VvH Chapter 2

1034 Words
Ilang araw na ang nakalipas nang mawala sa akin ang mga magulang ko. Hindi na ako bumalik sa ibang bansa. Wala na akong planong mag-aral doon. Tinulungan ako ni Den sa mga papeles ko para makalipat sa Pilipinas. Sa tagal na ni Den sa aming clan, sinabi niya sa akin na may na-discover silang Academy kung saan ang mga bampira ay nag-aaral. Hindi na ako nagdalawang isip na doon pumasok. Pasok ako sa qualifications na hinahanap nila sa isang estudyante. Ito ang mas mabilis na paraan para malaman kung sino ang nagpapatakbo ng paaralan na iyon. Kailangan ko ring malaman ang mga kilos at ganap nila. Limitado lang ang mga kurso kaya napilitan akong kunin ang BS Business Management. Nalaman ko na may isang section kada kurso na pwedeng dalawang taon lang ay ga-graduate ka na. Ito ay ang mga advanced students. “Minlei, pasok na ang application ko sa VNIGHT Academy,” anunsiyo ni Den. “Good for you. I am still waiting for my application,” ika ko. “Hopefully, sa highest section din ako mapunta kagaya mo.” Natanggap ni Den ang letter na padala galing sa Academy. Nauna kasi siyang mag-apply dahil kumpleto agad ang mga kailangan sa application. Kasama ko na rin siya sa aming bahay. “Oh! Nandiyan na rin pala ang letter mo galing sa VA,” ika niya. Nagtataka naman ako na bakit hindi pa nagsabay ang amin. Parehas na araw naman ito nadala. Binuksan ko naman ang letter. Expected ko na rin na pasa ako. Sino bang tatanggi sa akin? Ang pinagkaiba lang ay nagpagawa ako ng mga pekeng papeles para hindi malaman na anak ako ng nagtaguyod ng Vampire Hunter Clan. Hindi rin alam ng mga tao na may kapatid si Dad kaya sila ng asawa niya ang ginawa kong mga magulang. Hindi rin alam na may business kami, at tanging ang clan lang ang mina-manage nila. “Malapit na ang pasukan,” sabi ko. “Kailangan na nating mag-ayos ng mga gamit.” Once na makapasok na kami ay paniguradong weekends lang kami makakauwi dito. Required sa mga estudyante na sa loob ng Academy tutuloy. Kumbaga nasa loo bang boarding house. Twice a week lang pwede lumabas. Parang mga nakakulong ang tao dito dahil sa rules nila. Malamang ay may kakayahang lumabas ang mga bampira dito. Pumunta naman ako sa basement ng bahay namin. Ako ang nagpapatuloy ng iniimbento ni Dad. Hindi niya pa ito tapos pero balak na sanang i-introduce sa mga miyembro. Hindi iyon natuloy. May mga scientists akong katulong dito, mga kaibigan ni Dad at Mom. Katulad ko, nawalan din sila ng mga mahal sa buhay dahil sa mga bampira. Hindi kami umaasa sa mga nasa itaas, ni hindi nga namin alam kung tao o bampira ang iba sa kanila. May material pa akong binili sa ibang bansa para makumpleto ang kailangan. Patago kaming kumukuha ng mga bampira para masubukan naming kung pwede na ito. Ang isa naming subok ay hindi pa rin namatay, ngunit lumobo ang kanilang mga balat. Sa isa naman ay hinayaan naming siya sa isang kulong na kwarto at hinayaan doon ng mga ilang araw. Namatay siya sa ika-anim na araw. Hindi ako satisfied sa nagawa naming kaya kailangan nito ng improvement. Ang gusto kong mangyari ay mamatay sila agad kapag nalanghap na nila ang toxic na usok mula sa maliliit na bombang ginagawa naming. Kapag na-achieve na naming ito ay gagawan naming ng malaking version. Sinigurado naman namin na hindi maapektuhan ang mga inosenteng tao. Designed ang bomb na ito para sa bampira lamang. Plano naming buwagin agad ang mga bampira sa pamamagitan nang pagpatay sa mga estudyanteng bampira. “Sa latest na observation natin ay tatlong araw lang ang itinatagal nila,” ulat ni Den. “May kaunting improvement tayo ngayong month. Kaunting tiis na lang.” “Ituloy natin ito sa susunod na linggo. Magpahinga muna tayong lahat,” utos ko. Hindi nila alam na may isa pa akong itutuloy na nasimulan na nila Mom, ang potion na makakatulong sa pagpigil na maging bampira ang nakagat na tao. Masyadong confidential ang ginagawa namin kaya sa basement ng bahay ko naisipan ipagpatuloy. Nagco-conduct pa ako ng research para sa potion na ito. Hindi ako pwedeng magkamali dahil nakasalalay ang buhay ng ibang tao dito. Inilihim ko muna ito kahit kay Den. Tanging si Mom at Dad lang ang may alam nito noon. Ayaw nilang makontra agad ang tinatrabaho nila at mauwi sa wala ang pinagpaguran nila. Ang mga araw bago magpasukan ay sinulit na naming ni Den. Namili kami ng mga gamit na pwedeng gamitin sa loob ng Academy. Hanga nga ako sa laki ng Academy na iyon. Lahat ng estudyante ay may kanya-kanyang rooms. Ang mga top students naman ay inililipat sa solo na parang bahay.   “Kinakabahan ako sa papasukin nating pagsubok,” ika niya. “As long as we are harmless, they will not touch us,” paglinaw ko. “Sabagay, tama ka. Mahalaga rin sa kanila ang reputasyon ng paaralan nila,” pagsang-ayon niya. Kinuha ko naman ang kwintas na may larawan ng pamilya ko. Nagpagawa ako ng kwintas na may litrato sa loob. Hindi ito basta-basta nabubuksan kaya kampante ako na hindi ito makikita ng mga bampira. May gamot din ang kwintas na ito na allergic sila. Malapit na naming matapos ang langis na pinapahid sa katawan upang hindi maamoy ng mga bampira. May isa naman na hindi ka nila pwedeng lapitan kaso hindi pa ito tumatalab sa skin ng tao, sa mga bagay pa lamang. Dumating na ang araw na kailangan na naming lumipat sa VA. Ihinatid naman kami ni Tito at Tita. "Kinakabahan ako sa plano niyo, Minlei. Mag-iingat kayo ni Den," ika ni Tito. "Don't worry, Tito! Ako ang bahala may Minlei," singit ni Den. Walang malisya sa amin ni Den. Parang babaeng kapatid na rin ang turing ko sa kanya. Mas gusto niyamg tawagin siyang sis kaysa bro. Masaya siyang kasama kaya hindi naging malungkot ang pag-stay ko rito. Parehas na kaming walang mga magulang dahil sa mga bampira. Magkakasama silang pinatay. "Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para sa inyo at sa lahat ng tao," pagsisigurado ko. Niyakap naman nila ako. Ayoko silang madamay. Mabuti nga at minsan lamang sila umuwi ng bansa. Kampante ako na ligtas sila. Marami rin akong inutusan na bantayan sila. Para sa inyo ito, Mom at Dad. Lalaban ako hanggang sa abot ng makakaya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD