1

732 Words
Eliya Jea Alcantara, gandang pangalan no?! Pang sosyal! Sana pati mukha pang sosyal. Paano ba naman pang kalsada lang na lubak lubak. Tsk! Pero joke lang yun. Okay lang naman ako, medyo maputi at medyo maganda. Sayang at hindi ko nakuha ang kagandahan ng mommy ko. Sabi ng mga nakakita noon sa daddy ko, siya daw ang kamukha ko. Aba, malay ko ba sa ama kong lakwatsero. Sabi ni mommy, nagpaalam lang daw na uuwi. Mukhang natraffic yata o baka naquarantine ng ilang taon. Hanggang ngayon wala pa din. Pero ang nakakagulat buntis yung mommy ko pero parehas lang din yung tatay namin, napapaisip tuloy ako kung bakit at paano na naman nagpaloko itong mommy ko sa kawalang kwentaan ng tatay ko. "Jea! Wake up na, Nandito si Jing!" Sigaw ni mommy. Nandito kasi ako sa music room namin, I mean ni mommy. Magaling yun kumanta parang si Regine na 50% lang. May requirement kami sa Oral Com na reporting kaya nakigamit ako sa gamit ni mommy. Si Jing, pinsan ko yun. Pangit din. Charrooot only! Binunot ko muna ang sinaksak ko saka mabilis na tumayo at dinampot ang bag ko na tinapon ko kung saan. "Uyst! Tapos mo na?" Ani Jing na mukhang nakiki chismis lang. Tapos na kasi niya pero ina antay niyang matapos ko para sabay kaming mag pasa. Umiling ako at mabilis na humalik kay mommy bago mag paalam. "Hwag kang tumakbo Jea!" Sigaw pa ni mommy pero hindi ko na pinakinggan. Si Jing na ang pumigil sa akin sa pagtakbo. "Uy, nakakapagod ha!" "Sorry naman." Sabi ko at tumigil na sa pagtakbo. "Ano nga ulit yung chinat mo na pogi sa malapit sa palayan?" Bigla ay naalala ko yung pinagsasabi niya kagabi. "Ah, oo! Oo nga pala, sigurado ako type mo yun!" Nakangiting aniya. "Matangkad, gwapo, mabuhok uhmm..Ano pa?" Pag iisip niya. Napapangiwi na lang ako sa pinagsasabi niya. "Ay basta! Parang european! Basta gwapo siya!" Paninigurado niya at saka ako kinurot sa tagiliran. "Hmpp! Nag bibiro ka na naman yata eh!" Sagot ko. Kasi noong isang araw, sabi niya engineer yun pala Gingineer! "Uy, gagi! Hindi naman, totoo yun pramis!" Tapos tinaas pa niya yung isang kamay. Tuloy lang ang kwentuhan namin hanggang sa makarating kami sa school. Nga lang, naghiwalay kami. Hindi kami parehas ng strand. Sa ABM siya tapos ako Sa HUMMS. Parehas lang kasi yung teacher namin sa Oral Com kaya parehas kami ng project. "Hi Pres JEa!" Bati nila sa akin. Napagtripan kasi nila akong inominate ng president noong pasukan. Nginitian ko lang yung iba tapos yung iba sinagot ko. Baka sabihin pafamous ako. Iba pa naman sila dito, kala mo mga famous din! Hmp! Kakaupo ko pa lamang. Tipong hindi pa umiinit yung pwet ko tinawag na naman ako! "Psst! Pres Jea, tawag ka sa faculty ni Maam Sha!" Sigaw nung peace officer namin. Pairap akong tumayo at padabog na pumuntang faculty. Marami pa akong nadaanang mga tatambay tambay sa labas. Yung iba mga hype beast! Yung iba mga naghaharutan pa! Yuck! Nakakadiri naman! Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok ng tuluyan sa faculty. "Oh Miss Alcantara! Halika!" Tawag sa akin ni ma'am Sha. Lumapit naman ako. "Eto gagawin niyo today. Module 2 sa PPG, may chineck ako dyan. Hindi na ako pupuntang room niyo ha? Pero make sure na sasagutan niyo lahat niyan, kolektahan mo na din then submit it to me. May Faculty meeting kasi. Thank you, bebe." Ani Ma'am Sha. Naks, bebe. May bume-bebe na sa akin! Bata pa kasi niya, mga 26 ganun! Pwedeng pwede pang lumandi! Kaya naman pagbalik ko ng room ay nagsibagsakan ang balikat nila ng mag announce ako. Reklamo pa sila ng reklamo sa akin. Aba, edi kay ma'am sila magreklamo. Pinag utusan lang ako ano! "Uy Pres, pakiulit nga nung instruction!" Sigaw ng isang kaklse ko. Pota naman! Ilang beses ko ng inulit ha?! Uulitin na naman?! "Oh eto na! Uulitin ko baka hind niyo na naman maring ha?!" Ang lakas na ng boses ko nyan. Kasasabi ko lang na manahimik sila ngawa ng ngawa yung nasa likod. "Hoy! Boys at the back! Makinig nga kasi! Ganito yun!..." Tapos nagsimula na akong mag explain. Nanahimik naman sila pero nang matapos ko sabihin akala ko fully understood na hindi pa pala. Ang kukulit nila!! Next year hindi na akong magpapapilit talaga! Nakaka stress! Bad mood tuloy ako hanggang sa magrecess kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD