CHAPTER 10

1004 Words
Alyssa POV " Dinner daw tayo kanila mommy. " Sabi sakin ni Zion. Ngunit hindi ko ito pinansin. Nagtutuloy lang ako sa paglalakad. Sa labas ng kompanya ay may mga batang lansangan. Kawawa naman sila. Nasan kaya ang mga magulang ng mga bata bakit sila pinababayaan. Tinawag ko ang mga ito mabuti nga at lumapit ang mga ito sa akin. Ang sabi ko ay hindi pera ang ibibigay ko. Tinawag ko ang isang empleyado at pinabili ko ang mga sa restaurant na katapat at ang binili ay ibigay nalang sa mga mata. Pero naisip ko din na bigyan sila ng pera. " Salamat po ate ganda!" Sabi sakin ng mga bata. Tanging ngiti ang isinukli ko sa mga ito. Saka ako tumalikod. Pumasok na sa kotse ni Zion. At ang magaling na lalaki kinompronta pa ako. Bakit ko daw binigyan ang mga bata. Wala ba siyang puso? Kung sa kanya ko kaya ipagawa yon. Tignan ko kung kayanin niya. " Imbes na pinakikialaman mo ang buhay ng ibang tao. Bat hindi mo pakialaman ang sayo ha? Bat di mo baguhin ang ugali mo." Kaya natahimik na ito. At yun nga sa mansyon nila kami nagdiretso. Wala naman akong imik. Sinubukan nga nitong makipagholding hands ngunit hindi ko hinayaan. Bahala siya. " Hello po Tita. " Bati ko kay Tita Zy. Masaya itong nakipagbeso sa akin. Ang mga maids ay nakatingin lang din sa akin. Nginitian ko ang mga ito na ikinagulat naman nila. Sabi ni Tita hindi pa daw tapos magluto. Kaya nag alok na din ako ng tulong. May mga alam na din ako. " Hala Hija bakit may hiwa ang daliri mo?" Tanong nito. Edi ano pa. Pinagluto ko noong una ang anak niya tapos hindi man lang na appreciate. Gusto ko sanang sabihin pero nanahimik na lang ako. Baka kung ano ano pa ang masabi ko tungkol kay Zion. Wawa naman. " May tao po kasi akong gustong ipagluto. Sa sobrang pagmamadali po ayan ang nangyari tapos hindi man lang naappreciate.Pero ayos lang po." Sabi ko sabay ngiti. Nanonood samin sj Zion. Alam niya na siya ang tinutukoy ko. Mukhang hindi nga ito komportable sa usapan. Habang nagdidinner ay ang tahimik. Walang gustong magsalita. Kung hindi lang nagsalita si Tita. Mabuti na lang at tapos na magdinner ang lahat. Si Zion ay hindi ko pinaglalaanan ng tingin. At kapag nagtatama ang mga tingin namin ay ako na ang umiiwas. " Hija kaya ng mga maids yan." Sabi ni Tita sa akin. Pero tumulong pa rin ako sa pagliligpit. Kaya ko naman. Saka simple lang. Nakangiti si Tita habang pinapanood ako. May mga sinasabi din siya kay Zion. Ang sabi pa nga ni Tito swerte daw ni Zion dahil ako ang mapapangasawa nito. " Sa inyo ba pinapatulong ka ng parents mo?" Tanong ni Tita. " Hindi po eh. Ayaw po nila. Kaya ngayon ko lang po nagagawa." Sagot ko rito. Pumunta ako sa garden nila Zion. Ang ganda. Napatingin ako sa mga bituin. Hindi ko namalayan na sumunod pala si Zion. Papasok na sana ng hawakan nito ang kamay ko. Kung pinapaasa niya ko please lang tigilan niya na. Dahil baka sa huli lalo lang akong masaktan. " Ako ang dahilan bakit ka nahiwa?" Parang tanga nitong tanong. Itatanong niya pa talaga? Siya ang may gawa ng lahat. Kung di ba naman siya tanga. " Tinanong mo pa talaga?sino pa bang gagawa Zion? Sino pa ha? Minsan para ka ring tanga no! Tang ina oo dahil sayo kaya ginusto kong matuto magluto. Kaya ginusto kong matutunan lahat baka sakaling magustuhan mo ako! Pero ikaw di mo napapansin efforts ko diba? Wala lang diba? " Naiyak na ako dahil sa sobrang sama ng loob kay Zion. " Halos magkanda paso paso ako noon maipagluto lang kita. Pero ano tinabig mo diba? Kaya natapon sakin. Napaso ako. Kapag nagagalit. Basta mo na lang akong itunutulak wala lang pake kung masaktan man ako. Sabagay galit na galit ka sakin diba? Galit na galit! Sobra! " Hindi na ako makapagsalita ng maayos. Sinubukan ako nitong hawakan ngunit hindi ko ito hinayaan. " Ang sakit sakit mong gustuhin! Ang sakit sakit mong mahalin. Hinayaan kitang gawin sakin yon dahil gusto kita at mahal kita pero ang sakit sakit na tapos dinala mo pa talaga sa mansyon yung girlfriend mo. Para ano ipamukha sakin na di mo talaga ko gusto? At ano tinulak mo ko para sa kanya!" Iyak ko. Hindi ito makapagsalita. " Uuwi na ako kaya kong mag taxi. " Paalam ko rito. Pero hindi ako pinayagan. Nagpaalam na siya sa parents niya. Ayaw ko siyang kasabay. Pagkalabas namin ng mansyon ng mga magulang niya. Umuna kasi ako ng lakad. Napaupo na lang ako sa gilid at napatungo saka umiyak. Hindi ko na kasi kaya kimkimin. Bakit ganun kasakit. Nagmahal ka lang naman. " Allysa tumayo ka diyan." Tiningala ko ito. " Kung magpakamatay na lang kaya ako. Para wala ka ng kailangan pakasalan para mapakasalan mo na rin yung taong gusto mo. Para wala na kayong problema ni Kate. Diba ang saya?" Tanong ko. Umiiyak pa rin. " Ano bang sinasabi mo diyan. Uuwi na tayo." Aniya. Tumawa na lang ako. Bakit ba siya umaakto ng mabuti ngayon. Ano para mafall ako sa kanya tapos dudurugin niya sa huli? Ganun ba? Gusto niya ganun? Natawa ako ss aking iniisip. " Alam mo kung makakapagwish lang ako sa wishing star isa lang ang iwiwish yun ay sana hindi ikaw ang lalaking nakakuha ng pansin ko na sana pwede kong baguhin yung nararamdaman ko sayo. Saka magawa ko ring magalit sayo gaya ng galit mo sakin." Saka ako sumakay ng kotse. Ang galing galing. Ang sakit. Nang makarating sa mansyon ay agad akong umakyat ng hagdanan. Gusto ko na lang makarating sa kwarto ko. At doon ko ilalabas lahat. Pagkapasok ko sa aking kwarto ko ay doon ko nilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Pinagbabatuhan ko ang mga gamit. Nilock ko ang pinto. Upang wala makapasok. Dapat hindi ako nasasaktan ng ganito. Hindi dapat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD