Allysa POV
Nagulat ako ng paggising ko ay nasa mansyon pa si Zion. Eh ang alam ko ay palagi itong maagang umaalis para lamang maiwasan ako ngayon bat nandito pa siya. Hindi ko ito pinansin at nagtimpla na lang ng kape ko. Saka ko umupo sa katapat na upuan. Hindi ako nagsasalit. Bahala siyang kumausap sa akin.
" Hindi ka lalabas?" Tanong nito. Umiling lang ako. Masasayang ang laway ko sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Saka san naman ako pupunta. Ay oo nga pala pinapapunta ako ni dad sa kompanya. Kailangan daw nito ng tulong ko. Hays bat ko ba nakalimutan yon.
" Sure ka? " Pag-uulit pa nito. Inirapan ko na lang ito saka umalis sa kusina naubos ko na rin kasi ang kape ko. Sa muling pagbaba ko ay nandiyan pa siya. Wala ba siyang trabaho? Malabo naman na hinihintay ako nito. Mahirap ng umasa.
" Pupunta ka sa company niyo? Hatid na kita." Sabi nito ng makitang bihis na bihis ako. Kaya kong magtaxi. Hindi ko siya kailangan. At saka nakakapagtaka naman yung sobrang bait niya. Baka mamaya may sakit na yan o talagang nagpapanggap lang.
" Wag na baka magselos pa ang girlfriend mo. Ayaw mo siyang nasasaktan diba? Kaya ko ang sarili ko." Saka ko ito nilagpasan. Pero hinawakan nito ang braso sa paraang hindi ako masasaktan. Ayaw akong paalisin unless daw ihahatid niya ko. Medyo gago rin talaga.
" Your my fiance Allysa. Kaya responsibilidad kita. " Anito. Wow naman. Ngayon tinuturing niya na ko. Bakit tila nagbago ang ihip ng hangin. Habang nasa byahe ay hindi ako nagsasalita. Tahimik lang at nakamasid sa labas. Binuksan ko kasi ang bintana.
" Goodmorning po ma'am Allysa. Siya po yung fiance mo ma'am diba?" Pagbati sabay tanong sakin ng isang empleyado ni daddy. Tumingin ako kay Zion saka sinagot ang tanong ng babae. Miski si Zion hindi inaasahan ang isasagot ko.
" Hindi bago kong body guard yan. " At mas binilisan pa ang paglalakad. Pasarado na sana ang elevator ng may nakahabol pa, si Zion. Bakit ba parang sinusundan ako nito. Nakakainis lang. Dati ay itinataboy ako at hindi gustong makita tapos ngayon.
" Goodmorning dad. " Bati ko kay daddy ng makarating sa office nito. Nagtataka pa nga ito dahil kasama ko si Zion. Takdang taka talaga siya. At hindi alam kung ano ang nangyayari. Pero hindi nalamang nagsalita. Nagpaalam ito na may kailangan attenan na meeting.
" Ano?Pwede ka ng umalis. Nahatid mo na ko." Sabi ko kay Zion habang nagtitipa na sa loptop. Pero umupo lang ito sa sofa at sinabing babantayan niya daw ako baka kung may kailangan ako. Napahawak na lang ako sa sentido. Ano bang nangyayari sa lalaking to.
Mas mabuti pa ata nong hindi niya ko pinapansin. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtatype. Sa mga gantong paraan ay nakakatulong na ko kay daddy. Matatapos na sana akonng magulat ako kay Zion kaya nabura ko lahat. Napasigaw ako dahil sa inis.
" Ano ba kasi yon?" Galit kong tanong rito. Kita niya ang galit ko.
" Nag order ako para sayo." Sagot nito.
" Hindi ako gutom. Ibigay mo na lang yan sa iba. At pwede ba umalis ka na lang." Iritado kong sabi. Matatapos ko na eh.
Nagulat ako ng lumapit ito sa akin at tinignan ang ginagawa ko. Sinabi nitong siya na daw ang uulit. Sabi ko siya na nga lang dahil pagod na ko. Masarap yung inorder niyang pagkain at kahinaan ko yon. Kumain na lang ako.
Hindi ko pinagtuunan ng pansin si Zion. Pero alam kong tinatapos niya taalga. Hays. Naisip kong umalis muna ng opisina ni daddy. Gusto kong kumausap ng mga employee ni dad. Kaclose ko naman ang mga ito.
" Wala pa rin talagang kupas ang ganda niyo ma'am. Bata palang dinadala na kayo dito ng daddy niyo rito." Sabi sakin ni Ate Jean. Kilala ko na talaga ang iba sa kanila.
" Ako pa ate Jean. Saka maganda ka din naman. Pareho tayo." Sabi ko rito. Nag apir pa kaming dalawa.
" Pero bakit ganon ma'am yung lalaking pinili niyo yung lalaking hindi kayo gusto. " Pilit na ngiti ang isinukli ko kay Ate Jean.
" Ewan ko din ate. Ibahin na lang natin topic. Kamusta po anak mo? " Isa ang mga anak niya sa scholar ng daddy ko.
" Ayos lang po ma'am. " Sagot nito.
" Mabuti po yan. Sabihin niyo po sa kanya mag-aral ng mabuti. Kukunin po siya ng kompanya." Ngiti kong sagot rito. Dahil sa tuwa ay niyakap ako ni ate Jean. Ganda ganda sakin ang anak ni ate Jean. Nagpicture kami ni ate Jean at ang sabi niya ay ipapakita niya sa anak niya. Napangiti na lamang ako.
Habang pinapanood si Alyssa na nakikipag-usap sa empleyado ng daddy nito. Hindi alam ni Zion kung anong dapat niyang maging reaksyon. Hindi pala talaga ito brat. Tulad ng pagkakakilala niya. Maya maya pa ay nadapang bata. Tinulungan nito ang bata.
" Ang ganda mo naman po ate." Puri ng bata kay Allysa. Nakita niya kung ano paano ngumiti si Allysa sa bata at naapektuhan siya sa mga ngiting iyon. Agad niyang inalis ang mga tumatakbo sa kanyang isip. Hindi dapat.
" Maganda nga ako pero hindi ako gusto ng gusto ko. " Pabiro nitong sabi sa bata. Parang tinamaan siya non.
" Hala bakit po? Pinapaiyak niya po kayo. Sino po siya. Susuntukin ko po." Natawa si Allysa sa sinabi ng bata. Hindi kumurap si Zion. Masyado siyang nabihag sa ganda ni Allysa. Na hindi niya maalis ang paningin niya rito.
" Wag kahit ganon yon gusto ko pa rin yon. Saka siya yung mapapangasawa ko. Sana nga bago kami ikasal ay magustuhan niya rin ako. Kahit yun lang." Tinamaan siya sa sinabi ni Allysa.
" Baka po may iba pang boys ate yung gusto po kayo para hindi na po kayo mahuhurt. Ayaw ko po kayong nagkakacry. " Sabi ng bata kay Allysa.
" Wala siya lang gusto ni ate. Pero kung hindi niya talaga ako gusto. Palalayain ko rin siya. Hays bat ko ba to sinasabi sayo eh bata ka pa. " Pag alis ng bata ay napatingin sa kanya si Allysa kaagad din nitong iniwas ang tingin. Wala na ang ngiti sa labi di gaya nung kausap nitong ang bata kanina.Walang ng emosyon ang mukha nito.