Indianang Probinsyana

2565 Words
Zeus Hindi ko na maalala kung kailan ako nakatulog ng mahimbing sa buong buhay ko. Pasado alas otso na ng gabi nung nakarating ako dito sa bahay ni lola. Nothing’s changed in this house, walang binago sa mga ayos ng mga gamit pero napakalinis, it’s very homie. When I was kid, ayaw kung iwan si lola at lolo, excited ako tuwing summer vacation dahil makakasama ko sila. Dito ko lang nararamdaman na may pamilya ako, may nag aalaga, may kausap at may nagtuturo sayong imulat ka sa reyalidad. Noong nawala na si Lolo hindi na kami bumabalik dito kahit gustong-gusto ko, masyadong naging busy ang mga magulang ko at hindi na namin napupuntahan si Lola. I lived with my parents, but I never felt that I live with them, parati silang busy sa mga negosyo nila, parating wala sa bahay, kung nandun man nakatutuk palagi sa cellphone. Hanggang sa nasanay ako na ganun ang sitwasyon namin sa bahay, napabarkada ako, doon ko naramdaman na may kakampi ako. Sa sobrang saya ko kasama mga barkada ko nakalimutan ko ng bumalik dito. Hanggang sa … “ I think we should break up,” sabi niya. “Dahil ba sa kanya?” Tanong ko sabay turo sa lalaking naghihintay sa may pitu-an ng bar. “ You know what? I never loved you anyway, I thought you were good for me, but you’re not, puro ka barkada,” sabi niya. “ kaya ba pinagpalit mo rin ako sa barkada mo?And here you are thinking that he’s good for you, ang bilis mo palang maniwala”, Sabi ko. Tsss… naiinis parin ako kapag naalala ko ang pangyayaring iyon. Bumangon ako at inayos ang wifi. “Hay! Bakit ba kasi ang hina ng connection dito?” sabi ko sa sarili ko. Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig. Nadatnan kong nagluluto si Manang sa kusina. “ Good morning Manang.” Bati ko sa kanya. “ Good morning Zeus, saglit lang maluluto natung niluluto ko para makakain na tayo.” Sabi niya. “ Okay po. Nasaan po si Lola?” Tanong ko habang kumukuha ng tubig sa refrigerator. “ Naku andun sa labas nagwawalis na naman, pinabayaan ko na para naman daw makapag ehersisyo siya.” Sabi ni manang. “ Sige po. Pupuntahan ko muna si Lola.” Sabi ko. Pinuntahan ko si Lola sa bakuran pero hindi ko siya mahanap. Maya-maya pa ay may narinig akong nag uusap mula sa tindahan, boses ni Lola at ng isang babae. Who’s that girl ? Mahinahon ang boses, sarap sa tenga. Bigla akong na intriga sino ang kausap ni Lola. Natulala ako saglit habang iniisip ko ang hitsura ng babaeng kausap ni lola. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Lola. “ O, apo tulala ka diyan?,” tanong ni Lola. “ Huh? Eh Wala po, hinahanap ko po kayu para sabay-sabay na tayong kumain.” Sabi ko. “ Mabuti pa nga at nagugutom na rin ako. Nakipagkwentuhan lang ako kina Cicily sa tindahan, mamaya pakikilala kita maganda ‘yun,” pang-aasar ni Lola. “ Sabi mo eh,” Sabi ko. “ Ngiti ka naman apo, umagang-umaga nakasimangot ka na naman,” sabi ni Lola. Hindi na ako nagsalita pa at nginiti-an ko nalang si Lola. Cicily…that’s her name. Excited na tuloy akong makilala siya. Habang kumakain… “ Apo, may gagawin ka ba mamaya?,” Tanong ni Lola. “ Wala po”, sagot ko. “ Dalawin natin puntod ng Lolo mo, matagal na panahon narin nung huli mo siyang dinalaw,“ sabi ni Lola. “ Sige po”, sabi ko. “ Wala bang planong umuwi rito mga magulang mo?” Tanong ni Lola. “ Parati nga silang wala sila sa bahay eh, parati silang walang panahon kaya ‘wag na nating asahang uuwi sila, saka nandito naman po ako Lola,” Sagot ko. “ Kung sa bagay…sa tingin mo ba napatawad na ako ng mama mo ?”, tanong ni Lola. “ Lola lage mong tatandaan na wala kang kasalanan, hindi mo kailangang humingi ng tawad,” Sabi ko. Ramdam ko ang lungkot ni Lola. Hanggang ngayon sinisisi parin siya ng mama ko sa pagkawala ng Lolo. Hindi niya naman kasalanan yun, magkasama kami ni Lola ng mga panahong iyon nung nakiusap siya kay Lola na pupunta siya ng farm titingnan niya lang daw mga alaga niyang hayop, nagpumilit kami ni Lola na sumama pero hindi niya kami pinayagan. Wala kaming nagawa, pinabaunan pa siya ng Lola ng tubig at pagkain. Nung dapit hapon nabalitaan naming dinala siya ni Mang Berto sa Hospital dahil inataki siya sa puso at hindi na namin siya naabutan. Halos hindi matigil tigil ang iyak namin ni Lola at panay naman ang paninisi ni mama. “ Ay bakit naman ganito ? Ang aga-aga yan na ang pinag-uusapan. ‘Wag ganyan,” Sabi ni Manang. Ngumiti naman si Lola. Masaya rin akong si Manang Myrna ang kasama niya dito sa bahay dahil nakikita kong mahal niya si Lola, nagkakasundo sila sa mga bagay-bagay, pinapatawa niya ito kapag nakikita niyang malungkot. Kaya minsan nakakalungkot isiping wala kami rito palagi na totoo niyang pamilya. Ayaw niya ring sumama sa bahay namin dahil alam niyang hindi matutuwa si mama at ayaw niya ring sumama sa Tito ko sa Canada. Pagkatapos naming kumain, tumulong ako sa pagliligpit ng mga pinagkainan, habang si Lola naman ay pumunta sa hardin niya. “Manang, kumusta naman si Lola dito?” tanong ko. “ Naku itong bata ‘to, ba’t di mo itanong sa Lola mo?,” Sabi niya. “ Alam mo naman po na “Okay” lang din naman ang isasagot niya,” Sagot ko. “ Ay Oo nga no?”, Sabi niya. “ Okay naman ang kalusugan niya. Sinasamahan ko siya tuwing check-up niya. Pero I know deep inside she’s not happy all these years, oh di ba English yun.” Biro ni Manang. “ Pero totoo yun Zeus, minsan nakikita ko siyang nakatulala lang diyan sa sulok, ngumingiti siya pero alam kong malungkot siya. Kaya pinapasama ko siya minsan dun kina Cicily dun sa tindahan ng ukay para naman malibang siya, effective naman.” Dagdag pa niya. Cicily na naman, sa tingin ko malapit talaga sila dun sa babaeng yun. “ Sino ba ‘yang sinasabi mong Cicily? nabanggit rin kasi yan ni Lola kanina.” Tanong ko. “ Yung magandang dalaga diyan sa Tiya’s ukay ukay, pamangkin ni Tiya Mila. Mabait yun kaya mahal namin yun.” Sagot niya. “ Pakikilala kita dun, magugustuhan mo yun, bagay kayo,” panunukso niya. “ Mukhang si Lola naman ang hindi matutuwa kapag pinormahan ko ‘yang babaeng niririto mo, alam niyo naman track record ko sa mga babae.” Sagot ko. “ Oo nga ‘no. Mabait ka nga pero ang dali mong magsawa sa ugali ng mga babae,” sagot niya . Natawa ako sa sinabi ni Manang. “ Pero salamat talaga manang sa pag-aalaga kay Lola”, Sabi ko. “ Ano ka ba wala ‘yun, dapat ako nga magpasalamat eh, tinanggap niyo ako rito pati nga mga anak ko welcome dito, tinuring niyo kaming pamilya.” Sabi niya. Tumango lang ako. “ O, siya sige na. Iwan mo na yang mga plato diyan, ako na maghuhugas ng mga yan,” Sabi niya. Dumiretso na ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang sketch pad ko, hindi ko alam kung ano ang iguguhit ko ,pumikit lang ako, naririnig ko parin ang boses ng babaeng yun. Maamo kaya ang mukha niya ? “Sh*t, ano ka ba Zeus, bakit mo ba iniisip ang babaeng yun , hindi mo pa nga siya nakikilala,” sabi ko sa sarili ko . Lumabas ako ng kwarto dahil pakiramdam ko mababaliw na ako, kung ano-ano na lang