VvH Chapter 20

2500 Words
Inilibot ko ang aking mga mata sa dorm ni Denver. "Lalaking-lalaki ang dating ng dorm mo ah," saad ko. "Mas maayos pa talaga kayo kaysa sa akin." Tiningnan ko ang mga naka-display niyang artworks. Mabuti pa sila ay may ganito sa dorm. "Ikaw ang gumawa nito?" tanong ko kay Denver. Lumapit siya sa akin. Kinuha niya ang isang nakasabit sa dingding. "Yes. Mahilig ako sa pagpinta. Iyan na ang pinaglilibangan ko kapag walang magawa. Nagustuhan mo ba?" saad niya. Wala akong talent pagdating sa ganitong larangan. Napakamasuhay ni Denver. Para na nga siyang pwedeng ipanlaban sa mga contests sa pagpinta. Kakaiba at sobrang meaningful ng kaniyang mga gawa. "I actually love it. Ang galing mo!" puri ko sa kaniya. "Sobrang manghanga-mangha ako sa magagaling magpinta at drawing. Hindi ko kasi iyan kaya, kaya ina-admire ko na lang ang mga artists." Inabot niya sa akin ang painting na tinanggal niya sa pader. "Bakit mo inaabot sa akin?" tanong ko. "Hindi ba gusto mo at humahanga ka sa ganiyan? Isipin mo na lang na regalo ko iyan sa iyo. Tsaka kapag naiinip kayo, pwede kayong dalawa pumunta rito para turuan ko kayong magpinta," ika niya. Magandang ideya iyan. Nakakatamad kasi na tumambay palagi sa aking dorm. Nakakaumay na may nanonood palagi ng mga ikinikilos ko. Binangga ni Den ang balikat ko nang tumalikod sa amin si Denver. Sinabi niya na go na go siya gamit ang pagsenyas ng kaniyang bibig. "Mukhang masaya iyan, Denver. Gusto ko ring matuto niyan gaya ni Minlei," singit naman ni Den. Halatang gustong-gusto ni Den si Denver. Alam ko kung anong klase ng lalaki ang tipo niya. "Sure. Madali lang naman iyan, lalo na kapag dedicated kang matuto," saad ni Denver. "Minsan nga ay sa field ako nagpe-paint. Dinadala ko ang mga gamit ko roon. Dapat maganda rin ang ambiance mo." Umupo kami sa may sofa. Inabutan niya kami ng pagkain. Pansin ko ay napakamapagbigay ng mga tao rito. Pinakita niya sa amin ang mga art materials niya sa kaniyang kwarto. Hindi ko maiwasan na hindi mapamangha. Sobrang ganda kasi ng wall niya na panay art materials. Mga mamahaling brand pa ang mga ito. May mga books din siya sa may pinakataas. Parehas sila ni Mio na mahilig sa books. "Nakakatuwa naman na ang linis mo sa gamit. May mga ganito ka pang lagayan ng art materials. Ang sarap titigan nito," saad ni Den. Lumapit siya sa mga art materials ni Denver. May ilang pens ang pinasubok ni Denver sa kaniya. Lumapit ako sa sketchpad na nasa ibabaw ng kaniyang table. "Pwede ko bang tingnan?" pagpapaam ko sa kaniya. "Sure!" sagot niya. "No problem." Isa-isa kong binuklat ang mga ginawa ni Denver sa sketchpad. Napansin ko na may mga tungkol sa bampira ang meaning. Against din talaga siya sa mga ito. Ang galing niya talaga. Para na siyang may printer sa kamay. Ang dami na niyang artworks. Sobrang nakaka-proud. Bubuksan ko na sana ang sumunod na page, nang bigla akong hinawakan ni Denver sa kamay. Kaunti lang ang nasilip ko. Parang portrait iyon ng isang babae. "May ipapakita ako sa iyo," ika niya. Sumunod kami ni Den sa kaniya. Hawak-hawak niya pa rin ang aking kamay. Binuksan niya ang kaniyang comfort room. Mas lalo akong humanga sa kaniya. "Ikaw ba mismo ang nag-design ng CR mo?" manghang tanong ko. "Ang ganda ha? May kaunting landscaping pa ah. Daig mo pa ang mall." Ang sahig ay gawa sa artwork na parang damu-d**o na may bato. Parang totoo itong tingnan. "Ang presko naman. Parang nasa labas ka lang. Ang sipag mo naman, Denver!" puri ni Den. Sinong mag-aakala na siya pa ang top 1 sa batch nila? Ang dami niyang time sa ganitong bagay. Kung sabagay, ako rin naman ay hindi mahilig mag-aral. Kung ano ang napapakinggan ko sa turo, iyon na lang ang magsisilbing aral ko. Hinahayaan ko na ang exams. Hindi na ako nag-aaral. Mas nagpo-focus ako sa paghihiganti ko sa mga bampira. "Ang sarap sanang mabuhay nang normal kung walang mga bampira," bigla kong sabi. Napatingin tuloy sa akin ang dalawa. Halatang nagtataka sa pag-iba ko ng usapan. Lumabas kami ng kwarto at bumalik sa sofa. Nakaupo si Denver na katapat namin ni Den. Nakatingin lang siya sa akin. "Tungkol nga pala sa sinabi mo sa akin ng mga nakaraang araw. May sagot na ako sa pag-anyaya mo. " Biglang inuba ulit ni Denver ang topic. Napatingin ako sa kaniya ng seryoso. Sana ay maganda ang sasabihin niya. Huwag niya sana akong biguin. "Sumali ka na sa amin, Denver. Sigurado akong hindi ka magsisisi," pangungulit ni Den. "Miyembro ka rin pala ng VHC?" manghang tanong ni Denver. Tumango si Den bilang sagot. Kasama ko si Den kaya madali na ring makumbinsi ito. Bumalik ang tingin sa akin ni Denver. Tanong niya, "Kung gusto kong sumali sa clan, may kailangan bang proseso para matanggap ako?" Bigla akong ginanahan sa kaniyang tanong. Ngumiti ako sa kaniya. Mukhang makukuha ko na siya. "Ang tapang at paninindigan mo pa lang laban kay Chelly ay isang sapat na dahilan na para makasali sa grupo," sagot ko. "Head ako ng College team ng clan, kaya wala kang dapat ikabahala. Pasok ka na agad kung tatanggapin mo ang pa-anyaya ko sa iyo." Nakahinga siya nang maluwag sa sagot ko sa tanong niya. Senyales na ba ito na interesado siyang sumali? "Tsaka mas masisiguro namin ang proteksiyon mo once maging member ka na," dagdag ni Den. Tama siya. Mas priority namin ang mga miyembro ng clan. Sasabihan ko rin siya ng ibang mga plano, gaya ng lunas sa mga LCV. Kinuha ko ang aking cellphone at pumunta sa site na ginawa ko para sa akin. Dito ko pinapapirma ang mga bagong miyembro na nakukuha ko. "Kapag gusto mong sumali, ito ang terms and conditions. Read it for yourself. Kapag may tanong ka, itanong mo lang," saad ko. Pinakita ko sa kaniya ang mga sinasabi ko. Kinuha niya ang cellphone ko at tahimik na binasa iyon. Sinubukan ko munang umidlip. Medyo sumasama na kasi ang aking pakiramdam. Maya-maya ay naalimpungatan ako sa isang tapik sa aking pisngi. Napatingin ako kay Den at Denver na nakadungaw na sa akin. Nakatulog na pala ako, hindi ko namalayan. Napatingin ako sa orasan. Halos isang oras pala akong nakatulog. "Miyembro na natin si Denver!" Pumapalakpak pa si Den nang mahinhin pagkasabi noon. Napatingin ako kay Denver na nakangiti lang sa akin. Inabot niya sa aking ang cellphone ko. May pirma na niya iyon. Agad ko iyong nai-save para makasigurado. "Maligayang pagsali sa aming Clan, Denver. Kinagagalak kong makasama ka sa lahat ng laban at success ng ating samahan," natutuwa kong sabi sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na ambilis namin siyang napapayag. Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Pinakinggan ko ang t***k ng puso niya sa palapulsuan. Normal lang iyon. Isa kasi sa masasabi mong bampira ang isang nangpapanggap na tao ay kapag wala itong anino at t***k ng puso. Ang malas lang dahil ang Academy na iyo ay hindi naka-build para makita ang anino. Kakaiba rin kasi ang ilaw dito. Kakaiba ang kanilang teknolohiya. Lahat ng pinagawa naminh bahay ay nakasisiguradong makikita ang anino ng mga normal na tao. "Marami pa kaming itatanong sa iyo, tutal ikaw ang pinakamatagal na rito," saad ko. May isa pa pala akong tanong na nakalimutang sabihin sa kaniya. Iyon nga pala ang pakay ko. Hindi ko akalain na siya mismo ang magbi-bring up ng Clan namin. "As long as kaya kong makatulong, I am willing to answer your questions, Minlei. Pare-parehas lang tayo nang pinaglalaban," sagot niya. Sobrang talino ni Denver, pero mabilis siyang magtiwala. Hindi man lang niya ako masyadong binusisi. "Basta huwag ka masyado agad magtitiwala. Katulad ngayon, hindi mo man lang pinag-isipang mabuti ang contract. Mabilis kang nagtiwala sa akin," pagbibigay leksiyon ko sa kaniya. Napakamot siya sa kaniyang ulo. Napailing tuloy ako sa kaniya. "Pasensiya na, Minlei. Noong unang kita ko pa lang sa iyo ay alam kong mapagkakatiwalaan ka na. Alam kong hindi ka bampira. Sa tagal ko dito, marami na akong alam na paraan pangkilatis sa mga bampira," paliwanag niya. Mabuti naman kung ganoon. Halatang marami na talaga siyang alam tungkol sa Vnight Academy. Si Mio naman ang sunod kong target na maisali sa Clan. Kailangan ko munang paniwalain siya na totoo ang mga bampira. "Kapag ba may bagong mga estudyante, at kami naman ay 2nd year na, lilipat ba kami ng dorm?" pag-iba ko ng usapan. "Hindi naman. Itong dorm na ito ang gamit ko mula pagkapasok dito. Parang sa dorm ng mga gumraduate papasok ang mga bago. Iyon kasi ang nangyari sa inyo ngayon," paliwanag niya. Nakahinga ako nang maluwag doon. Kung ganoon, malaya kong magagamit ang dorm ko sa buong dalawang taon. Aalis ako ng dorm na nagawa ko na ang mga kailangan kong gawin. Iyon ang titiyakin kong mangyayari. "May inilagay na CCTV ang admin sa aking dorm pagkatapos nang nangyari sa dorm ni Mio. Mukhang pinaghihinalaan pa rin nila ako hanggang ngayon," kuwento mo sa kaniya. Napatingin tuloy siya sa paligid ng kaniyang dorm. "Palagi ko ring tinitingnan kung may nakakabit na CCTV dito. So far ay wala naman simula at sapul. Pero ano ang ginagawa mo? Hindi mo tinanggal?" May pag-aalala sa kaniyang tono. Naiintindihan ko naman ang ginawa ng admin. Baka iniisip na rin nilang patay na si Vika. "Wala akong ginagawang ikabubunyag ko. Hindi ko iyon tinanggal. Mahahalata kasi na praning at mapagmatyag ako sa paligid. Umaarte lang ako na parang normal na tao. Pinapatunayan ko na inosente ako," sagot ko. Hanggang kailan kaya nila ako susuriing mabuti? Sana naman pagkarating ng TV ay agad na nila iyong tanggalin. Seryosong nakasandal si Denver sa kaniyang inuupuan. Hinihimas-himas niya pa ang kaniyang baba habang nakatingin sa akin. "Wala ka nga bang kinalaman sa nangyari?" curious na tanong niya, na siyang ikinagulat ko. Hindi ko inaasahan ang magiging tanong niya sa akin. Hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang katotohanan. Tumayo si Den kaya nakuha niya ang atensiyon namin. "Walang alam si Minlei sa nangyari. Halos ibuwis niya nga ang sarili niyang kaligtasan, makuha lamang si Xaphier at Mio. Binalikan niya pa si Vika, pero wala siyang nagawa. Si Vila ang pinaghihinalaan namin na gumawa noon," paliwanag ni Den. Si Den na ang sumagot ng ikinakabahala kong tanong. Hindi ko pa kayang lubusang magtiwala kay Denver. Tama lang ang kaniyang sinabi. "Bakit si Vika ang pinaghihinalaan? Dahil ba nawala siya?" tanong ulit ni Denver. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Sinabi ko sa kaniya na huwag basta-basta nagtitiwala. Ang dami niya tuloy mga tanong sa amin. "Nakuwento ni Vika na namatay ang kaniyang mga magulang sa isang malakas na pagsabog. Sinabi naman ng taga admin na ang mga magulang ni Vika ang may pakana noon. Nagtaksil daw ang mga ito sa Vnight Academy. Lahi raw ng mga traydor kaya si Vika ang may kasalanan ng nangyari," paliwanag ko. Pumatak ang mga luha ko sa aking mga mata. Naikuyom ko ang aking kamay sa galit. Hindi ko maiwasan na hindi magalit sa ginawa nilang kalapastangan sa aking mga magulang. Dali-daling tumayo si Denver para tumabi sa akin. Pinapatahan na niya ako. "Ang pamilya pala ni Vika ang dahilan nang pagkamatay ng mga mahal ko sa buhay. Simula noon, kinamuhian ko na sila. Isinusumpa ko na wala silang lugar sa mundo na ito," dagdag ko pa. Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Denver. Kino-comfort niya ako, pero hindi niya alam na acting ko lang din iyon. Magandang mapaniwala ko si Denver na hindi ako ang may gawa noon. Napansin ko namang nag okay sign si Den. Palihim akong ngumiti sa kaniya. Successful ang pagtatakip niya sa akin. "Pasensiya na kung natanong ko ang mga bagay na iyon. Sinisigurado ko lang kung ikaw ang may pakana dahil tutulungan kita sa mga plano mo kung sakali," saad niya. Iyon naman pala. Tutulungan niya pala ako sa aking mga plano. Magandang panimula iyan bilang isang miyembro ng VHC. Umalis naman siya sa pagkakayakap. Napatingin siya sa relo niya. "Male-late na pala tayo. Tara at bilisan na natin," yakag ni Denver. Nagmadali kaming kumilos. Hindi na namin namayan ang orad kakadaldal. Halos ilang minuto lang ang nakalilipas, nakarating na rin kami sa aming classroom. Nagawa pa rin kaming ihatid ni Denver. Nagpaalam na rin kami sa kaniya at male-late na siya. Kami na lang pala ni Den ang wala sa claasroom. Umupo agad kami. Napansin ko ang habol tingin ni Minari sa akin. Parang nag-aalala siya sa akin. "Ayos ka lang ba, Minlei? Mugto kasi ang iyong mga mata. Umiyak ka ba?" sunud-sunod na tanong ni Minari. Hindi tama na pagbuntungan ko siya ng galit. Wala siyang alam tungkol sa pagkakaibigan namin ni Kaliex at Den. "Ayos lang ako. May maliit lang na problema, pero naayos ko naman na," sagot ko. Mabuti na lang at dumating na ang professor. Hindi na nasundan ang pagka-curious niya. Nakatingin na naman pala sa akin si Mio. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang libro na pinapabasa sa amin ngayon. Mabilis lumipas ang oras. Si Kaliex naman na ngayon ang nagtuturo. Maya't-maya ang tingin niya sa banda namin. Si Minari ba na nagpapasaya sa kaniya ang tinitingnan niya, o ako na mugto ang mga mata nang dahil sa pagpapapanggap. Kakausapin niya nga pala ako, pero pakiramdam ko ay kasama pa rin si Minari. "You may leave the classroom. Maiwan ka, Minlei. Kakausapin pa kita tungkol sa mga nakaligtaan mo na lessons," utos ni Kaliex. Naglabasan na ang mga kaklase ko. Si Den at Minari ay nagpaalam na rin sa akin. Si Mio naman ay hindi pa tumatayo. Hinihintay atang mauna na ang iba naming mga kaklase. Naiinis na naman ako sa mga pangyayari. Iniiwasan ko na huwag kaming mag-usap, pero eto, wala na akong magagawa. "Mio, you may leave the classroom," utos ni Kaliex. Tumayo si Mio. Bigla niyang sabi, "Hindi po ba ako kasama sa kakausapin ninyo? Ako po ang nagtuturo sa kaniya ng mga lessons na naiwanan niya." Sana pumayag si Kaliex na kasama si Mio. Sobrang awkward kung kami lang ang mag-uusap. Naa-appreciate ko ang ginagawa ni Mio ngayon. Malakas talaga ang pakiramdam niya na si Kaliex ang dahilan nang pag-iyak ko noon. "This is a private matter, Mio. Please?" pakiusap ni Kaliex. Tumingin sa akin si Mio na may pag-aalala. Bumuntong hininga na lang ako. Nandito na e, wala na akong magagawa. Mag-uusap at mag-uusap pa rin kami ni Kaliex kahit anong iwas ko. "It's okay, Mio. Thank you sa concerns," malungkot na sabi ko sa kaniya. Umalis naman na siya ay siya na mismo ang nagsarado ng pintuan. Lumapit si Kaliex sa aking pwesto. Umupo siya sa armchair ng upuan ni Mio. Ano na naman ang pakulo niya? "Bakit mo ako iniiwasan, Minlei? May nagawa ba akong kasalanan sa iyo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD