At dahil marupok si Den, siya na mismo ang sumundo kay Denver. Kasama ko ngayon si Xaphier na naghahanap ng pwedeng mapapasukan. Iniisip ko kung isasama ko sila sa ibang bansa at doon na sila mag-aral. O mas makakabuti ba ang online classes? "Eto sa ibang bansa, may offered na online classes. Pwede ring mag-enroll doon sa mismong website nila. Available sa kahit anong bansa," saad ko. Matalino naman silang tatlo at kayang-kaya nila ito. Nakapasok nga sila sa Vnight Academy, e mas mahigpit pa roon. "Uy, nice! Gusto ko iyan. Ang ganda rin ng school na iyan kung sakali. Sana ay magustuhan ni Marah at Deice," masayang sabi ni Xaphier. Nagtitingin-tingin pa ako, pero kaunti lang ang aking nakita. Pwede naman siyang bumalik sa Vnight Academy, pero baka lalong malito ang mga namumuno roon.

