LUMINGON si Ramona sa likuran niya at nakitang nakasunod pa rin sa kaniya si Resse sakay ng scooter nito ilang hakbang ang layo sa kaniya. Inirapan niya ito at saka malalaki ang hakbang na nilakad ang sidewalk papunta sa bahay ni Benji. Patay na ang ilaw sa porch. Kaya imbes na dumiretso sa main, tinahak niya ang daan papunta sa gilid ng bahay kung saan may pinto papunta sa basement. "Hey, what are you gonna do?" Marahas na bumuga ng hangin si Ramona. Ang kulit naman talaga ng lalaking 'to! Sinundan pa talaga siya! "Hindi ka ba marunong umintindi? I told you to go away!" Mahinang asik niya rito. "I wont. Unless you will tell me what's your planning to do!" Nakataas ang sulok ng labing tugon nito bago tiningala ang bahay ni Benji. "Who's house is this anyway?" "Wala ka ng pakialam

