon. Masaya. Ako kaya kailan ko kaya siya mapapasaya. Kahit mapangiti man lang. Ayos na sakin.
Ayon imbes na gumawa na nauwi ako pag iimagine paano kapag nakasal na kami ni Zion. Hindi pa nga nangyayari ay kinikinilig na ako. Hays. Dati ay pagkagusto lang. Ngayon ay mahal ko na. Habang tumatagal ay palalim ng palalim ang nararamdaman ko.
Zion POV
" What?" Galit na tanong ko sa mga magulang ko. Gusto nilang tumira ako sa isang mansyon. Kasama ang babaeng yon. Para naman daw mas makilala ko si Allysa. The f*ck. Are they out of their mind? Ang makipag-usap nga lang sa babaeng yon ay hindi ko na kinakaya. Makasama pa kaya ito sa isang mansyon.
But on the other side. Siguro ayos din. Sa mansyon ko na yon pahihirapan ang Allysa na yon. Hanggang sa sabihin niya na sa mga magulang namin na ayaw niya na makasal kami. Napangiti si mommy ng pumayag ako. Hindi nila alam na may pinaplano akong masama. Anong akala nila? Payag na ako sa gusto nila. That will never happen.
" Titira ka sa isang mansyon kasama ang babaeng yon, babe?" Tanong ni Kate mula sa kabilang linya. Parang kanina lang ay magkasama kami. Pero miss na agad ang isa't isa. Mabuti na lang talaga ay napatahan ko ito kanina.
" Don't worry babe may plano ako. At wala sa plano ko ang mainlove sa babaeng yon. Ikaw lang ang mahal ko." Seryoso kong sabi rito. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga ng babae. May tiwala naman ito sa akin. Alam ko yon.
" Okay." Nagpaalam na ito dahil may gagawin pa daw. Samantalang ako ay nagsearch muna sa internet tungkol sa Allysa na yon. Nag-iisa palang anak. At simula pagkabata ay spoiled na. Marami ring manliligaw pero bat ako pa ang napili niya kung di ba naman tanga.
She always smile. Pero nakasama niya na ko mawawala ang mga ngiting yon sa labi niya. Ni hindi siya magiging masaya. Natawa na lamang ako sa iniisip ko. Anong akala niya hihiwalayan ko ang girlfriend ko para sa kanya? Hindi mangyayari yon.
Allysa POV
Sinabi sakin nila mommy na titira muna daw ako sa isang mansyon kasama si Zion and that make me so happy dahil mas makikilala ko pa ito. Ang swerte ko talaga sq mga magulang ko. Baka pag mas nakilala pa ko ni Zion ay magustuhan niya na ko. At kapag nakasal na kami. Magsasama na talaga kami habang buhay.
" Basta sabihan mo lang kami ng daddy mo ha? Kapag nagkaproblema." At hinalikan ako ni mommy sa noo.
" Oo naman mommy." Pagkalabas ni mommy ng kwarto ay tinawagan ko si Jacky. Kinuwento ko rito ang lahat. Kontra agad ito. Wala daw magandang kalalabasan. Ang galing niya talagang mangomfort kahit kailan. Nakatulong siya. Pero ako excited ako. Makakasama ko si Zion. At mas makikilala namin ang isa't isa.
" Ewan ko sayo Allysa. Kung saan ka masaya. Kapag may nangyari sabihin mo agad ako. Baka hindi pa kayo kasal ay idomestic violence ka ng lalaking yan. Wag kang magpapakabattered fiance."
" Huh diba battered wife yon?" Tanong ko.
" Eh fiance ka palang naman kaya battered fiance." Sabi nito. Natawa na lang ako.
" Oo na. Oo na. " Sabi ko na lang.
" Wag na wag ka lang talagang iiyak. " Natawa na lang ako. Ang galing manakot at hindi naman talagang mangyayari yon.