Allysa POV
" Sige maiwan na namin kayo mga anak. " Napatingin ako kay Zion. Walang emosyon ang mukha nito. Kahit noong umalis na ang mga magulang niya ay wala itong pakialam. Ganyan ba talaga siya? O baka ayaw niya lang akong kausap. Mabuti na lang at kasama ko si Kayla kaya may makakausap pa rin ako. Siya lang ang maid na pinasama ni mommy.
" Ano bang tinitingin mo diyan?" Galit na tanong ni Zion. Agad tuloy akong napaiwas ng mga tingin. Pati mga kasambahay ay nagulat sa sigaw niya. Ang lakas kasi ng boses parang umeko nga iyon sa mansyon. Pwede namang magsalita ng maayos.
" San ka pupunta?" Tanong ko rito.
" Aalis? " Patanong nitong tanong.
" Hindi mo man lang ba ko sasamahan libutin ang mansyon? Dito na rin naman tayo titira kapag mag-asawa na tayo." Sabi ko pa.
" Gusto mong maglibot?! Edi maglibot ka. Mag-isa. At mas gusto ko pang umalis na lang dito kaysa makasama ka. At sinong nagsabi sayong magiging mag-asawa tayo? In your dreams Allysa. " Sabi nito bago umalis.
" Grabe naman yon magsalita Ma'am sabi ko na sa inyo. Masama ugali. Bakit hindi niyo sabihin sa mga magulang niyo na ganyan niya kayo itrato. " Sabi ni Kayla sa akin. Ngumiti na lang ako rito. Ayos lang naman ako. Sabi nga nila diba. Think positive.
Ako na ang nagpaayos ng mga gamit ni Zion. Dun sa masters bed room ko pinalagay lahat. Oo nga pala hindi ako magluto. Sanay kasi ako ng iba ang gumagawa non para sakin kaya kailangan ko ng matuto. Magpapaturo na lang ako kay Kayla. Baka lalo kasi akong ayawan ni Zion kapag nalama niya na di ako marunong.
Noong lunch ay nagpadeliver lang ako at binigyan ko ang mga maids dahil sa tinulungan rin nila akong mag-ayos. Thank you ko na rin. Pero nung magdidinner na ang naisipan kong magluto. Nagpatulong ako kay Kayla. Naisip kong Adobo ang lutuin. Tinanong ko si Clair iyon daw ang paborito ni Zion.
Nahiwa pa ako sa paggagayat kaya nag-alala si Kayla. Ang sabi niya pa nga ay siya na lang daw ang magluluto ngunit hindi ko ito hinayaan. Kaya tinuruan niya na lang ako. Ang dali lang pala magluto. Hays dapat pala matagal na kong nagpaturo kay mommy.
Pinatikim ko kay Kayla. Masarap naman daw. Siguradong magugustuhan rin ni Zion. Happy ako sa thoughts na yon. Kaya hindi ko inaasahan na pag-uwi nito ay pipintasan niya lang ang niluto ko at itinapon pa. Ang mga maids ay nagulat rin.
" Sinabi ko bang ipagluto mo ko? At ang alat! Kung di ka ba naman tanga! Baka anong sakit pa ang makuha ko sa niluto mo!" Galit nitong sigaw saka ako tinalikuran. Namalayan ko na lang na may pumatak ng mga luha sa aking mga mata. Masyado siyang straight to the point.
Kumain na lang ako mag-isa. Saka umakyat naabutan ko ito sa masters bedroom. Galit itong lumapit sa akin.
" Sinong may sabi sayong dito ipalagay ang mga gamit ko?"
" Dito ang kwarto natin." Sagot ko.
" Kwarto natin? Baka nakakalimutan mong fiance lang kita!At wala akong balak na pakasalan ka. " Sigaw nito sa pagmumukha ko.
" Ay hindi ko gugustuhin na makasama ka sa isang kwarto! Ikaw lang dito! " Sigaw niya pa saka lumabas ng kwarto. Ipinalipat niya ang kanyang mga gamit.
" Wag mo na ring subukin na magsumbong sa mga magulang natin! " Sabi niya pa.
Naiwan akong lumuluha sa kwarto. May kukunin lang sana ako sa baba. Pero napadaan amo sa guess room. Narinig ko si Zion na may kausap. And that hurt me a lot of times ng malaman ko kung sinong kausap nito. It's Kate his lovely girlfriend. Sobrang kalmado niya pala kapag ang babae ang kausap. Samantalang ibang iba ang pakikitungo sa akin.
" I love you too babe." Doon na ako tuluyang umalis sa harapan ng kwarto nito at bumalik na lang sa kwarto ko na dapat ay kwarto namin. Ano bang kailangan kong gawin upang magustuhan man lang nito. At sa nakikita ko hindi nito hihiwalayan ang girlfriend niya upang magpakasal lamang sa akin. Mahal na mahal niya ang babae. Halata naman.
Nakipag video call sakin sila mommy. Sinabi ko ritong wait lang. Pumunta muna ako sa isang kwarto para tawagin si Zion. Mabuti na lang at nakikooperate ito. Nakangiti lang ito at hindi nagsalita. Sila mommy na rin ang nagpatay ng tawag.
" Tinawag mo pa talaga ako? Hindi mo ba kayang kausapin ang parents mo ng mag-isa?" Galit nitong tanong sa akin.
" Hinanap ka nila." Sagot ko.
" Nagdadahilan ka pa. Pwede ba Allysa wag na tayong maglokohan rito. Ikaw ang pinakatangang taong nakilala ko. Kahit na anong gawin mo hindi ko hihiwalayan ang girlfriend ko para lang magpakasal sayo. At habang magkasama tayo. You'll experience hell with me. Remember that! " Saka ito umalis sa kwarto ko. Padabog na sinarado ang pintuan.
Bigla namang tumawag si Jacky. Mukhang mangangamusta na naman ang kaibigan kong ito. Pinigilan ko ang aking mga hikbi. Hindi niya pwedeng marinig. Malalaman nitong hindi ako okay at baka magsumbong pa ito sa parents ko. Huminga muna ako ng malalim.
" Hey what's up." Bati ng aking kaibigan.
" Im fine Jacky." Sagot ko rito.
" Weh? Di nga?" Paninigurado niya pa. May pagkaloka loka talaga ihh. " May pagkaloka loka talaga ihh.
" Ayos lang talaga ako. " Ulit ko pa.
" Sabi ko nga okay ka lang. " Pagsuko niya na.
" Ano maayos ka bang tinatrato ng soon to be asawa mo?"
" Oo naman bakit naman hindi. "
" Duda ako diyan. " Hindi pag sang ayon nito.
" Di wag kang maniwala kung ayaw mo. " Pinilit ko lang talaga wag ilabas sa kanya ang sakit na nararamdaman ko.
" Basta kapag may gusto kang ikwento o problema sabihin mo lang sa akin. Baka mamaya first day niyo palang na magkasama. Pinapaiyak ka na niyan. " At hindi nga nagkamali doon ang kaibigan ko.