Chapter 2

1890 Words
Haelyn POV* Hinawakan niya ngayon ang dalawang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko at napatingin lang ako sa kanya. "I miss you, my Lyn." Biglang tumulo ang luha ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Nandito na siya. Nandito na ang lalaking matagal ko ng hinihintay at akala ko di na magpapakita sa akin. 8 years din kaming hindi nagkita at nakita ko ang malaking pagbabago niya at mature na mature na talaga siya kung titingnan mo siya at may biceps na din sa braso niya. "Sasabihin ko sa Ama mo na magpapakasal na tayo. Yung ang pinangako ko sayo bago ako umalis diba? Kaya tutuparin ko na." Natigilan ako dahil sa naalala na ipapakasal ako ng Ama ko sa matanda para mabayaran ang mga utang nila. Agad naman akong napailing iling. Kung gagawin niya iyon ay sigurado di papayag ang Ama ko at may chances na tuluyan na kaming hindi magkikita. "Wag," agad na sabi ko sa kanya na kinagulat niya. "Lyn." "Wag mong sabihin kay Papa. Ayokong malaman niya ang tungkol sayo." Natatakot ako na baka kung ano ang gawin niya kay Nex. Kagaya ng mga manliligaw ko noon na tinakot ni Dad para di ako maalis sa puder niya. Ayokong pati siya. Ayokong pati siya layuan na ako dahil natatakot kay Dad na patayin siya. "Bakit, Lyn. Bakit ayaw mo akong ipakita sa Dad mo?" Nanginginig akong napakapit sa kanya at sasabihin sana ang dahilan na ipapakasal ako sa matanda nang biglang umilaw ang bintana kung saan nandoon ang kwarto nila Papa. Nakita ko na napatingin din siya doon sa taas. "Kailangan mo ng umalis, Nex. Baka makita ka ni Papa. Please, makinig ka sa akin," mahina pa sa mahina ang boses ko para di ako marinig ni Papa. Ramdam ko ngayon ang kaba at panginginig dahil sa nangyayari. Hinawakan niya ang kamay ko at nagtago kami sa gilid para di kami makita kasi biglang bumukas ang bintana sa taas ng kwarto nila Papa. "Umalis ka na at bukas ko na ipapaliwanag sayo ang tungkol sa nangyayari ngayon at ganitong oras pa din. Ipapaliwanag ko sayo lahat pero wag lang ngayon." Di ko mapigilan ang nginig ko sa katawan ko. Napakapit ako sa kanya at ayoko sanang mahiwalay sa kanya pero wala akong magagawa. "Haelyn!" Nagulat ako sa sigaw ng Ama ko sa loob ng bahay. "Please, Nex." "Okey, babalik ako bukas." Ramdam ko ang halik niya sa noo ko at agad naman siyang umalis at ako naman at dumiretso sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina at agad kumuha ng tubig. "Haelyn!" "Po, nandito po ako sa kusina." Nakita ko agad silang dalawa na bumaba. Akala nila ay tumakas ako. Gusto kong tumakas, gusto kong umalis sa bahay na ito. "Bakit niyo po ako hinahanap? Umiinom lang ako ng tubig kakatapos ko lang maglinis dito." Di ko pinahalata ang kaba ko. Natatakot akong malaman nila ang tungkol kay Nex. "Akala namin umalis ka na. Wag kang magkakamaling tumakas kasi mahahanap ka pa rin namin," ani nung Madrasta ko. "Opo." Napayuko ako at napakagat sa labi. Bumalik sila sa kwarto nila pagkatapos at nandito ako ngayon sa kwarto ko nakaupo sa higaan ko at yakap ko ang binti ko at napangiti ng kaunti dahil bumalik si Nex. Binalikan ako ni Nex! Akala ko wala na akong pag asa makaalis sa pagpapakasal ko sa matandang sinasabi nila. Napatingin ako sa labas ng bintana at tumingin sa kalangitan. Sana makaalis na ako sa mala impyernong bahay na ito. At sana gabayan ako ni Mama sa patutunguhan ko. Gusto kong maging masaya ayokong parati akong giganito. Kinabukasan ay ganun pa din sila si Papa ay nagsusugal kasama ang mga barkada niya sa sala kasabay nun ay inuman habang ang Madrasta ko naman ay todo 'Mine' sa mga online things na di naman niya kakailanganin. "Haelyn, more beer!" Rinig kong sigaw ng Ama ko na kinahinto ko sa pagtatrabaho at kumuha ng beer sa ref at dinala sa kanila at natigilan ako nang may humawak sa legs ko na kina atras ko na kinahulog ng isang bote sa sahig na kinatayo nilang apat. "Haelyn, bakit mo binasag!" sigaw ng Ama ko sa akin at napaiyak naman ako at tumingin sa lalaki. "Hinawakan niya po ako sa binti ko." "Teka ano? Ako hahawak sayo? Pinagsasabi nitong anak mo Ricardo!" Nanlaki ang mga mata ko dahil tinanggi niya ang ginawa niya sa akin. "Ikaw bata ka, kasalanan mo tapos sa iba mo binibintang!" Sinampal ako ng malakas ni Papa na kinaupo ko sa sahig dahil sa lakas at namamanhid ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. Nanginginig ako dahil pinapahiya ako ng Ama ko sa mga kaibigan niya. "Linisin mo yan!" Bumalik sila sa paglalaro at tumayo ako at kumuha ng basurahan at ipinasok ang mga basag na bote sa basurahan at tahimik na umiiyak at pagtingin ko sa kasama ni Papa kanina na kinasisi ko dahil nakita ko siyang napangiti habang nakatingin sa akin at napatingin sa dibdib ko na agad ko namang kinatakip sa dibdid ko. May kapakihan ang dibdib ko maraming nagka interesado doon. Nagmamadali akong umalis doon at dumiretso sa kusina at inilagay ang basura sa gilid at napaupo ako sa sahig at tahimik na umiiyak. Wala man lang tumatanggol sa akin, kahit ang Papa ko di niya ako pinagtanggol. Binastos na ako ng harap harapan sa harapan nila. Balang araw ibabalik ko lahat ng ginawa niyo sa akin. Natapos na silang mag inuman at umalis na sila at si Papa ay dumiretso sa kwarto para matulog at ako naman ay naglinis ng pinag inuman nila. Napatingin ako sa orasan at malapit na ang oras na magkikita na naman kami ni Nex. Mabilis kong tinapos ang mga lilinisin at kinuha ang basura para itapos sa labas ng bahay at pagkalabas ko ay naramdaman ko na may yumakap sa akin sa likod ko at naamoy ko agad siya at pagtingin ko ay nakita ko ang napakagandang mukha ni Nex. Hinalikan niya ang pisngi ko at tumingin sa akin. "I miss you, my Lyn." "I miss you too, Nex." Napatingin ako sa paligid at hinawakan ko ang kamay niya at dumaan kami sa likod ng bahay at dumiretso sa kwarto ko at agad iyong sinira ang pintuan ng kwarto ko. At kinakabahan ako ngayon habang nakaharap ako ngayon sa pinto at nasa likod ko siya. Tiningnan ko siya na nakatingin sa akin. "Halika maupo ka." Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad kami papunta sa higaan ko at umupo ako at ganun din siya. Nakita ko na nag aalala siyang nakatingin sa akin. "Are you okey? Bakit ang pula ng pisngi mo?" Hinaplos niya ang pisngi ko na kinapikit ko at hinawakan ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko. Napakagat naman ako sa labi ko dahil pinigilan ko ang pag iyak ko. "Sinampal ka ng Ama mo?" Naramdaman ko na biglang may bahid ng galit ang tono ng boses niya. "Ayos lang ako at sanay na ako, Nex." Sanay na ako sa p*******t nila dahil simula bata pa ako ay maramdaman ko na ang lahat ng sakit na binibigay sa akin ng Ama ko at maski ang kabit niya at sinasaktan ako. Sanay na ako sa lahat, sanay na akong maging puching bag. Wala namang tama sa mga ginagawa ko. "Don't say that." Lumapit siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko na sinampal kanina. "Gagaling na yan dahil hinalikan ko na. Now tell me about sa sinabi mo kahapon na ipapaliwanag mo lahat sa akin." Napayuko ako at