Allysa POV
" T*ng Ina Allysa bakit mo pinahiya si Kate? Sinusubukan mo ba talaga ako?" galit na galit na tanong sakin ni Zion. Siguro ay nagmadali siyang umuwi para lamang komprontahin lang ako. Pagdating talaga kay Kate. Hinawakan nito ang braso pero tinabig ko ang kamay nito.
" Bakit totoo naman diba? Ako ang fiance mo at girlfriend lang siya. Pasalamat nga siya at yun lang ang ginawa ko!" Sigaw ko rito. Hindi nito inaasahan ang magiging sagot kaya mukhang nagulat. Hindi ko na hahayaan na saktan niya ko ulit dahil sa babaeng yon.
" Paano kapag nakaabot ito sa parents mo. Ikaw lang din ang mapapahiya! " Ako ba talaga o siya? Baka kapag sinabi ko sa parents ko ang mga pinaggagawa niya ay baka anong mangyari sa kanya. Sa mansyon namin ay prinsesa ko kung ituring pero anong ginawa niya.
" Hindi ako ang mapapahiya. Ikaw! Kayo ng Kate na yon! At anong akala mo matatakot ulit ako sayo? Oo gusto kita! Pero hindi ko hahayaan na saktan mo ulit ako. Pasalamat ka nga at hindi sa harap ng maraming tao ko pinahiya ang babaeng yon!" Asik ko rito.
Saka ko ito tinalikuran. Malamang ay nagsumbong sa kanya si Kate. Kaya galit na galit ito. Kahit naman anong gawin niya ay sakin pa rin siya ikakasal. Wala na siyang magagawa doon. Darating ding ang araw na kailangan niya ng hiwalayan si Kate.
Pagbaba ko ay wala na si Zion. Mukhang umalis ulit. Naisip kong magluto. Lilibangin ko na lamang ang sarili ko. Tinawagan ko si Jacky at inimbita ito para naman may kasama ako. Dahil hindi naman ako sinasabayan ni Zion. Nang dumating ay kaibigan ko tuwang tuwa ito.
Alam niya na din agad yung tungkol sa ginawa ko. Tawang tawa pa nga ito. Puro talaga kalokohan. Ang sabi pa nga ay kulang pa daw ang ginawa kong yon. Tinanong pa ko kung anong naging reaksyon ni Zion. Ang sabi ko ay galit na galit.
" So hinahayaan mo pa rin ba na saktan ka niya?" Tanong nito habang nanonood kami ng T. V sa living room.
" Nope.Tama na. Isa akong prinsesa ng mga magulang ko. Kaya bakit ko hahayaan na api apihin lang ako ng mga magulang ko." Sagot ko rito. Napangiti na lang si Jacky. Nagustuhan ang aking sagot.
Umuwi din si Zion saktong paalis na rin si Jacky. Sobrang sama ng tingin nito sa kaibigan ko. Siya nga ay dinala niya dito ang babae niya este girlfriend niya. At dito pa sila naghalikan. Kaibigan ko lang naman si Jacky.
" Malas ng kaibigan ko na ikaw ang gusto niyang pakasalan." Sabi ni Jacky bago tuluyang umalis. Napangiti na lamang ako. Si Zion ay lalong sumama ang awra.
Noong gabihin iyon ay magaan ang loob ko ng matulog. At pagdating ay umaga ay maganda rin ang gising ko. As usual wala na si Zion sa mansyon ng magising ako. Namimiss ko lang talags si Kayla. In the right time. Kukunin ko ulit siya. Pero hindi pa ngayon.
Naglinis na lang ako ng mansyon dahil sa sobrang pagkabored at walang magawa. Pero naisip ko na magandw siguro kung magtatrabaho na muna ako. Nagpunta ako sa kompanya namin. Panay ang tungo ng mga nakakasalubong ko.
" Goodmorning, dad." Bati ko sa daddy na makapasok sa opisina nito. Ngiti ang isinukli niya sa akin. Hindi siya galit? Nakarating na naman siguro sa kanya yung ginawa ko. Ang inaasahan ko kasi ay sisigawan niya ko.
" Sinugod mo ang girlfriend ni Zion?" Tanong ni dad sa akin. Tumatango tango na lamang ako.
" Sure ka ba Hija na siya ang gusto mong pakasalan. Ipinagkasundo ka namin sa kanta dahil ang sabi mo ay gusto mo ang lalaki. Hindi na ba magbabago ang isip mo Hija? " Tanong sakin ni daddy.
" Matagal ko ng gusto si Zion, dad. At wala naman siyang magagawa. Ikakasal pa rin siya sa akin. " Sagot ko kay daddy. Ngumiti ang daddy ko at niyakap ako. Ang swerte ko talaga dahil sila ang mga magulang ko.
May meetint si dad kaya ako ang naiwan sa office nito. Busy ako sa pagtatype sa loptop ng biglang bumukas ang pintuan ng office ni dad at inuluwa noon si Zion. Hindi niya pa ata inaasahan na makikita niya ko rito.
Sabagay wala naman siyang pake sa akin. Pero subukan niya lang na awayin ako rito. Talagang mapapahiya siya.
" Asan si Tito Martin?" Tanong nito sa akin.
" Nasa meeting." Sagot ko.
" Why are you here?"
" Hinahanap mo ang daddy ko diba at office niya to. Masama bang nandito ako?" Irap kong tanong.
" Ma'am Allysa. Ito na po ang pizza niyo." Sabi ng empleyado ng makapasok sa office. Gusto ko sanang magbonding kami ni dad. Kaso mukhang busy ito. Sa mga employee niya na lang ako makikibonding.
" Sa inyo yang tatlong box. " Ngiti kong sagot. Nagthank you naman ang mga ito sa akin.
" Bakit mo ba gusto makausap si dad?" Tanong ko kay Zion na sobrang sama na ng tingin sa akin. Wala akong pake sa nararamdaman niya o kung nasasaktan man ang Kate na yon.
" Tungkol sayo. Tungkol sa mga ginawa mo." Galit nitong asik sa akin. Tumayo muna ako bago muling nagsalita. Anong akala niya siya ang kakampihan ng daddy ko. Manigas siya baka kapag kinuwento ko mga ginawa niya sa akin ay baka di na siya makatapak pa sa kompanya namin.
" Gawin mo kung anong gusto mo. Pero sa tingin mo ba kakampihan ka ng daddy at ang babae mo? Este girlfriend mo." Napakuyom ng kamao si Zion.
" Hinding hindi kita magugustugan Allysa kahit na ano pang gawin mo. You disgust me." Sabi nito sa akin. Natawa na lang ako. Ang swerte niya nga at ang bait bait ko sa kanya noong una tapos gaganun niya ako.
" Wala kang magagawa Zion. Sakin ka pa din ikakasal. Kaya ang mas mabuti pa hiwalayan mo na si Kate baka lalo lang siyang masaktan. Oo ayaw mo sakin bilang fiance mo but it doesn't change the fact na wala kang magagawa para hindi ako ang maging asawa mo.I'm still your fiance. Although I am unwanted one. " Ngiti kong sabi rito.