CHAPTER 7 I'M YOURS

1220 Words
HIGHSCHOOL DAYS GRADUATION "OMG! Congrats, besh! Congrats, guys! Graduate na ang lola niyo! Owemji!" Nagtatalon-talon na naman sa tuwa ang lola Selenah niyo habang nakikipag-hug sa kung sino-sino kahit 'yung nakaaway niya dati ay nakipagbeso-beso na rin ang bruha. Katatapos lang ng program at heto na nga at graduate na rin kami sa wakas. "Congrats, Maez! Flowers. Sige na, kunin mo na agad habang wala pa 'yung boyfriend mo. Baka majombag na naman ako no'n eh," kakamot-kamot sa ulong sabi ni Carl habang iniaabot ang pumpon ng bulaklak. Sabi niya kasi noong 3rd year pa lamang daw kami ay may lihim daw siyang pagtingin sa akin. 'Yun nga lang ay sa kaniya na lang daw 'yun dahil naunahan na daw siya ng iba at halos itali na. "Congrats din and thank you for your pa-flowers," nakangiti kong sabi sa kaniya. Tinanaw ko naman si Cedric sa kabilang lane at naroroon pa siya. Kinakausap siya ng kanyang parents. Kita kong may kasamang mag-asawa ang kanyang parents at may babae na siguro ay anak nila na malagkit ang pagkakatitig kay Cedric. Napaismid na lamang ako. "Oh, selos ka na ba agad niyan?" Nanlaki ang aking mga mata sa nagsalita. "Andiyan ka pa pala?" tanong ko kay Carl. Lalo naman siyang napakamot sa ulo. Akala ko kasi umalis na eh. "Ikaw talaga. Sige na nga. Dito na 'ko. Baka mapalingon pa ang gangster mong boyfriend eh. May kainan tayo mamaya. Pupunta ka ba? Kitakits," tanong niya habang naglalakad na siya palayo. "Oo, kitakits na lang. Thank you ulit." Marami pang lumapit sa akin at nagbigay ng flowers. Sinamantala nila ang chance na abala pa sa iba ang boyfriend ko. Ano ba kasing pinag-uusapan nila? Ang tagal niya naman akong puntahan. "Nak!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Sila papa at mama pala at kasama si Jr na may hawak na ice cream. Sinalubong ko na kaagad sila. "Congratulations sa baby ko," bati ni papa at ni-hug pa ako. "Thank you, papa. Thank you, ma." "Congrats, anak. Umhwaaaa. Ang dami naman nito. Akina 'yang iba." Inagaw ni mama ang mga bulaklak na napakarami nga. "Jr, anong sasabihin mo sa ate?" baling ko kay Jr na puno ng ice cream ang bibig. "Conggat." 'Yun lang at nagpatuloy na muli siya sa kanyang pagkain. "Naku, ikaw talaga ang dumi-dumi mo na." Pinunasan ko ang mga kalat-kalat niyang ice cream sa pisngi. "Nasaan na nga pala si Cedric?" tanong ni papa habang lumilinga sa karamihan ng tao. "Kasama pa po ang parents niya eh. Naroon po sa kabilang lane." Medyo nagtatampo na nga ako dahil kanina pa natapos ang program. Ang iba ay naglalabasan na at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nilalapitan ni Cedric. "Helow, tita, tito!" Biglang lumapit si Selenah. "Oh congrats, iha. Sa wakas graduate na rin kayo. College naman ang susunod. Mas lalo niyong pagbutihin ang pag-aaral ha," sabi ni mama kay Selenah. "Siguro ay may boyfriend ka na din, Selenah?" tanong naman ni daddy at nasamid naman ang kaibigan ko. Natatawa naman ako sa kaniya. Nasaan na nga ba si Skipper? "Naku, wala po. Wala pa po sa isip niya ang ganung bagay kaya hihintayin ko na lang po siyang magkaisip," sagot naman niya. Natawa naman kaming lahat sa sinabi niya. "Naku, malay mo naman na iniisip niya rin kung paano ka iisipin," sagot din naman ni papa at wala kaming tigil sa katatawa. "Tito talaga oh. Joker ka rin eh. Tara na nga po. Huwag na po natin siyang isipin. Baka masiraan lang tayo ng isip." "Nasaan na nga pala ang parents mo?" tanong ni mama. "Nasa labas na po kasi kanina pa 'yun naghanap ng restroom si mama eh. Tinamad na siyang bumalik dito sa loob kasi crowded. Nahihilo daw po siya." "Eh baka buntis ang mama mo." Napangiwi naman kami sa isinagot ni papa. "Oh, ayan na pala si Cedric eh," sabi ni mama at lilingon pa lang sana ako sa kaniya nang may pumalibot ng mga braso sa aking baywang at bumulong. "Congratulations, baby. I'm sorry, ayaw agad akong pakawalan ni daddy eh," bulong niya sa aking batok pagkatapos ay agad bumaling kay papa at mama. "Helow po, tita, tita." Lumapit siya sa kanila at nag-bless sa mga kamay ng papa at mama ko. Marunong siya ng ganung paggalang dahil na rin sa turo ni tita Cecil. "Congratulations, iho. Atlas," bati nila kay Cedric. Bumaling ako sa aking likuran at papalapit na rin ang parents ni Cedric. Agad ko na silang sinalubong at nag-bless kay tito Liandrake, nag-bless at nagkiss naman ako kay tita Cecil. "Congrats, baby. May salo-salo sa bahay mamaya. Sumama kayo ng parents mo ha. Nasaan na ba sila?" nakangiting saad ni tita Cecil at luminga sa aking parents na nasa may likuran ko lang. "Thank you po, tita. Ayon po sila," sagot ko naman. "Sumama kayo ngayon sa mansion. It's okay, wala naman doon si daddy. Nasa out of town sila ngayon," bulong naman ni tito Liandrake. Alam niya kasi ang ugali ng lolo ni Cedric at alam din nila ang pakikitungo nito sa akin o sa kahit sinong babaeng nalalapit kay Cedric. Ayaw pa kasi niyang mag-girlfriend ang kaniyang apo dahil marami daw siyang pangarap kay Cedric na kailangang matupad at makakahadlang lang daw sa kaniyang mga pangarap ang mga babae. "Nakakahiya naman po tito," nahihiya kong sabi. Napasulyap din ako sa kaniyang likuran at nakita ko doon ang family na kausap nila kanina at ang anak nitong babae na siguro ay kasing edad lang namin at nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa akin. Problema naman ng babaeng ito? Close ba kami para pagtaasan niya ako ng kilay? Basagin ko kaya ang mukha niya. "Ano ka ba naman, iha. Sa amin ka pa ba nahiya. Tutal naman eh darating ang panahon na doon ka na rin titira," nakangisi niyang sabi sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko sa kaniya. Imaginen ko na lang na doon na ako nakatira tapos araw-araw kong makikita ang masungit nilang ama. Naku, maaga 'ata akong matitigok nito. "Ikaw talaga. Pwede rin naman kayong bumukod ng anak ko kung hindi kayo comportable sa mansion," bawi niya agad sa kaniyang sinabi. "Naku, matagal pa po iyon, tito." "Let's go guys!" tawag nila sa amin. Agad lumapit sa akin si Cedric at niyakap na naman ako habang naglalakad na kami paalis. "Ano namang sinasabi mo, dad sa girlfriend ko?" nakabusangot na sabi ni Ced sa kanyang daddy na tatawa-tawa lang. "Secret. Sa amin lang 'yun," sagot naman ng kanyang daddy. "Tss," singhal naman ni Ced at agad na akong hinila palayo. Sumakay na kami sa kaniyang kotse at ang family ko ay sa sasakyan ng parents ni Ced sumakay. Pagpasok naming dalawa ng sasakyan ay agad akong pinaghahalikan ni Cedric. "Uhhmn. I love you. I'm sorry talaga. Natagalan ako kanina," bulong niya sa aking mukha. "Congrats, babe. I love you too...oo nga eh. Mukhang nag-enjoy ka lang yata sa company ng girl kaninang kasama niyo." "Selos ka na niyan?" nakangisi niyang tanong. "May dapat ba akong ika-selos?" balik tanong ko naman sa kanya. "Nothing 'cause i'm yours. I'm all yours." Napangiti na ako sa kaniyang sinabi at muli niya akong hinalikan at niyakap ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD