Chapter 47 "Mahal kita, Caliyah. Sapat na dahilan na iyon para maghintay na makasama ka sa araw-araw." "Pero alam mong ikakasal na ako, hindi ba? Kung ano man ang nangyari sa atin noon matagal ng tapos iyon." Giit ko at tumayo. Ayokong pag-usapan namin ang mga bagay na may kinalaman dito. Natatakot ako kapag sinasabi niya na mahal pa rin niya ako. Ilang taon akong dumaan sa proseso ng pag-momove on. Sinubukan ko siyang kalimutan dahil iyon ang tamang gawin. Pero ngayon ay heto ulit siya at nagpaparamdam ngayong unti-unti na akong nakakausad. "Relasyon lang natin ang natapos, Caliyah! Hindi ang nararamdaman natin sa isa't isa." Napatigil ako sa paghakbang at napapikit ng mariin nang marinig ang sinabi niya. "Tama na, Asher. Iba na ang daang tinatahak natin ngayon. May kaniya-kaniya n