napabuntong hininga bago tumingin sa kanya. "Ipapakasal nila ako sa mayamang matanda para mabayaran ang lahat ng utang ng pamilya namin." Natigilan siya sa sinabi ko at nakikita ko na nanlaki ang mga mata niya. "Married with an old hag?" Nakita ko ang galit sa mga mata niya pero parang pinipigilan niya. Hinawakan ko ang kamay niya na kinatingin niya sa akin. "Magkano ba ang utang ng Papa mo?" "I think nasa mga 20 million, dahil sa kakasugal, kakainom, at kakabarkada niya at kasali na doon ang pinamili ng kabit niya." "Sa 20 million na iyon di ka man lang binilhan ng pansarili mong kagamitan at ang kwarto mo ay ang liit na parang bodega pa na pagtambakan nila ng gamit. Hindi mo deserve ang ganitong buhay, Lyn." Niyakap niya ako at sumandal ako sa dibdib niya. Naramdaman ko na pagod na pagod na ang katawan ko. Parang siya ang gusto kong labasan ng kahinaan. "Nex, pagod na pagod na ako parang gusto ko ng sumuko." "No, don't say that, Lyn, masaya ako na nandito ka na sa tabi ko at nahahawakan na kita at nakikita. Di ako makapaniwala na nandito ka na sa tabi ko. Please don't say that. I need you in my life. I want you and I love you noon pa man hanggang ngayon." Napatingin ako sa kanya nung sinabi niya iyon. Mahal niya ako noon pa man? At di na ba yun nagbabago? "Habang nasa ibang bansa ako ay ikaw lang ang iniisip ko na inspirasyon ko para pursigihin ang pag aaral at pagtatrabaho ko at doon at ngayon kukunin na kita. Mahal na mahal talaga kita at sa ilang taon tayong nagkawalay ay hindi iyon magbabago." Napayuko ako dahil sa sinabi niya pakiramdam ko di ako deserve sa kanya. "Bakit ako? Wala namang espesyal sa akin at mas hihigitan pa ako ng mga babae sa ibang bansa. Gwapo ka naman at may kaya na sa buhay bakit ako ang pinili mo? Ako na walang kinabukasan at sirang pamilya--" Natigilan ako nang bigla niya akong hinalikan sa labi na kinalaki ng mga mata ko. Teka ang first kiss ko. At humiwalay na ang mga labi namin at pinagdikit niya ang noo namin. "Ikaw lang ang nag iisang babae sa puso ko at di iyon kailanman mag iiba." "Nex, wag mo kong iwan." Bigla niya akong binuhat at hiniwalay ang binti ko nung umupo ako sa binti niya paharap sa kanya. Parang nahihiya ako sa position namin. "Hindi ko na hahayaan na maranasan mo ang ganitong buhay, Lyn. Sumama ka sa akin at bibigyan kita ng magandang buhay na matagal mo ng gusto." Nakatingin ako sa kanya at nag isip kung ano ba talaga ang tamang gawin sa sitwasyon namin ngayon. "Nex, alam mo naman na ayoko sa ganung paraan. Ayokong nagtatago at gusto kong harapin ang lahat ng problema ko." Napabuntong hininga siya at tumango at pinat ang ulo ko. "Okey, ikaw ang masusunod. Kagaya ng gusto mo ay gagawin natin ang bagay na iyon." "Thank you." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya ang likod ng palad ko. At ang halik niya ay bigla papunta sa braso ko at paakyat papunta sa leeg ko na kinakapit ko sa kanya dahil nakikiliti ako. "Nex," mahinang ani ko at napaungol ako ng mahina na kinatakip ko ng bibig. Di ko mapigilan ang ungol na iyon. At kusa lang lumalabas sa bibig ko. Napapikit ako habang hinalik halikan niya ang leeg ko at bigla niya iyong kinagat na kinalaki ng mga mata ko. "I'm yours and you're mine, Lyn. I love you always, di kita kailanman nakalimutan." Ngayon ko naramdaman ang ganitong pag mamahal at di ko alam na ang sarap sa pakiramdam na may nagmamahal sayo ng ganito. Tumingin ako sa kanya at ako mismo ang humalik sa labi niya. ***** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD