Tinutulungan ko ngayon ang magkapatid sa pagde-design sa kwarto ni Risha. Balak kasi nilang isurpresa ang kanilang mga magulang. Napagkasunduan na mag-a-acting ako ng kakaiba, para naman medyo maging praning sila Tita. Naglagay kami ng mga lobo at mga kung anu-ano sa dingding at kisame. May mga bulaklak din kaming pinabili sa mga katulong dito. May malaking bouquet pa. May mga alahas na para kay Tita at Tito na nakalapat sa kama. "Ang bongga niyong magkapatid ha? Daming ipon," biro ko. Ang isang maletang pasalubong sa akin na kung anu-ano ay inilagay ko na sa aking kwarto para hindi sagabal sa aming ginagawa. Si Bri naman ay tumutulong sa amin sa pagde-design. Siya ang nagtatanggal ng petals sa roses na ikakalat sa sahig. Nag-text ang isang katulong sa akin na nandito na raw sila T

