USAP-usapan ng buong kaklase ang nalalapit na Graduation Ball pagpasok ni Ramona sa loob ng classroom. Nangingibabaw ang boses ni Penelope.
"OMG! Ang themed daw ng Grad Ball is Masquerade!!"
"Oh... That's cool.." komento ni Ramona bago sinulyapan ang tabimik ni si Maddison sa harapan niya.
"For sure, pabonggahan na gown ang magaganap!” Ngumisi si Penelope at saka binalingan rin si Maddison. “Uy, Mads! Naninibago ako sa'yo ang tahimik mo ‘ata..."
Lumingon sa kanila si Maddison. “Anong gusto niyong sabihin ko, ha? Sana mag-enjoy kayo? Alam niyo nang hindi ako makaka-attend sa grad ball na yan dahil wala naman akong pambili ng gown!” Masama ang loob na sinamaan sila nito ng tingin bago tumalikod.
Oo nga, ang mommy niya ang nagpapaaral kay Mads, kaso tuition fee lang ang binabayaran nito. Hindi na kasama ang ibang gastos tulad ng fieldtrip, Prom at ito ngang paparating na Grad ball.
Hindi rin naman kasi mura ang tuition sa school nila. Gustuhin mang sagutin ng mommy niya ang iba pang gastos, hindi maari dahil nag-iipon ito para sa college niya.
Nakaramdam si Ramona ng awa para pinsan. Hinawakan niya ang balikat nito. “Mads... if you want.. Ibibigay ko na lang sa'yo—“
"Stop, Mona. I told you, I don't want a hand me down," malamig nitong putol sa sinasabi niya.
Marahan siyang umiling-iling. "No. I mean… binigyan ako ni Mommy ng pambili ng gown. If you want... I can gave it to you, para makabili ka ng gown mo."
Nagliwanag bigla ang mukha nito. "Talaga?"
Sunod-sunod siyang tumango at ngumiti.
"Hindi ka nagbibiro? Seryoso ka?"
"Oo nga..."
Agad na tumayo si Maddison sa kinauupuan nito at niyakap siya ng mahigpit. "Thank you, Mons! Thank you!" Mangiyak-ngiyak na usal nito.
"It’s nothing... you're my sister." Gumanti siya ng yakap dito.
"Awww..." nakisali na rin si Penelope sa kanila.
"Whats happening here?"
Sabay-sabay sila napalingon ang tatlons kakarating lang na si Wesley. Nagtatakang nakatingin ang binata sa kanila.
Umirap si Maddison. "Group hug, Duh!"
Benj walked in, holding his books in his arms. “Ano meron?"
"BENJ!" Tili ni Penelope na kaagad lumapit sa binata at kumapit sa braso nito. "Partner tayo sa ball, ah?"
Kumunot ang noo ni Benji. “Hindi ako a-attend.” Masungit na sabi nito sabay iniwanan si Penelope.
“Benji!” Nagmamaktol na sumunod pa rin dito si Penelope.
Natigilan si Ramona nang hindi niya namamalayang nasa tabi na niya si Wesley. Yumuko ito at hinalikan siya sa pisngi.
"Hey, there beautiful…”
Iniwas niya ang mukha at sinaway ito. “Wesley. I told you, stop doing that.”
"What's wrong If I kissed you? Girlfriend naman kita.”
“But still that doesn’t give you the right to kissed someone without her permission. Lalo na kung ayaw naman niya.”
Natahimik ang lahat sa sinabi ng kadarating lang na si Reese. Umawang ang labi ni Ramona at nag-aalalang naglipat ang tingin sa pinsan na ngayon ay nagsusukatan ng tingin.
“Kailan ka pa naging pakialam, Dude?” Maangas na tanong ni Weslsy nang makabawi.
Bago pa sagutin ni Reese ang pinsan nito, nakikiusap na pasimple inilingan niya ang binata. Nakalingon na ang ibang kaklase sa direksyon nila. Ayaw niyang gumawa ng eksena ang magpinsan dahil sa kaniya.
Tinitigan siya ni Reese ng ilang sandali, huminga ng malalim at kinalma ang sarili bago dumaan sa gilid niya.
Lumapit kaagad dito si Maddison na napansin niyang tinapunan pa siya ng nanunuring titig. “Reese!”
"Hey..."
"May partner ka na ba sa grad ball?"
Bumalik ang tingin ni Reese sa kaniya. “Wala pa.”
Nagliwanag ang mukha ni Maddison. “Wow! Talaga?!”
Tumango si Reese na hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
Sumingit si Wesley na bigla na lang siyang inakbayan. "Anong problema mo, Man? Creepy mo makatingin, ah?" bahagya pa nitong tinapik sa balikat ang pinsan.
Umiling si Reese at walang imik na naupo sa pwesto nito sa likuran niya. Panay naman ang parinig ni Mads na wala pa rin itong date sa grad ball. Hanggang sa tumunog na ang bell at dumating ang guro nila.
"Go back to your seat!"
Pasimpleng nilingon ni Ramona si Reese at nahuling nakatitig ito sa kaniya. He smiled at her. She smiled back at him too, not knowing Mads and Wesley are quietly watching them…
♡ ♡ ♡
Pagdating ng lunch time, bitbit ang kani-kanilang baunan nilakad nina Ramona, Penelope at Maddison papunta sa cafeteria.
"Teka, bakit dalawa pack lunch mo?" puna ni Penelope sa bitbit ni Mads.
Pati si Ramona napasulyap sa dala ng pinsan niya. Oo nga, ano? Bakit dalawa ang baon nito? Madalas na nirereklamo ni Mads na mabilis itong tumaba, kaya lagi nitong nililimit ang sarili sa pag-kain.
Ngumiti si Mads at niyakap ang mga lunch box. "I prepared meal for Reese…”
Pasimpleng siniko siya ni Penelope na siyang nasa gitna nila ni Mads. "Wow! How sweet of you Mads.. talagang desidido ka kay Reese, huh?"
“I heard he likes pasta tsaka wala pa daw siyang date sa grad ball." Huminto sandali at saka pumihit paharap sa kanila. "Anyway, favor naman, oh.”
Nagkatinginan sila ni Penelope nang may dukutin si Maddison sa bulsa ng suot na uniform at iabot sa kanila.
Kunot noong kinuha iyon ni Penelope. “What this?”
“Pakibigay niyo na lang kay Reese kapag makita niyo siya sa cafeteria. Just in case lang naman na di niya mabasa ang text ko.” Naglakad na ito paatras. “Oh, pano? Una na ako! Bye!” Sabay alis.
“Teka, ano ba ‘to?”
Binuksan ni Penelope ang nakatuping papel at binasa ng malakas ang nakasulat doon.
“Reese, Meet me at the rooftop, I'll prepare something for you... :) Mads.”
"OMG!” Namilog ang mga mata ni Penelope. “Hindi kaya siya pa ang mag-aalok kay Reese na maging magpartner sila sa Grad Ball? Tingin mo?"
Kipkip ang lunch box na nagpatiunang maglakad si Ramona, para itago rito ang lungkot na rumihistro sa kaniyang mukha.
"I don't know maybe.. may mga gumagawa naman talaga ng gano'n 'di ba?"
"Duh? Okay lang sa 'yo, Mona?" Sumunod ito sa kaniya.
"Bakit naman hindi?"
"Teka nga, teka.." hinawakan siya nito sa braso upang pigilan sa paglalakad. "You gave up your money para makabili ng gown si Mads at ikaw anong isusuot mo?"
"May mga lumang gown pa naman ako sa bahay. I can make over them or mag-rent na lang ako.."
"At si Reese, ipapamigay mo rin?" Nakataas ang kilay na segunda nito.
Bumuntong hininga si Ramona. “Wala naman kaming relasyon para pigilan ko kung sino mang mag-alok or yayain niyang maging date sa Grad Ball.“
Well, she could win the best liar award of the year.
Umikot ang eyeballs ni Penelope.
"Correction, wala pa! But eventually, soon! Hindi rin kayo makakatiis ni Reese.”
Umiling siya at mariin na pumikit. “Penelope, please…”
“Okay fine! Alam kong ayaw mong masaktan si Mads. Pero hello? Maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi siya gusto ni Reese! At ewan ko kung manhid ba siya o nagpapakamanhid lang… for sure, she noticed how you and Reese stared at each other." Napailing ito.
Are they really that obvious? Nakagat niya ang ibabang labi.
"Kung ako sa'yo Ramona, magpakatotoo ka na lang kung anong sa nararamdaman mo, dahil bandang huli, hindi lang si Wesley at Maddison ang masasaktan.. pati na rin kayo ni Reese.“
“Sinabi ko naman sayo hindi yon ganun kadali, Pene.”
"Alam mo, Ramona.. masyado ka kasing mabait, eh. Pinaka-kalaban mo is yung sarili mo…” kumapit na ito sa braso niya at niyakag siya ulit maglakad. "Ano pala nangyari sa date niyo?"
Napangiti na siya nang maalala ang date nila ni Reese. "It was perfect—“
“Hoy! Nagsusuntukan daw si Wes at Reese!"
Nahinto si Ramona at Penelope sa paglalakad atsaka nilingon ang lalaking tumatakbo papunta sa annex building kung saan ang classroom nila.
“Anong sinabi mo?” Paniniguro ni Penelope.
Lumingon ang binatilyo sa dalawa. “Si Wesley at Reese nasa rooftop! Nagsusuntukan! Tara! Dali! Baka di natin maabutan!” Baling nito sa mga kasama.
“Kay Reese ang pusta ko!”
“Wesley naman ako!”
Nasundan ni Ramona ng tingin ang papalayong mga binatilyo bago nag-aalalang nilingon si Penelope.
“Pene…”
Stress na napailing ito. "Did you tell Wes about your date with Reese?"
“Hindi.” Umiiling na tugon niya.
“He probably heard to someone.” Tinampal nito ang noo.
Bumilis ang kabog ng dibdib niya. Kapag napahamak at na-expell ang mag-pinsan, kasalanan niya.
“W-What am I gonna do, Pene…”
Hinawakan ni Penelope sa kamay. “We must stop them! Let’s go!” Sabay hinila na siya nito patakbo sa high school department.