Naalimpungatan na si Xaphier. Inihanda ko na rin ang mga gamit na pwede nilang gamitin sa mga kwartong konektado sa pinaka-kulungan nila. Susubukan ko munang alamin ang kalagayan ni Xaphier at ng dalawa pang estudyante. "Ang sakit ng ulo ko," inda ng isang lalaki. Bigla siyang natauhan sa kaniyang kalagayan. Napalingon ito sa kaniyang paligid. "Nasaan tayo?" tanong ng isang babae. Ngayon ay nagkakaroon na sila ng tamang pag-iisip. Magandang sign ito na bumabalik na talaga sila sa normal. Mukhang mabisa ang potion kahit hindi na obserbahan ng dalwang linggo. "Minlei? Ikaw ba iyan? Bakit kami nandito?" sunud-sunod na tanong ng lalaki. Kilala niya pala ako? Paano iyon nangyari? Mukhang hindi ko siya ka-course. Hindi ko pa nakikita ang kaniyang mukha sa Academy. "Anong nangyari sa in

