Ngayon ay weekend na. Saktong wala lang pasok kahapon kaya kami nasa dorm kahapon ni Den.
Kasama ulit siya ngayon. Gagamitin namin ang tunnel para makalabas. Naabisuhan ko na rin ang mga kasamahan na lalabas kami ni Den.
Sinigurado ko na pagsikat pa lang ng araw ay handa na kami. Magandang lumabas kapag tirik na tirik na ang araw.
Weakness nila ang sinag ng araw. Nakakapaso ito ng kanilang balat kaya ganito lagi ang set up namin ni Den kapag lalabas kami.
Sinigurado naming naka-lock nang maigi ang aking dorm. Babalik din naman kami rito bukas ng tanghaling tapat.
May automatic in-install para matakpan ng carpet ang sahig na papuntang tunnel. Mahirap na kung biglang may makakapasok.
Pasimple rin akong naglagay ng CCTV sa tapat ng pintuan sa labas para malaman ko kung may magtatangkang pumasok.
"Ang galing nilang gumawa ha? Halatang matibay at pulido ang pagkakagawa. Ang gaganda pa ng ilaw na ikinabit nila. Parang wala ito sa plano mo noong una," saad ni Den.
Kahit sino ay hahanga talaga sa pagkakagawa nila. Kasya nga ang isang kotse rito. Para kaming normal na nasa labas lang.
Pagkarating namin sa kabilang parte ay sa maliit na bahay kami napunta. Parang dorm din ang datingan.
Naka-abang na pala sa amin ang susundo. Binigyan nila kami ng masusuot na pampatong. Binigyan din kami ng salamin na itim.
Handang-handa sila sa ganito ah? May baon naman kami ni Den na salamin, pero ang binigay na nila anf ginamit namin.
Lumabas na kami sa bahay na pinagdudugsungan ng tunnel. Magaling ang pagkakaisip nila nito. Mas okay ito dahil hindi malalaman na may tunnel sa ibaba.
Sinilip ko saglit ang bahay na ginagawa sa may malapit sa pader ng MVA. Mga malayo lang ito ng limang malalaking bahay na pagitan kung ihahambing sa mga bahay sa subdivisions.
Mabilis na ngayon gumawa ng bahay dahil sa mga technologies at machineries ngayong henerasyon. Kada taon ay nag-i-improve ang mga imbensiyon ng mga tao.
Sumakay na kami ni Den sa sasakyan. Mabuti nga at hindi madadaanan ang gate ng Vnight Academy pauwi at papunta.
Napansin ko rin na may mga nagpapagawa na rin ng mga bahay sa malapit. That's a good thing. Plano ko pa lang, may iba na agad gumagawa.
"Advanced na rin ang mga nakuha nating trabahador at mga nagplano ah? Ang dami nilang binago, pero mas gumanda at hindu kahina-hinala," saad ko sa mga miyembro namin na kasama sa sasakyan.
"Inisip nilang mabuti kung ano pang pwedeng makadagdag tulong sa inyo para makalabas sa dorm niyo. Tama ang ginawa nila na maglagay ng simpleng bahay para hindi mapaghinalaan," saad ng babaeng miyembro namin.
Nakalimutan ko pa lang itanong kung nasaan si Kaliex. Baka pag-uwi ko naman sa mansion ay nandoon siya.
Hinayaan ko na lang munang makatulog kami sa byahe ni Den.
Makalipas ng isang oras na byahe ay nakarating na kami sa mansion. Dali-dali kaming inalalayan ng mga katulong namin at miyembro ng clan.
Lahat ng miyembro na malapit sa amin ay ipapatawag ko mamaya para ituro ang paggawa ng lunas sa mga LCV.
Hindi ko kakayanin kung ako pa ang gagawa ng mga ito. May mga nag-volunteer naman na tutulong at magpopondo ng aking proyekto.
Agad na hinanap ng aking mga mata si Kaliex. Ni anino niya at hindi ko man lang nasulyapan. Nasaan siya?
Nagsabi ako sa kaniya na lalabas ako ngayon. Alam niya rin iyon dahil siya pa mismo ang nagsabi na magkikita kami ngayon. Bakit siya pa ang wala?
"May problema ba, Minlei? Kanina ka pa lingon nang lingon sa paligid. Pinapakaba mo naman kami," saad ni Tita.
Humalik kami ni Den sa pisngi ni Tita. Nagmano naman kami kay Tito bilang paggalang at galak na makita ulit sila.
"Hinahanap ko lang po si Kaliex. Akala ko po kasi ay dito po siya pansamantalang tumutuloy. Hindi ko po ata siya nakikita," ika ko.
Kita ko ang gulat kay Tita at Tito, pati na rin ang ibang miyembro ng clan na nandito.
Napatingin ako kay Den na clueless din sa kanilang reaction. May hindi ba magandang nangyari?
"Nasaan po si Kaliex? Bakit po ganiyan ang mga reaction niyo? May kailangan po ba kaming malaman?" sunud-sunod na tanong ko.
Malungkot si Tita habang lumalapit sa akin. Tinapik-tapik niya ang aking balikat. Nakakaramdam ako na may problema o may nangyari na hindi namin alam.
"Hindi pala sinabi sa iyo ni Kaliex ang kaniyang plano. Nakakagulat na akala namin ay ikaw ang unang makakaalam," saad ni Tita.
Napasinghap ako sa aking narinig. Ano namang hindi sinabi sa akin ni Kaliex? Hindi naman siya ganito sa akin noon. Palaging ako ang una niyang sasabihan kapag may plano o gagawin siya.
"Ano pong ginawa niya na hindi po agad sinabi sa akin? Hindi nga po siya nagre-reply sa messages ko. Sinubukan ko pa po siyang tawagan kanina, pero unattended po. Bakit po?" nag-aalalang sabi ko.
"Iha, umalis na ulit ng bansa si Kaliex. Hinintay niya lang matapos ang ginagawa mong pag-oobserba. Buong akala namin ay nasabi niya sa inyo kahapon. Kaya nga siya pumunta sa dorm niyo kahapon ay para magpaalam. Sigurado ba kayong hindi nagpaalam si Kaliex?" paliwanag ni Tita.
Bakit naman ganoon? Ano bang rason para hindi magpaalam man lang sa amin ni Den? Hindi naman namin siya pipigilan sa gusto niya.
"Wala po talaga siyang paalam, Tita. Sinabi niya pa nga po na magkikita kami ngayon," malungkot na sabi ko.
Hinawakan ni Den ang aking kamay. Ramdam niya ang lungkot na bumabalot sa akin.
"Waka po talagang paalam sa amin si Kaliexer, Tita. Akala nga po namin ay sasama siya sa pagsundo sa amin. Nakakalungkot naman na hindi niya kami sinabihan. Nakakatampo, Day!" medyo pabirong sabi ni Den para mawala ang lungkot sa amin.
Kung ano man ang rason ni Kaliex sa hindi pagsabi sa amin, maiintindihan ko naman. Baka ay nahihirapan lang siyang magpaalam sa amin kaya biniglaan niya na lang.
"Madaling araw pa lang ay lumuwas na siya para hindi ma-late sa flight. Nagtataka nga ako kung bakit hindi ka pa sumama kay Kaliex pabalik dito. Maihatid mo man lang sana sa airport. Baka naman mamaya ay tumawag siya sa iyo," saad ng isa naming miyembro.
Pinilit ko na huwag maluwa sa aking mga naririnig. Ayokong makita nila na nang dahil lang sa lalaki ay manghihina ako. Kailangang makita nila ako na matatag at hindi masyadong naaapketuhan.
Kung mahina ako, maaapektuhan lang din sila. Kaya kailangang maging magandang ehemplo ako sa kanila.
"Okay lang po. Kung ano man po ang rason ni Kaliex sa hindi niya pagpapaalam ay maiintindihan ko naman po iyon. Medyo nakakalungkot lang po, pero hindi iyon magiging rason para maging mahina ako," matapang kong sabi.
Ngumiti ako sa kanila. Mukhang nakahinga naman sila nang maluwag pagkakitang maayos naman ako.
Deep inside ay tinatanong ko ang sarili ko kung may problema ba kami? Bakit siya ganoon sa akin?
Pumunta muna kami sa kani-kaniyang kwarto. Si Den ay may sarili na ring kwarto sa mansion namin. Dito na rin kasi siya nakatira simula nang mawalan din siya ng mga magulang.
Humiga ako sa aking kama. Hindi ko maiwasang hindi mapatulala sa lungkot.
Pinawi ko ang mga luha kong kanina pa pumapatak pagkapasok ng kwarto.
Gusto ko si Kaliex, pero hindi ko makita na ganoon din siya sa akin.
Kaya ayokong umamin sa kaniya. Alam kong magkakailangan lang kami dahil magkaiba kami ng feelings para sa isa't-isa.
Tiningnan ko ang akin cellphone. Wala siyang message kahit isa. Dapat nasa pupuntahang bansa na siya sa oras na ito.
Alam ko namang hindi siya napunta sa US. Sa iba't-ibang parte lang siya ng Asia naglalagi para sa business nila.
Tumatawag si Den sa labas ng kwarto ko kaya pinagbuksan ko siya.
"Ayan ka na naman, Sister. Palagi ka na lang umiiyak mag-isa. Dahil ba ito kay Kaliexer? Nakakalungkot mang isipin na hindi siya nagpaalam sa atin, pero baka may magandang rason naman siya," saad ni Den.
"Alam ko naman iyon, Den. Nalulungkot lang ako na parang ang dali sa kaniya na iwan tayo nang walang paalam. Nagtataka lang ako ngayon," ika ko.
Tumunog nag kanitang cellphone. Senyales na may nag-message sa kaniya.
Parang gulat ang kaniyang mukha. Tinuturo niya ang kaniyang cellphone.
"O, nag-chat na sa akin si Kaliexer. Nahingi ng pasensiya kung hindi siya nakapagpaalam sa atin. Kailangang-kailangan lang daw niyang makaalis agad. Check mo kung nag-message na rin sa iyo," saad ni Den.
Kinuha ko ulit ang cellphone ko sa kama para i-check kung may message si Kaliex.
Malungkot akong umiling kay Den. Napakagat tuloy siya ng daliri niya.
"Tanungin ko ba siya kung bakit hindi nagre-reply sa iyo?" tanong ni Den.
Umiling ako. Hindi naman kailangang pilitin si Kaliex na reply-an ako. Kung kailan lang siya comfortable ay okay lang. Hindi naman niya ako girlfriend para mag-demand ng attention niya.
"Hindi na, Den. Hayaan na lang muna natin siya. Magre-reply naman siya kung gugustuhin niya," saad ko.
"Sigurado ka riyan ha?" tanong niya pa.
Tumango ako. Sigurado naman ako na hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kaniya.