CHAPTER 24 KUTOB

1043 Words

Sabay naming itinutok sa bawat isa ang pareho naming hawak na pana. Nanginginig ang aking mga kamay. Kumakalabog ng husto ang aking dibdib. Pakiramdam ko ay huminto ang orasan at kaming dalawa na lamang ang nasa paligid. Naalala ko noong mga bata pa kami. Minsan na niya akong isinama sa gubat. Nasubukan na namin noon ang pana upang manirador ng mga ibon at paniki kaya kahit papaano ay may alam kaming dalawa sa paggamit nito. Lalo na at laking gubat talaga si Cedric dahil sa kanyang lolo. At ngayon ay masusubukan ang galing at tibay ng loob naming dalawa sa mga oras na ito. Taimtim naming pinakatitigan ang bawat isa. Habang nakasentro rin sa bawat isa ang pareho naming hawak na pana. Matapang niya akong tinitigan na para bang sinasabi niyang tatagan ko. Kaya ko ito. Kaya namin ito. Fight.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD