CHAPTER 4

1003 Words
Zion POV " Tanga ka ba talaga? Bibigyan mo ko ng kape na hindi mo man lang nilagyan ng asukal? Ginagamit mo ba talaga utak mo? Ano nga palang alam mo e ispoiled brat ka. " Wala akong pake kahit masaktan pa ito sa mga sinasabi ko yun naman ang totoo! Wala itong kwenta. " Sorry nakalimutan ko lang. Nagmamadali kasi ako. " Nakakailang araw palang kami na magkasama pero parang ang tagal tagal at hindi ko na siya kayang tagalan pa. Nasan ba ang utak ng babaeng to! Ang bobo lang kasi. Magtitimpla na nga lang ng kape. Muli itong nagtimpla ng kape pero tinabig ko lang yon. Wala na akong pake kahit mapaso pa siya. Tanga siya eh. Saka ako umalis ng mansyon. Mabuti na nga lang at hindi dumadalaw ang mga magulang namin dahil siguradong magbibida bida na naman ito. Pagdating ko sa kompanya ay ang dami pang kailangan ayusin. Kung ibinibigay na lang sa akin ni dad ang posisyon ng pagiging CEO hindimo sana ako masyadong mahihirapan. Nakakagalit lang talaga. Wala ba siyang tiwala sa akin. Hindi ko inaasahan na dadalawin ako ni Kate. May dala pa itong lunch para sa aming dalawa. Ang mga empleyado ay panay na naman ang tingin. Wag na wag lang nilang ikokompara si Kate sa Allysa na yon dahil sobrang layo at si Kate ay gusto at mahal ko at ang babaeng yon kulang na lang ay pandirihan ko. Biglang dumating si dad. Kaya agad na umalis si Kate. Ang sama na naman ng tingin nito sa akin. Mukhang hindi gusto ang nakita. Sasabihin na naman na bakit hindi pa ko nakikipaghiwalay kay Kate. Simple lang dahil mahal ko ito. At ito ang gusto kong pakasalan. " Hindi ka pa din nakikipagbreak sa babaeng yon?" " Hindi lang siya basta babae dad girlfriend ko si Kate at wala akong pake kahit na ayaw niyo sa kanya." " And Allysa is your fiance!" Sigaw nito sa akin. " That I never wanted!" Kaya nasuntok na ako ni dad. " Akala mo ba hindi namin alam ng mommy mo? Hindi mo tinatrato ng maayos si Allysa. Alam mong kaibigan namin ng mommy mo ang mga magulang niya. And Allysa is a good woman pero binabalewala mo lang yon. She's better than Kate!" Sigaw pa ni dad sa akin. " I don't care of whoever she is. I will never want her to be my wife. " Saka ako umalis doon. Ayoko na sa mga walang kwentang usapan. Kita ko ang tingin sa akin ng mga empleyado. Hindi ko na lamang pinansin ang mga ito. Malamang ay nagsumbong si Allysa. Malilintikan talaga sakin ang babaeng yon. Ang kapal ng mukha. Hintayin niya lang akong makauwi. Peste siya. Masyado niyang pinepeste ang buhay ko. Bumalik din ako sa kompanya at tinapos ang mga gawain ko don. Pagkauwi ko sa mansyon ay si Allysa agad ang hinanap ko. Naabutan ko itong nagluluto sa kusina. Pangiti ngiti pa ito kasama ang mga katulong. " Nandiyan ka na pala. Nagluto ako para sa atin." Saad nito. Pinatay na ang kalan. " Umalis muna kayo!" Utos ko sa mga maids na nakaapaligid. Nang makaalis na ang mga ito ay saka ko inilabas ang galit ko. Wala kong pake kung matakot ang babae sa sigaw ko. Kung masaktan man siya sa mga sasabihin ko. " Nagsumbong ka diba?" " Huh? Ano bang sinasabi mo?" Maangan maangan nitong tanong. Na parang walang alam. Akala niya naman ay maloloko niya ako. " Sa parents natin nagsumbong ka?! Wag mo nga kong pagmukhaing tanga!" Sigaw ko rito. " Hindi ko alam ang sinasabi mo. Anong nagsumbong. " Mahigpit kong hinawakan ang braso nito. " Na hindi kita tinatrato ng maayos. Sinabi mo sa mga magulang natin." Muli kong sigaw. " Hindi ako nagsusumbong Zion. " Sabi niya pa. " Sinungaling!" Itinulak ko ito kaya tumama ang likod niya sa mesa. Ngunit wala akong pake roon. " Tang ina ang lakas ng loob. Kung hindi mo kinakaya. Sabihin mo sa mga magulang ko na hindi tayo dapat ikasal! " At saka ako umalis sa kusina. " Babe..." May halong lungkot ang boses ni Kate ng tumawag sa akin. " Wag ka na munang pupunta sa kompanya." Kalmado kong sabi. " Sa mansyon niyo ng fiance mo pwede ba akong pumunta? " Tanong nito. " Oo naman, babe. Sabihin mo lang sa akin. Pagpupunta ka." Narinig ko ang pagtawa mula sa kabilang linya. " Baka awayin lang ako ng fiance mo. " Sabi nito. " She can't do that. Takot yon sa akin. Baka siya pa ang palayasin ko." " Iba ka talaga babe." Sabi pa nito. Pagbaba ko hindi ko naabutan si Allysa. Ang sabi ng mga katulong ay nasa niya daw ito. Mabuti ngayon wag na sana siyang lumabas doon. Pansin ko na ang isang maid ang pinakaclose niya. At ito ang lagi niyang kakampi. Ayos parehas naman silang mga tanga. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay ayaw na ulit ako. " Mukhang masakit talaga ang likod ni Ma'am Allysa." Rinig kong sabi ng isang katulong. " Sa mansyon nila tinatrato daw prinsesa si Ma'am Allysa sabi ni Kayla. Tapos yung fiance niya ay parang inaalila lang siya at sinasaktan." Mga chismosa nga naman. Hindi ko na lamang pinansin ang mga ito. Samantalang si Allysa ay tahimik na umiiyak sa kanyang kwarto. Tumatawag nga ang mga magulang niya at kaibigan niyang si Jacky ngunit hindi niya sinasagot ang tawag dahil maririnig lang ng mga ito ang iyak niya. Bakit ba ang hirap magmahal? At yung taong mahal mo ay wala pang pake sa nararamdaman. Pero siyempre di ba hindi dapat dapat sumusuko. Sana bago sila ikasal ni Zion ay nagustuhan man siya ni Zion kahit konti lang. Humarap siya sa salamin at pinahid ang kanyang mga luha. Saka niya pinilit ngumiti para itago ang sakit na nadarama. Hindi pwedeng malungkot siya paghaharap sa mga tao dapat ay masaya siya kahit na alam niyang hindi siya gusto ng mapapangasawa niya at paulit ulit siya nitong sinasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD