CHAPTER 9 GROW OLD

1034 Words
OUTINGS MATABUNGKAY BEACH RESORT "Good morning, guys! Kumpleto na ba tayong lahat?" tanong ni commander Clifford sa aming lahat na naririto na sa loob ng bus. "Andito pa ang lola niyo! Alalayan niyo 'ko!" dinig kong sigaw ni Selenah mula sa labas ng bus. Nagkagulo na naman tuloy ang mga kalalakihan nang dahil sa kaniya. "Alalayan niyo daw si lola baka hindi makaakyat! Hahaha!" "Lola, halika bubuhatin na lang kita." "Ang ganda namang lola nito." "Naks! Ang sexy natin, baby lola ah." "Aayy iba." "Baby, tabi tayo!" "Ano ba kayo! Sa akin 'yan tatabi." Kantyawan nilang lahat pero ang totoo niyan ay marami din talaga ang napapalingon kay Selenah at nagtatangkang manligaw sa kaniya. Pero ewan ko ba kung bakit walang magkalakas ng loob na ituloy ang kanilang panliligaw. Alam nilang patay na patay si Selenah kay Skipper pero nakikita din naman nilang patay-malisya lang si Skipper at walang pakialam kay Selenah. Kaya ano kaya ang pumipigil sa mga itong ituloy ang kanilang panliligaw? Hindi ko rin naman maintindihan kay Skipper kung bakit hindi niya magawang pansinin ng kahit kaunti man lang ang bestfriend ko? Simpleng babae lang din naman siyang kagaya ko. Iyon nga lang ay may pagka-SLOW bukod pa doon ay napakaingay! Pero nang dahil naman sa ganyan niyang pag-uugali ay marami naman siyang napapatawa at napapasaya. Kaya sana nga ay hindi siya magbago kahit medyo may pagka-slow siya. "Heh! Ewan ko sa inyo!" sigaw ni Selenah sa lahat. Pakendeng-kendeng siyang naglakad papasok dito sa loob habang lumilinga-linga sa paligid. Sino naman kaya ang hinahanap niya? Malamang ay hindi ako 'yon. Naka-white polo siya na may kalakihan sa kaniya at halos naging dress na niya ito at hindi na makita ang suot nitong short sa loob. Kaya naman kita ang mapuputi at makikinis niyang hita. Naka-bun ang kaniyang hair na may ilang hiblang buhok ang nakalugay at naka-sunglasses. Nice outfit. Baka sakaling mapansin ka na ni Skipper na manhid. Sa kalilinga niya ay natutok ang kanyang mukha sa aking direksiyon. Ayon..ako pala ang hinahanap niya. Kumaway ako sa kaniya. Narito lang naman ako sa bandang gitna nakapwesto. "Bes, dito!" sigaw ko sa kaniya na may kasamang pagkaway. Tinanggal pa niya ang kanyang suot na sunglasses kaya naman nakita ko ang kumikinang niyang mga mata. Nagsimula na siyang lumapit sa aking kinaroroonan. "Bes, bakit ang tagal m-" naputol ang aking sasabihin nang ako ay kaniyang lampasan. Napahabol ako ng tingin sa kaniya at nakita kong nakatutok ang kanyang paningin sa isang bag na maayos na nakalagay sa compartment sa kisame nitong bus. Pero wala 'yong taong nagmamay-ari nito. "Yiiiieehh! Tabi kami ni mylabs!" tuwang-tuwa niyang sabi. Halos mapalukso pa siya sa tuwa. Umupo agad siya sa upuan. Sesermonan ko na sana siya dahil hindi niya ako pinansin! Pero biglang dumating si Skipper at natigilan nang makita niyang nakaupo na si Selenah sa katabi niyang upuan. "Tss," singhal niya kay Selenah at padabog niyang kinuha ang kaniyang bag sa itaas. "S-saan ka pupunta?" utal na tanong ni Selenah kay Skipper na tumalikod na at lumipat ng ibang upuan. Hindi man lang siya nito sinagot. Napabalik ang aking paningin kay Selenah na nanahimik at nakatungo na lang sa kanyang upuan. Haayst. Dapat kasi ako 'yong pinansin niya eh! "Anong itinatayo-tayo mo d'yan?" Bigla akong napalingon sa nagsalita sa aking likuran. "Babe, ang tagal mo naman," inis kong sabi dahil nagpaalam siya kaninang may bibilhin lang eh mukhang inabot siya ng isang oras sa labas! "Sumakit 'yong tiyan ko eh. Naghanap pa ako ng c.r sa malapit na gasolinahan," nakangiwi niyang sagot at umupo na rin sa aking tabi. Ako ang nakapwesto sa tabi ng bintana. "Masakit pa ba? Dami mo kasing kinain kanina eh. Akala mo wala ng bukas." "Sarap kasi ng luto ni mama kanina eh." "Naks, improving! Naka-mama na kay mama ko," pang-aasar ko sa kaniya dahil simula kagabi ay mama at papa na ang tawag niya sa parents ko dahil pagka-graduate daw namin ng college ay talagang itutuloy na ang aming kasal. Napag-usapan din kasi nila iyon kagabi sa nangyaring dinner sa kanilang mansion at tuwang-tuwa naman ang mokong na ito. Wala din namang problema sa akin 'yon. Gusto ko rin siyang pakasalan after college graduation. "Syempre...excited na nga ako eh. Ano kaya kung unahin na muna natin ang honeymoon. To follow na lang 'yong kasal natin? Di ba, magandang idea 'yon? Tamang-tama masosolo kita mamaya sa beach." May pakagat-labi pa siya habang nagsasalita at nakatitig sa akin. "Mukha mo. Baka nakakalimutan mong nangako ka sa parents ko na wala munang paduguan hangga't hindi tayo graduate. Baka makarate ka ni Jr." "Eh 'di huwag nating sabihin," nakangisi niyang sabi. "Suntok, gusto mo?" "Eh 'di wag. Ayaw mo lang eh," nakanguso na niyang sabi. "Huwag kang ngumuso diyan, hindi bagay sa 'yo," pang-aasar ko sa kaniya. "Naaakit ka lang sa lips ko eh." "Naks, eh kung kagatin ko 'yan?" "Sige nga?" Napakalawak ng kanyang pagkakangisi. "Maghintay ka lang, pagdating natin sa beach ipapakagat ko 'yan sa crubs." "Maghintay ka lang, pagdating natin sa beach ikaw ang kakagatin ko." "Sige nga." Kaagad siyang napalingon sa akin habang may nanlalaking mga mata. Binelatan ko siya. "Guys, bibilang ang bawat isa para makaalis na tayo," muling sigaw ni commander Clifford sa unahan kaya naman nagsimula na kaming bumilang. Nang matapos at malaman naming kumpleto na kaming lahat ay agad lumarga ang aming sasakyan. Naglabas ng earphone si Cedric at isinaksak sa kanyang phone. Inilagay niya ang isa sa aking tainga at ang isa naman ay sa kaniya bago siya naghanap ng song sa music playlist. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang music. (I wanna grow old with you by: WESTLIFE) "Bakit 'yan?" tanong ko sa kaniya. "Kasi...." Kinabig niya ako at isinandal sa kanyang balikat. "Magsasama tayo....." Naramdaman ko ang kanyang paghalik sa aking ulo. "Hanggang sa pagtanda." Walang pagsidlan ang aking kaligayahan sa mga oras na ito. Tumingala ako sa kaniya at tinitigan siya. "I love you," sabi ko sa kaniya at inabot ko ang kanyang labi upang halikan. "I love you more." Siya naman ang humalik sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD