Allysa POV
Ganon ba talaga kapag mahal mo? Magtitiis ka kahit gaano pa kasakit? Kahit na sumosobra na siya sa pananakit sayo. Kasi sa tingin ko oo. Nagtitiis ako dahil alam kong sa huli ay ikakasal pa rin siya sa akin. Naisip kong umalis muna sa mansyon. Tinawagan ko si Jacky sinabi ko rito na magkita kami. Miss ko na rin ang kaibigan ko. Ilang araw na din kaming hindi nagkikita.
" Finally nagyaya ka ulit. Akala ko naman ay masyado ka ng nabusy sa pagiging soon to be wife mo." Pinilit kong ngumiti sa harap nito. Hinawakan ni Jacky ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa. Pinigilan ko ang pagpatak ng aking mga luha. Hindi niya dapat malaman na malungkot ako ngunit huli na ang lahat.
Nakita nito ang pasa sa aking braso. Hindi na iyon natakpan ng suot kong damit. Bakas sa mukha nito ang galit.
" Sinong may gawa nito?" Galit na tanong ni Jacky sa akin.
" Wala lang yan." Sagot ko rito.
" Anong wala lang yan? Pasa yan, Allysa."
" Wala nga lang yan." Pag uulit ko pa.
" Hindi pa nga kayo mag-asawa ay sinasaktan ka na. Paano pa kapag naging mag-asawa na kayo? Huh Allysa? Ano tinototoo mo yung pagkakabattered. My god anong ginagawa mo sarili mo. " Panenermon nito sa akin.
" Ikakasal din naman kami Jacky. At wala siyang magagawa ko doon. Sa ngayon ay magtitiis muna ako. " Sagot ko rito. Napailing iling na lang ang kaibigan ko. Hindi sang ayon sa mga nagiging desisyon ko.
" Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo? Bakit hindi mo sabihin sa mga magulang niyo? Para naman maano yang Zion na yan. Hindi naman tama yang ginagawa niya sayo! Hindi ka tanga Allysa. Alam mo ang sinasabi ko!" Sabi nito habang hawak ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.
" Ayos lang ako Jacky. " Sabi ko pa. Sinabi ko rito na ibahin na namin ang topic at nakiusap na wag sasabihin sa mga magulang ko ang nangyayari. Mabuti na lang at pumayag ito. Ang sabi niya pa nga ay kakausapin niya si Zion pero ang sabi ko ay wag na.
Ang likod ko ay ayos na. Mabuti nga at hindi na ito sumasakit. Dahil nga nasa restaurant kami hindi ko maiwasan mapatingin sa paligid napapaligiran kami ng mga couple na sweet sa isa't isa. Bakit ako iba ang naeexperience. May mali ba sakin.
Ang sabi ni Jacky ay sasama daw siya sa mansyon pero ang sabi ko wag na dahil may kailangan pa rin namang siyang gawin at may sarili rin siyang buhay. Kaya ko naman ang sarili ko.
Hindi ko inaasahan na pagdating ko sa mansyon ay si Zion at ang girlfriend niya ang maabutan ko. Naghahalikan ang dalawa. Parang sinasaksak ako ng libo libong patalim dahil sa aking nakita.
" Oh hi. Im Kate. Zion girlfriend." Pagpapakilala pa nito sa akin.
" Is it okay If im here?" Hindi ko alam kung saan ito kumukuha ng kapal ng mukha. Alam ko na alam nito na fiance ako ni Zion. Pero bakit ganito siya umacting sa harapan ko.
" I'm sorry Miss but you can't be here. " Sagot ko. At mukhang hindi nito nagustuhan ang sagot ko.
" Ang sabi sakin ni Zion kapag kinasal na daw kayo at makikipagannul din siya agad or never niyang hahayaan na makasal kayo. Dahil ako ang mahal niya." Confident nitong sabi sa akin.
" Ah talaga sinabi niya sayo? Sinabi niya rin ba sayo na kaya kitang kaladkadin palabas ha? " Sabi ko pa. Kaya ang mga katulong ay napaoww na lang at mukhang napahiya ang babae.
Akmang sasampalin ako nito pero ako ang nakasampla dahil nasalag ko ang kamay nito. Ibang usapan na to.
Malakas akong itinulak ni Zion dahilan para mapaupo ako sa sahig. Tinulungan naman agad ako ng maids. Samantalang si Zion ay hinatis si Kate sa labas. Mukhang mahal na mahal niya talaga ang babae.
" Bakit mo ginawa yon?" Galit na tanong ni Zion sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nawala ang tapang ko. Hindi ako makasagot. Hindi ako makapagsalita.
" Akala mo ba hindi ko alam? Baka pati sa kaibigan mo ay ikinukwento mo ang mga nangyayari! Attention seeker ka diba? Gusto mo lagi ng attention. Kaya mas lalo akong namumuhi sayo. Who are you to hurt my girlfriend?" Muli nitong tanong sa akin.
" She's your girlfriend. But I'm your fiance. Ako ang pakakasalan mo Zion. Ako. " Sabi ko.
" I love her and I don't love you. Siya ang pakakasalan ko at hindi ikaw. Just keep on dreaming Allysa na balang araw magugustuhan kita. Isang araw aalis ka na lang sa mansyon na to at sasabihin mo sa mga magulang mo na itigil na ang kalokohan na to." Saka ako tinalikuran.
Doon lang nagsipatakan ang aking mga luha. Sabi nga nila. Word's cut deeper than the knife. Bakit ba hindi niya ko magawang magustuhan. May mali ba sarili ko? Bakit di niya ko kayang tanggapin? Kasi ako kahit ganon siya mahal ko siya. Gusto at mahal ko pa rin siya.
" May maganda kayo sa Kate na yon Ma'am." Pag-aalo ni Kayla sa akin.
" Siyempre naman." Sabi ko pa. Saka ngumiti. Pinunasan ko ang mga luha na pumatak mula sa aking mga mata dahil wala namang magpupunas para sa akin. Bakit ganon yung kadalasang nagugustuhan natin hindi tayo gusto? Kaya mas lalong masakit.
" Ang kapal ng mukha non, Ma'am feeling mo naman maganda. Mukhang kuko mo lang yan Ma'am. Saka nadala lang yun ng make up ikaw natural beauty." Sabi pa sakin ni Kayla. Hindi talaga ito pumapalya na pangitiin ako. Mabuti na lang at pinasama siya nila sa akin.
Habang si Zion ay katawagan na si Kate. Panay ang reklamo ng babae na ang sakit sakit daw ng pisngi nitong nasampal. Kaya si Zion nag-isip naman ng paraan kung paano maigaganti ang girlfriend kay Allysa. Napangiti na lang siya ng maladem*nyo makaisip na.