ang naiisip ko . Pinuntahan ko si Lola para masamahan akong dumalaw sa puntod ni Lolo. Naglakad lang kami papuntang sementeryo para makabili ng bulaklak. Tahimik ang paligid, walang ibang tao dito ngayon maliban sa mga nagwawalis. “ Aling Minda, napadalaw ka?,” Tanong ng Aleng nagwawalis. “ Sinamahan ko itong apo ko. Nga pala apo siya si Tessa, ito naman si Zeus anak siya ng bunso kong anak.” Sabi ni Lola. “ Hello po,” Bati ko. “ Hi. Naku ang gwapo naman pala ng apo mo Aleng Minda,” Sabi ni Aleng Tessa. “ Apo mauna kana , susunod ako maya-maya,” sabi ni Lola. “Okay po.” Sagot ko. Tumungo ako sa puntod ni Lolo. Nagsindi ako ng kandila at umupo sa bakanteng upu-an sa gilid ng puntod. “ Pasensya na po ngayon lang kita dinalaw. Sana hindi ka nagtatampo. Pasensya na po dahil wala ako parati sa tabi ni Lola. Alam kong may kinukwento siya sayo sa tuwing pumupunta siya rito sana naman masaya yung kinukwento niya. Alam niyo po , ang gulo ng buhay ko doon sa syudad puro ako barkada, galit sakin mga magulang ko dahil bagsak ako sa lahat ng subjects ko. Alam niyo naman po na ayaw ko talaga kumuha ng business related courses dahil gusto kong magpinta pero sabi ni mama wala daw magagawa ang pagpipinta ko sa negosyo namin. Bakit po ganun si mama? Bakit puro nalang negosyo nasa isip niya ? Si papa naman po nadamay narin sa kakanegosyo ni mama pero minsan binibilhan niya ako ng mga art supplies at hindi yun alam ni mama, sigurado namang magagalit yun kapag nalaman niya. Kaya mabuti naring nandito ako, masasamahan ko pa si Lola. Sana rin mapatawad na ni mama si Lola at ng mapatawad narin niya ang sarili niya.” Sabi ko. Pagkatapos kong masabi ang mga iyon, gumaan ang pakiramdam ko, mabuti nalang talaga pumunta ako rito. Maya-maya pa ay dumating na si Lola. “ O, apo okay ka lang ?,” tanong niya. “ Opo, may kinukwento lang po ako kay Lolo.” Sagot ko. “ Mabuti naman kung ganun para narin maibsan yang lungkot mo.” Sabi ni Lola. Tumango lang ako. “ Kumusta naman pag-aaral mo ?” tanong ni Lola. “ Hindi mabuti lola,” sabi ko. “ Okay lang ‘yan . Ewan ko ba kung bakit ayaw suportahan ng mama mo yang hilig mo, ikaw tuloy ang nahihirapan ngayon.” Sabi ni Lola. “ Pangarap niya talagang magkaroon ng negosyo noon pa man. Wala siyang hilig sa pagpipinta gaya ng Lolo mo, gaya mo. Nagbebenta siya ng mga kakanin at iba pang pagkain sa skwelahan. Masaya kami ng Lolo mo dahil hindi siya umaasa sa amin lalo na sa mga pangangailangan sa pag-aaral niya. Alam mo naman ang buhay namin noon mahirap, labandera ako at karpentero naman ang Lolo mo. Masaya naman kami sa narating ng mama at ng Tito mo, pero parang nilamon na sila ng sistema ng pagnenegosyo at pagtatrabaho, nakalimutan nilang matanda na kami, na magkaroon ng oras sa pamilya, yung mga ganong bagay,” dagdag pa niya. “ Ganun nga siguro ang nagagawa ng pera,” sabi ko. “ Pasensya kana apo, hindi ko man lang mapagsabihan ang mama mo na hayaan ka nalang sa gusto mo sa buhay, hindi kasali yung pambababae at paglalasing mo, hindi ako natutuwa doon Zeus!” Sabi niya. “ Ugh. Ano bang magagawa ko lola? Eh mga barkada ko lang ang meron ako dun sa syudad,” Sagot ko. “ Naku! Mabuti nga talaga at umuwi ka, ayaw ko namang magkaroon ng apo na lasinggiro at babaero, titino ka talaga dito dahil walang masamang impluwensya sa lugar natu,” Sabi niya. “ Malamang po, ang weirdo ng mga tao dito eh,” biro ko kay Lola. “ Naku! Tumigil ka nga diyan. Iba lang ang pamumuhay namin dito pero hindi kami weirdo,” Sabi niya. Natawa ako ng bahagya dahil weirdo nga naman ang mga kapitbahay namin. Minsan nakikita kong walang tsinelas sa labas ng bahay nila dahil pinapasok nila sa loob, minsan naman nililibot nila ng usok ang bahay nila, aakalain mo talagang nasa langit ka. “ Sabi mo eh.” Sagot ko. “ Umuwi na nga tayo,” Aya ni Lola. Nagpaalam muna si Lola kay Aleng Tessa saka kami dumiretso sa bahay. Pasado alas diyes na nung makauwi kami. Maingay sa labas, mukhang maraming customer ang tindahan ng ukay ngayon. Nandiyan kaya siya? … Malamang, negosyo nila yan eh. Ano kaya itsura niya? “ Ayan kana naman Zeus,” inis na sabi ko sa sarili ko. Kinuha ko ang laptop ko at naglaro ng online game para malibang ang sarili ko, kaso ang hina ng wifi. “ Hay! Ano bang gusto mong gawin ko?,” Tanong ko sa wifi. Ganito pala ang pakiramdam ng sobrang bagot, dadating ka sa puntong kakausapin muna kahit mga bagay sa paligid mo. I nun-plug ko ang wifi saka ni refresh, naisipan kong palitan ang wifi password baka kasi marami rin ang connected dito. “ Hindi naman siguro magagalit si Lola saka hindi rin naman yun marunong gumamit ng cellphone,” sabi ko sa sarili ko. Pinalitan ko ang wifi password saka ko kinonekta muli sa laptop ko. “ Ayun! Yan lang pala ang problema mo,” sabi ko nung lumakas na ang signal ng wifi. Bumaba ako sa kusina para kumuha ng makakain saka ako naglaro ng online game maghapon. Pasado alas kuwatro ng bumaba ako ng kwarto para kumuha ng tubig sa kusina ng may bigla akong narinig na nag uusap sa labas. “Pumasok na nga lang tayo baka hindi tayo narinig ni Lola” sabi nung babaeng malumanay ang boses. Bigla akong kinabahan, siya kaya yung babaeng kausap ni Lola? Si Cicily? “sino kayo?”, tanong ko. Natigilan silang tatlo at tumingala sa akin. Pero sa babaeng malumanay ang boses ako nakatutuk. Kasing ganda nga niya ang boses niya. Mas lalong lumitaw ang ganda niya dahil sa kulay ng damit niyang brown, kahit wala siyang make up makikita mo talagang maganda siya. Baby face, morena, makapal na kilay at pilik mata parang indianang probinsyana. “Ay ikaw siguro yung apo ni Lola Minda, pinapunta niya kami rito” sabi nung kasama nilang binabae. “I’m Greta, ito si Boboy at ang best friend ko si Cicily” pakilala ni Greta. “Future Husband ni Cicily” sabi ni Boboy. “Naku hindi single tung kaibigan ko, malawak lang ang imahinasyon nitong si Boboy. Di ba Boboy?” sagot ni Greta. Nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman kong single siya. Pero paano ako aasta ngayon? Dapat mabait ba? O parang walang effect? Tumango nalang ako sabay sabing, “Nasa kusina si Lola” sabi ko. “Ay hindi, pinapunta niya kami rito para makilala ka” sabi ni Greta sabay ngiti. Bumuntong hininga ako dahil sa sobrang kaba baka kung ano-ano ang masabi ko. Nawawala yung focus ko kapag kaharap ko ang babaeng ‘to. “Zeus… Ako si Zeus. You can all leave now.” Sabi ko sabay akyat pabalik sa kwarto Sh*t! Ba’t ko ba nasabi yun?! Wala na, hindi na ako kakausapin nun. Iisipin talaga nun ang suplado ko. Hay! Nanatili ako sa kwarto habang iniisip parin ang katangahan ko kanina. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa labas kaya bumangon ako sa kama at sumilip sa bintana. Paalis na ang tatlo sa bahay, nang biglang tumingin si Cicily sa kinaroroonan ko, nakita ko sa mukha niyang hindi niya nagustuhan ang inasal ko kanina o sadyang hindi niya lang ako gusto. Naku Zeus, baliw kana talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD