Chapter 11 Nagmukha akong panda dahil sa uling sa paligid ng mata ko. May nakasulat din sa noo ko na PUYAT AKO. Oh My Gosh! Ito ba iyong rason kung bakit naghahagikgikan sila kanina noong nagising ako? Humanda talaga sa akin ang Asher na 'yan. Naghilamos ako at pilit binura ang uling sa aking mukha pero sadyang makapit. Buti na lang at may tissue rito. Ginamit ko iyon bilang pantuyo sa muka. Ito ba ang dahilan kung bakit pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko? Malilintikan talaga sa akin ang lalakeng iyon. Kung anu-anong kahihiyan ang inabot ko dahil sa kalokohan ng isang iyon. Matapos kong ayusin ang sarili ay lumabas na ako para balikan ang lalakeng iyon. Sinasabi ko makakatikim talaga siya sa akin. Binalikan ko siya run sa tindahan kung saan ko siya iniwan pero sabi nung

