Hindi ko muna binanggit kay Den ang nasaksihan ko kahapon. Masyado kaming maraming inasikaso kaya hindi dapat na mauna pang problemahin pa iyon. Maliit na bagay lang ang problema sa dalawang iyon, unless may masama silang plano sa amin. Sa tagal kong nakasama si Kaliex mula pagkabata, hindi niya naman siguro ako maiisipan gawan ng masama. Matiwasay kaming nakabalik sa dorm. Marami na rin kasing mga tao sa labas ng Academy. Mas dumami na ang napapatayo ng mga bahay dito. Ang iba pa nga ay halos kumpanya na ang ginagawa. Lalabas na sana ng kwarto si Den nang pigilan ko siya. "May problema ba?" tanong sa akin ni Den. Tumango ako. Sagot ko, "Si Kaliex at Minari ay nakita ko kahapon sa mall." Sinasabi na nga bang magugulat si Den. Wala kaming ka-alam-alam sa ginawa ng dalawang iyon. S

