CHAPTER 6

1005 Words
Allysa POV Nagulat ako ng paggising ko ay kasalo ni Zion sila mommy at mukhang may pinag-uusapan ang mga ito. Tanghali na ako nagising dahil napagod ako sa kakaiyak kagabi. Hindi nga ako kumain ng hapunan kaya medyo masakit din ang tiyan ko. Pero si Kayla agad ang hinanap ko. " Asan si Kayla?" Tanong ko sa mga ito. Napatingin tuloy sakin sila mommy. " Binawi na siya ng dati niyang amo, anak. Bumalik na siya roon." Sagot sakin ni mommy. Ang sabi niya sa akin noon ay hindi niya na ibabalik si Kayla sa dati nitong mga amo dahil nasasaktan lang ito doon. Pero anong nangyari. Nang tumingin ako kay Zion ay nakangiti, alam ko may kinalaman siya rito. Hindi na lamang ako nagsalita ulit. Mamaya ko na siya kakausapin kapag umalis na ang mga magulang ko. Napakamagalang nito habang kausap ang mga magulang ko. Parang hindi siya nag aasal hayop kapag kami lang dalawa. Parang ibang Zion ang nakikita ko kaya nakakapanibago pero alam ko naman na nagpapanggap lamang ito. Nagpaalam na sila mommy na kailangan ng umalis. Si Zion ay hinatid pa ang mga ito sa labas. " Anong ginawa mo? Bakit nawala si Kayla?" Naiiyak kong tanong rito at the same time ay galit. " Ikaw anong ginawa mo? Sinaktan mo ang girlfriend ko. Ngayon quits na tayo. At wag mo kong iyakan Allysa. Hindi uubra sakin yan. Ang dali lang pala paikutin ng mga magulang mo. " Bago ito umalis para pumasok na. Napaupo na lamang ako sa bangkuan at napaiyak. Mamimiss ko si Kayla. Wala na lang akong nagawa kundi umiyak. Pero napag-isip isip ko na may kailangan akong puntahan. Isinuot ko ang pinakamaganda kong damit. Pupunta ko sa kompanya ng Kate na yon. Hindi ko naman ito ipapahiya pero parang ganon na nga. Wala na kong pake kahit na magalit pa sakin si Zion ulit. Dahil sa babaeng yon ay nawala sa tabi ko si Kayla. Ang kapal kapal ng mukha niya. Girlfriend niya at ako ang fiance. Sino siya? Ang lakas pa ng loob niya na maliitin ako. Madali akong nakapasok sa Smith Constructions ng sabihin ko ang apelyido ko. Pansin ko pa ang tingin sakin ng mga empleyado. Kakaiba ang mga iyon at ang iba ay manghang mangha pa. Ang pinuntahan ko talaga ay ang opisina nito. Naabutan ko ito doon na may kausap na isang kliyente. " Allysa Valencia. The Heiress of the Valencia's right?" Tanong nito sa akin. Si Kate ay natigil sa pagdidisscuss sa babae. Na ngayon ay sa akin na nakatuon ang atensyon. Wala kong pake kung mapahiya ko man siya. " Gusto ko lang naman makausap si Ms. Smith." Pagtutukoy ko kay Kate. " About what matters? " Tanong ng kliyente ni Kate. " About kung kailan niya planong layuan ang fiance ko." Sagot ko rito. Na kilaglag ng panga nito. Hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Hindi naman ako nagbibiro. " Bumalik na lang po kayo Ms. Alvarez. " Sabi ni Kate sa kliyente. Kaya nga umalis muna ito. Naiwan kaming dalawa ni Kate. Sobrang sama ng tingim nito sa akin. Bakit kasi ang kapal ng mukha niya? " Malalaman to ni Zion." Sabi niya. " Edi sabihin mo." Sagot ko pa.Saka lumabas ng opisina niya. Sumunod sakin si Kate. At hinila pa nito ang buhok ko. Ang mga nakakitang empleyado nila ay nagulat pa. " Ms. Kate bat kayo ang nanabunot. Diba dapat kayo ang sabunutan dahil kayo ang parang kabit. Girlfriend lang po kayo siya ang fiance." Sabi ng isang empleyado. Binitawan naman ni Kate ang buhok dahil sa pagkapahiya. Maya maya pa ay lumabas na ang dumating ang daddy ni Kate. " Daddy pinapahiya ako ng babaeng yan. " Pagsusumbong nito sa ama. " Allysa Valencia, the daughter of Allison and Conrad Valencia?" Tanong nito sa akin. " I am." Sagot ko rito. Kilala talaga ang mommy at daddy ko kahit na sa ibang bansa. " Gusto ko lang po sana na sabihan ang anak niyo na layuan niya na ang fiance ko." Sabi ko rito. Bigla namang namutla si Kate. Puro tapang lang pala ito. Wala rin namang ibubuga. Saka ako tumalikod na para umalis. Hindi naman siguro makakaabot sa mga magulang ko ang issue. Sila lang din ang mapapahiya. Tinatawag pa ako ng ama ni Kate ngunit hindi ko na pinansin ang mga ito. Samantalang si Kate ay pinapagalitan na ng ama. Dahil sa katangahang ginawa nito. Si Allysa Valencia pa kasi ang inaway. At matagal niya na rin itong sinabihan na hiwalayan na si Zion ngunit hindi nakikinig ang anak. " Pero dad mahal ko si Zion at mahal din niya ako. Hindi ko siya hihiwalayan." Isang sampal ang natanggap ni Kate sa ama. Kasalanan lahat ng Allysa na yon. Hindi niya inaasahan na gagawin nito iyon. Ang akala niya kasi ay saksakan ng bait ni Allysa. " Ilang beses ko bang kailangan sabihin sayo na hindi kayo nababagay ni Zion. Oo mayaman tayo ngunit hindi pa rin natin sila kalevel. Alam mo bang isang hiling lang ni Allysa sa mga magulang niya ay pwedeng mawala ang negosyo natin." Sabi ng daddy ni Kate sa kanya. Nagwalk na lamang siya. Sasabihin niya kay Zion ang lahat ng nangyari at kung ano ang ginawa ng fiance nito. Alam niyang tiklop si Allysa pagdating kay Zion. Samantalang si Allysa ay medyo maluwag luwag na ang loob dahil sa kanyang nagawa. Pahiya si Kate. Hindi na siya magpapakabait pa. At magtitiis na basta basta na lang siyang apihin ng iba. Lalaban na din siya kay Zion. Hindi pa nga sila mag-asawa ay magpapakabattered na siya. Tama ang kaibigan niyang si Jacky. Hindi niya dapat hinahayaan ang iba na saktan saktan lang siya at isa pa siya ang tagapagmana ng mga magulang niya at nag-iisang anak ng mga ito. Si Zion ay galit na galit na. Baka dahil sa sobrang galit ay baka kung ano ang magawa niya kay Allysa. Masaktan niya ito ng sobra dahil sa ginawa nito. Hindi na talaga ito nahiya. Gumawa pa talaga ng gulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD