Chapter 59 May problema ka ba sa mga pinamili namin, miss?" nakataas ang kilay kong tanong sa cashier. Bumaba ako sa cart at naglakad palapit roon. Nakakagigil siya eh. Hindi ko gusto iyong mga tingin niya. "Hayaan mo na," pasimpleng bulong ni Asher. "Miss, gawin mo na lang ang trabaho mo." "Concern lang naman ho ako na baka hindi ninyo mabayaran iyang mga pinagkukuha nin—" "At bakit ba nakikialam ka? Parte pa ba ito ng trabaho mo? As far as I know ang trabaho mo lang ay mag-encode ng prize sa computer mo at magsukli ng tama. Wala ka nang pakialam sa kung ano man ang binili ng costumer." "Pakisabihan nga itong nobya mo. Masyadong mainitin ang ulo nagtanong lang naman ako. "Hindi ko kasi gusto ang punto ng pananalita mo!" Nag-umpisa nang magdatingan ang mga tao. Dami talagang chism

