Nagdaan ang dalawang araw, ngayon ay Thursday na. Kinabukasan ay maaari nang makalabas si Denise sa cell. Nag-ayos na ako ng aking sarili. Magkikita kasi mamayang after lunch ni Mio. Magka-text lang kami. Hindi na ulit siya tumawag. Napag-usapan lang namin na sa mall magkikita. Nagsuot lang ako ng pantalon at puting blouse. Simpleng make up lang ang aking ginawa. Ganito naman ako sa normal na ayos ko noon. Pumunta ako sa basement para magpaalam kay Den at Denver. Doon na palagi tumatambay si Den. Siya ang nakikipaglaro kay Denise. Mukha na nga silang magkakapatid na tatlo dahil sa mga pangalan nila. "Hey, lalabas lang ako saglit," paalam ko. Napatingin sila sa akin. Tiningnan ni Denver ang kabuuan ng aking kasuotan. May problema ba sa suot ko? "Saan ka na naman pupunta?" masungit na

