CHAPTER 8

1026 Words
Allysa POV In the next day.Niyaya ako ng mommy ni Zion. Lumabas daw kami. Siyempre pumayag ako. Soon to be mommy ko na rin ito. At bat naman ako tatanggi diba. Ang sama nga lang dahil ang napili kong restaurant ay nandoon din pala si Zion at Kate at mukhang may importanteng pinag-uusapan ang dalawa. Ngunit natigil ang dalawa ng lumapit si Tita Zyline. Mukhang gulat na gulat pa si Kate. Lumapit ako tita at binulungan na wag ng komprontahin ang dalawa dahil nakakahiya sa mga tao pero hindi ako nito pinakinggan. At si Kate pa talaga ang kinompronta nito. " Mom, not now please." Pabulong na sabi ni Zion kay Tita. Pero wala na dahil tinuon na nito ang intensyon kay Kate na ngayon ay hindi na malaman ang gagawin. Pero napapansin bait baitan lang ang face niya. Feeling innocent. Ang galing umacting. Kaya for sure ako ang magmumukhang masama. " Ilang beses ko bang kailangan sabihin sayo na hindi kita gusto para sa anak ko? Dahil alam ko naman ang intensyon mo ay pera lang. Pera lang namin ang nais mo diba? Sa pagmumukha mo palang halata na. Sa harap ng maraming tao ay nagpapanggap kang mabait." Sabi ni Tita kay Kate na ngayon ay maiiyak na. " Mom, wag niyong pagsalitaan ng ganyan ang girlfriend ko. Girlfriend mo? At sino itong kasama ko. Si Allysa ang fiance mo. " Sabay tingin ni Tita sa akin. Kaya sobrang sama na rin ng tingin sakin ni Zion. Aba hindi ko naman alam na sila kakain. Wala akong kasalanan. Kung nahuli namin sila. Bigla na lang umalis si Kate. Sinundan ito ni Zion. Ang sabi sakin ni Tita ay wag na muna daw naming pansinin. Mamaya ay pagsasabihan niya daw si Zion at isusumbong sa asawa niya. Ang sabi ko nga ay wag na pero ayaw nitong pumayag. Masama kaming kumain ni Tita. Mabuti na lang talaga kasundo ko ito. Sobrang ganda ng araw ko. Nang umuwi ako sa mansyon ay naabutan ko si Zion. Mukhang hinihintay talaga ako. Aba kasalanan ko ba na hinatid ko muna ang mommy niya. At asusual ang napakasama nitong tingin sa akin na parang ako ang pinakamasamang taong nakilala niya. Ang ganda ganda ng pakikitungo ko sa kanya noong una. " Sinadya mo yon!" Galit nitong sigaw. " Hindi ko alam na nandoon kayo ng girlfriend mo at hindi niyo pag-aari ang restaurant. At pinigilan ko si Tita na lapitan kayo. Kaya wag ako ang sinisisi mo." Balik ko rito. Kaya mas lalong napakuyom ang kanyang kamao. " Sasaktan mo ko? Sige saktan mo ko. Diyan ka naman magaling diba! Ano saktan mo na ko! Galit ka sakin diba? Ano gawin mo na! Bat di mo magawa? " Pinipigilan ko ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi ito makapagsalita. " T*ng ina naman Zion! Hinayaan kita noong una saktan mo ako dahil mahal kita. Nagtiiis ako! Dahil mahal kita. Dahil gusto kita. Kahit na ayaw mo sa akin! Pero sobra ka na. Lahat na lang ba ng kapalpakan mo sakin mo isisisi! Gago ka alam mo ba yon. Gago ka. Minsin nga naiisip ko. Sana hindi na lang ikaw ang lalaking nagustuhan ko! Kasi nakakatanga!" Saka ko ito tinalikuran. Wala rin naman itong pake sa akin. Dumiretso ako sa kwarto ko at malakas na sinarado ang pintuan. " Ma'am Allysa." Noong dinner ay naisipan kong magluto. At dahil wala ako sa sarili ko. Nagkamali pa ako ng gayat. Dumugo ang daliri ko. Hindi naman masyado masakit. Mas masakit pa rin na yung taong mahal mo ay hindi ka gusto. Oo hugot yon. Sadgirl ako. Kumain ako ng mag-isa dahil alam kong wala namang sasabay sa akin. Dahil yung soon to be asawa ko busy icomfort ang ibang babae. Nakakatawa no. Nakakatawa ko. Pero nagulat ako ng umuwi si Zion. Inubos ko pa naman ang ulam. Pero alam ko naman hindi ito kakain. Kaya ayos lang. Pero ang gago bakit naghahanap. " Inubos ko na. Kung gusto mo magluto ka na lang." Inis kong sabi.Saka ito tinalikuran. Nyeta siya. Ang lakas ng trip niya. Pero putangna pagbaba ko nandoon pa din ang gago at sinabing hindi pa daw siya kumakain. Kung pinagtitripan niya ko. Pwes sasamahan ko siya sa trip niya. " Hindi ba marunong magluto ang girlfriend mo?" Inis kong tanong. Para namang marunong akong magluto noong una. Eh nanood lang naman ako sa youtube at nagpaturo kay Kayla. Na umalis dahil sa kanya. " Bahala ka na diyan sa buhay mo. Hugasan mo yang mga pinggan. " Paalala ko kay Zion bago umakyat ulit. Hindi ko na ito pinansin kahit mukhang may sinasabi pa ito. Kausapin niya yung mga pader o kaya yung mga pinggan. Naisip ni Zion ay pakitunguhan niya muna ng ayos si Allysa. Yung gusto niyang mafall inlove ito sa kanya at sa huli niya itong dudurugin ng sobra para ito na mismo ang umayaw. Pero mukhang mahihirapan siya dahil ang tapang na nito. Ngunit itatak niya naman sa isip niya na si Kate lang ang babaeng kanyang mahal at hindi niya ito magagawang palitan. " Go girl! Pahirapan mo yang fiance mo gumanti ka sinasaktan ka niya nung una diba. Ikaw naman ngayon." Gusto ko sanang ikwento ko rito ang biglang pagbabago ni Zion kanina ng umuwi ito pero wag na lang dahil purong pagppanggap lang yon. Masyadong halata. " Mayaman ba ang mga Smith? " Tanong ko kay Jacky. " Mas mayaman kayo. Baka pera lang ang habol ng Kate na yon kay Zion. Eh tanga naman yang fiance mo kaya hindi nahahalata." Sabi ni Kate sabay tawa. " Gusto mo lang ng libre girl." Biro ko rito. "Sorry o I have my own money so sorry." Anito. Natawa na lang ako. Ang sabi nga nito ay siya daw ang kakausap sa Kate na yon. Ang sabi ko ay wag na baka kung ano lang ang gawin niya. Tawang tawa ang bruha. " Pero Allysa promise me kung hindi talaga pwede sa dulo sumuko ka na. At humanap ka na lang ng iba. Mas mabuti na habang hindi pa kayo kasal ay kilalanin mo muna siya ng mabuti. Baka hindi ka niya talaga deserve."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD