Kabanata 2

1118 Words
NAGISING ako sa sikat ng araw na dumarampi sa aking pisngi. Nakatulugan ko palang bukas ang bintana ng aking kuwarto. Bumangon ako at inihanda ang sarili sa pagpasok sa opisina kahit pa nag-leave ako para sa wedding na hindi naman natuloy. “Margaux, bakit pumasok ka na? Dapat ay nagpahinga ka muna.” Bakas ang gulat sa boses ni Karen na siya kong sekretarya. Parang kapatid ko na siya kung ituring kaya hindi na siya iba kung makipag-usap sa akin. “Maloloka ako kung magmumukmok lang ako sa condo ko. Besides, maraming gagawin dito ngayon. Magha-holidays na naman,” sambit ko. Nakasuot ako ng sunglasses kaya ’di niya pansin ang namumugto kong mata. Deretso ako sa aking opisina. “Talaga bang ayos ka lang?” nag-aalalang tanong niya. Ngumiti lang ako sa kaniya at tinanggal ang sunglasses bago humarap sa mga papeles sa aking lamesa. “Margaux, kung kailangan mo ng kausap, ’wag kang mag-atubiling tawagin ako,” saad niya sa mababang tinig. “I’m okay, Karen. Ayoko na lang munang pag-usapan ang mga nangyari. I’ll call you when I need something,” wika ko sa kaniya. “Okay.” Tumalikod na siya palabas ng pinto. Inumpisahan ko ang trabaho. Ayokong mabakante ang utak ko kahit sandali. Hanggang sa tumunog ang intercom sa aking lamesa na siya kong sinagot. “Lester is on the line. You wanna talk?” ani Karen sa kabilang linya. Mariin muna akong pumikit bago sumagot. “I’ll talk to him.” “Hello?” sabi ni Lester sa kabilang linya, ngunit hindi ako sumagot. Paano’y hinihiwa ang puso ko nang marinig ang boses niya. “Margaux, puwede ba tayong mag-usap?” Tumulo ang aking mga luha. “Baby, mahal kita . . . Alam kong alam mo ’yan. May bigla lang kasing nangyari and I couldn’t make it to our wedding. Please, I need to talk to you,” nagmamakaawang sabi niya. “Babe?” Humugot muna ako ng malalim na hininga bago magsalita. “Okay. Mag-usap tayo pagkatapos ng office hour.” Matapos ay mabilis kong ibinaba ang tawag. Mabilis lumipas ang maghapon dahil ginawa kong busy ang aking sarili. “It’s Lester again,” Karen said on the intercom. Pinindot ko ang enter button. “Hello?” “I’m outside your office,” sabi niya. “Okay, bababa na ako.” Hindi na ako nag-abalang mag-ayos pa, ’di kagaya dati na todo lipstick pa ako. Ngayon, kahit powder ay hindi ako naglagay. Paglabas ko ng building ay nakita ko agad si Lester na nakasandal sa kaniyang kotse. Tumahip nang malakas ang dibdib ko. He was wearing a white V-neck shirt, bleached jeans, and rubber shoes. Mukha siyang bagong paligo na tila nakalimutang mag-shave. Mukhang wala pang tulog dahil sa lalim ng mga mata. Sa kabila niyon, guwapo pa rin siya. Pansin ko ring may hawak siyang sigarilyo. Nang mapansin niya ako’y agad niyang tinapon ang sigarilyong hawak at sinalubong ako. Hahalikan na sana niya ako sa pisngi ko pero mabilis akong umiwas. “Ano pa ba ang pag-uusapan natin?” I said in irritation. “Let’s talk in some other place,” aniya sa mababang tono. Iginiya niya ako papasok ng kaniyang kotse. “No, thanks,” mariin kong tanggi. “I better use my car.” Nagpunta kami sa isang restaurant. “What do you want to eat?” tanong niya nang makaupo kami. “Tubig lang ako,” I answered kahit kanina pa kumukulo ang tiyan ko sa gutom. Ayoko na kasing magtagal pa na kasama siya. “Marg, baby . . .” Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. “Don’t you f*cking call me that!” madiin kong sabi at hinila ang aking mga kamay bago humalukipkip. “Look, Margaux . . . I’m sorry for what I did. Hindi ko ginusto na hindi ka siputin sa kasal natin. May nangyari lang talaga na hindi ko inaasahan,” aniya sabay iling. “My God, Lester, wala akong maapuhap na dahilan para umatras ka sa kasal natin. I thought we both wanted this ever since I said yes to you. What we had for almost three years, gano’n mo na lang tinapon!” “Believe me, I really want to spend the rest of my life with you . . .” napapaos niyang sabi saka muling kinuha ang kamay ko matapos ay hinalikan. Tinitigan ko siya nang maigi. Guwapo pa rin siya sa ganoong anggulo. May malamlam na mata, matangos na ilong, at mapupulang labi. Mala-Adonis kung titingnan. Sa unang pagkikita pa lang namin ay nabighani na niya ako. Biglang napalitan ng kirot ang nasa puso ko. Ayokong umiyak sa harapan ni Lester ngunit gusto nang tumulo ng mga luha ko anumang sandali. “Please tell me, Les . . . what happened between us? Nasaan na ang pangako mong ’di ako sasaktan? Bakit mo ako pinaasa sa wala? Pati mga magulang natin, sinaktan mo sa ginawa mo!” Pumatak ang luha mula sa mga mata ko. “Sssh, please don’t cry, babe.” Pinunasan niya ang mga luha ko. “Stop it! Bullsh*t!” Hinawi ko ang kamay niya, dahilan para makakuha na kami ng atensiyon ng ibang customer na kumakain. “Please, baby, just give me one more chance. Maaayos ko rin itong napasukan ko,” he begged. “Kung anuman ang dahilan kung bakit hindi ka sumipot sa kasal natin ay ayoko nang malaman. I guess this will be the end for both of us, tutal hindi na rin naman natin maibabalik pa sa dati ang lahat dahil sinira mo na!” Tumayo ako at lumabas sa naturang restaurant. “Margaux!” Hinabol ako ni Lester at nang maabutan ay hinawakan nang mahigpit ang braso ko. “Let go of me!” marahas kong hablot sa aking braso. “No, Margaux. Hindi pa tayo tapos mag-usap. Pumasok ka ulit sa loob, please . . .” pagmamakaawa niya na tila nauubusan na ng pasensya. “Wow! Gusto mong sundin kita? There’s nothing between us, Lester! We’re through!” may diin kong sinabi. “Hindi ako papayag na iwan mo ako. Humihingi lang ako sa iyo ng kaunting panahon para maayos ko itong gulong napasok ko. Believe me, after this, kahit saang simbahan, papakasalan kita. Please, baby . . .” His voice is gentler pero hindi iyon sapat para maantig ang puso ko. Isang malakas na sampal ang pinalipad ko sa pisngi niya na nagpawindang sa kaniya. Hawak niya ang pisnging nasaktan. “F*ck you! Hindi ako aso na puwede mong iwan kung saan at babalikan mo kung kailan mo gusto!” hinihingal na sigaw ko. “You are my first love, my first boyfriend, and the person I wanted to spend the rest of my life with,” patuloy kong sabi. Wala akong pakialam kung pagtinginan man kami ng mga tao sa labas ng restaurant. “Binigay ko sa iyo ang lahat, pero hindi pa pala sapat! Ang sakit lang dahil ikaw ang una kong minahal pero ikaw rin pala ang unang wawasak sa akin.” Tears fell down on my face. Labis kong pinagsisihan ang pag-iyak sa harapan niya kaya mabilis kong pinahid ang mga luha bago tumalikod para takbuhin ang aking sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD