"Madam Margaux, natunton na ang pinagtaguan ng mga kidnapper. Nasa Pagbilao, Quezon Province."
"Ano pa ang hinihintay ninyo?! Sugurin niyo na!"
"Nando'n na po ang mga kapulisan ng Quezon pati na ang SWAT na pinadala ni Gov. Evan. Nabawi na ang anak ni Atty. Ricky kasama ang isa pang bata, madam. Pero ang anak ho ninyo... ginawang hostage."
May kung ano'ng bumubundol sa dibdib ni Margaux matapos marinig ang sinabi ng kaniyang tauhan. Nanlilisik ang mga matang dinuro niya ito.
"Mga inutil! Ano pa ang silbi ninyo?! Hanapin ninyo ang anak ko! Bawiin niyo siya! Huwag niyong tantanan ang mga kriminal na 'yon hangga't hindi niyo naibabalik ang anak ko!"
Ngunit sa kasamaang palad, sa kagustuhan ng mga kidnapper na matakasan ang mga humahabol na kapulisan, nahulog sa mataas na bangin ang sinakyan ng mga ito at dumiretso sa lawa.
NARAMDAMAN ni Maisie ang hapdi sa kaniyang mga braso nang magtalsikan ang mga basag na salamin habang patuloy sa paggulong ang sinasakyan nila. Hindi siya nakagalaw dahil niyayakap siya nang mahigpit ng isa sa mga kidnapper niya upang protektahan.
Naipikit na lamang niya ang kaniyang mga mata kasabay ng panghuling bagsak ng sasakyan.
Ilang segundo pa namayani ang katahimikan bago niya narinig ang isang sigaw. Nagbukas siya ng mga mata at nakita niya ang lalaking duguan at wala nang malay. Niyuyugyog ito ng kasamahan nito.
"Ka-Paeng! Gumising ka!"
"Wala na siya ka-Nonoy."
"Lintik!" Maluha-luhang hinampas ni Nonoy ang likod ng driver's seat.
Nagtatagis ang bagang nito na tiningnan ang wala nang buhay na kaibigang yakap pa rin siya. Sa kagustuhang protektahan siya nito, natusok ito sa likod ng isang malaking piraso ng basag na salamin mula sa windshield ng sasakyan.
"Tara na, Ka-Nonoy! Habang wala pa ang mga pulis!"
Kinuha ni Nonoy ang baril at biglang itinutok sa kaniya. Gusto siya nitong barilin ngunit habang nakikipagtitigan ito sa berde niyang mga mata, bigla na lamang lumambot ang titig nito.
Ibinaba nito ang baril at hinila siya sa braso.
Dinala siya ng mga ito sa isang remote area ng Cagayan Valley. Ang magkakamag-anak na Domingo na dumukot sa kaniya ay myembro pala ng grupong kalaban ng gobyerno. Kaya nagtatago ang mga ito sa liblib na lugar na iyon.
Instead of killing her, she was adopted and treated as a member of their family.
Sa paglipas ng panahon, napatunayan niyang mabubuting tao ang mga dumukot sa kaniya. Natuklasan niya rin ang pinag-ugatan ng galit ng mga ito sa kaniyang Lolo at mommy na siyang dahilan kung bakit siya dinukot.
Hindi niya nagustuhan ang mga nalaman kaya pinili niyang huwag na lang bumalik sa pamilya niya sa Quezon City.
Lumaki siya sa piling ng mga dumukot sa kaniya at unti-unti nang napamahal sa mga ito. Para sa kaniya, matagal nang patay si Maisie at siya na ngayon si Letticia Domingo.
Pagka-graduate niya ng elementary, lumipat sila sa Cavite, kasama ang itinuring niyang ina. Sa takot na makilala siya ng kaniyang tunay na pamilya ay lumikha siya ng bagong katauhan sa ilalim ng pangalang Letticia Domingo. Sinanay niya ang kaniyang sarili sa pagsuot ng malaking salamin at contact lens na kakulay ng kaniyang itim na wig na may mahabang bangs na tumatakip sa kaniyang mga mata. By disguising herself, she was able to hide her true identity for a long time.
Nagpatuloy siya ng high school sa Cavite and there she met new friends who would reconnect her with her true family. Ngunit pinaninindigan niya ang kaniyang pagpapanggap. Lumipas ang maraming taon ay hindi pa rin siya nakikilala ng kaniyang ina maging ng kaisa-isa niyang kapatid na kaibigan ng kaklase niya.
"Uhm... Joaquin..."
Napapiksi si Lettie nang marinig ang katok ng kaniyang ina sa labas ng pinto ng silid niya.
Panaginip.
Napanaginipan ni Lettie si Joaquin at ang kahalayan nito kagabi.
"Letticia! Bumangon ka na riyan!"
"Opo, 'nang!"
Kinusot niya ang kaniyang mga mata, inunat ang mga braso sabay hikab. Umaray pa siya nang maramdaman ang pananakit ng kaniyang buong katawan pati na ang pangingirot ng kaniyang p********e.
Inararo kasi siya kagabi ng isang kalabaw. Si Joaquin Guerrero.
Napangiti siya at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi siya makapaniwalang ito ang nauna sa kaniya.
Marami na siyang nakikitang gwapo, lalo na ang TABS-H group na kinabibilangan ng kaniyang biological brother. Pero ni isa sa mga ito, walang nakaagaw ng kaniyang pansin. Manhid siya ngunit pagdating kay Joaquin, nanlalambot siya.
Ewan niya kung paano nangyari. Nagulat na lang siya sa sarili niya nang mapagtantong na-love at first sight siya sa kapatid ng kaibigan niya.
Unang kasal iyon ng kaibigan niya. Hindi siya nakadalo sa seremonya dahil nga biglaan pero nakahabol siya sa reception. At doon niya nakita si Joaquin na umiinom ng alak, malayo sa karamihan. Parang itong misteryoso at gwapong espiya ng mga oras na iyon. Nagmamasid at nakikiramdam sa paligid katulad niya.
Hindi niya maalis ang tingin sa mapupula nitong mga labi. Tuwing nababasa iyon ng alak, napapakagat din siya ng kaniyang labi. Ang tulis ng ilong nito habang naka-side view sa gawi niya. Hindi man ito nakatingin sa kanya ay para siyang natutunaw sa init na nagmumula sa matapang nitong kulay kape na mga mata, na biniyayaan ng makakapal na kilay at pilik-mata.
Nang maghubad ito ng tuxedo at naiwan ang manipis na button down long sleeve white polo shirts ay lumantad sa kaniya ang ka-macho-han ng katawan nito. Bakat na bakat ang malalaki nitong mga braso. Matipuno ang pangangatawan at sobrang tangkad. Malapad at mukhang matigas ang dibdib. Gwapo, mabalbas at parang griyego na nalahian ng dios ng kidlat. Isang kidlat na siyang tumama sa puso niya.
Noong una ay wala siyang kaide-ideya sa katauhan nito dahil wala naman siyang mapagtanungan tungkol dito. Pero sa paglipas ng taon, nalaman niyang adopted brother pala ito ng matalik niyang kaibigan na si Dimples.
Para siyang nagkaroon ng pag-asang makilala ito ngunit sadyang mailap ito sa ibang tao. Hindi ito namamansin kaya naisipan niyang siya na mismo ang gagawa ng hakbang.
Wanting Joaquin to notice her, she used her real face and applied for a job at the Neon bar club kung saan madalas tumambay ang lalaki. Hindi niya pa ito nakakasalamuha ni minsan. Kagabi lang at diretso kaagad sa kama!
Tuwang-tuwa pa siya nang malaman niyang natityepuhan siya umano ni Joaquin.
Parang nakikipagkarerahan ang puso niya ng mga oras na iyon.
Nagdalawang-isip pa siya kagabi kung papayag ba siya sa inalok ng kasama ni Joaquin. Sampung milyon daw sa isang gabi kung virgin pa siya. At limang milyon naman kung hindi na.
Syempre, malaking halaga na rin ng pera ang alok nito. Nataon pa na nasa hospital ang kaniyang tiyuhin na aksidenteng nahulog sa puno ng niyog. Kailangan nila ng malaking halaga ng pera pampaopera rito para madugtungan ang buhay.
Iniisip din niyang isa 'yong opportunity para ma-experience ang pakiramdam nang nakahimlay sa bisig ng lalaking kaniyang napupusuan. Kaya pumayag siya sa alok ng kasama ni Joaquin na nagpapakilalang si Hector.
Binigay din kaagad sa kaniya ni Hector ang cheque na nagkalaman ng limang milyon. Makukuha raw niya ang kalahati pagkatapos niyang maibigay ang serbisyo sa lalaki.
Kahit naman umayaw siya, wala rin siyang magagawa. Ang daming b4ril na nakatutok sa kaniya kagabi para lang pumayag siya sa gustong mangyari ng mga ito. Tunay ngang makapangyarihan ang mga ito at walang pinapalagpas na tao. Siguro, kung umayaw siya ay tiyak na sa morgue na siya ngayon nakahiga.
Muli siyang nahiga sa kama suot ang malapad na ngiti. Kahit masakit ang buong katawan niya ay ang sarap at ang gaan pa rin ng kaniyang pakiramdam. Masaya siya dahil sa wakas ay napansin siya ng lalaking matagal na niyang hinahangaan.
Hindi man siya nito napansin noon, naikama naman siya nito kagabi. Sa bagay, sino ba naman ang magkakagusto sa isang nerd na babaeng laging suot ang malaki at makapal na salamin sa mga mata, maitim at makapal na wig na ang bangs ay kasing haba yata ng traffic sa edsa.
Tumagilid siya sa pagkakahiga at niyakap ang katabing suits. Pag-aari iyon ni Joaquin. Tinangay niya iyon bilang remembrance niya sa napakasarap na gabi kasama ang gwapong lalaki.
Iyon nga lang, dahil sa nangyaring pagsabog kagabi, nabalitaan niyang lumabas daw ng building si Joaquin nang nakahubo't hubad.
Nakagat niya ang kaniyang labi sabay pikit nang mariin. Naglaho na parang bula ang kaniyang pagpapantasya at napalitan ng kaba. Alam niya kasing pinaghahanap na siya ngayon. Hindi na niya pwedeng ilantad kahit pa sa madilim na gabi ang kaniyang tunay na anyo.
"Lettie! Bangon na!"
Bumalikwas siya ng bangon nang maalala ang kaniyang inang na naghihintay sa kaniya sa labas ng kaniyang silid. Uuwi nga pala ito ngayon sa Cagayan para bantayan ang kaniyang tiyuhin sa hospital.
Nakahanda na ang almusal paglabas niya. Nakabihis na rin ang kaniyang inang.
"O, alis na ako. Hindi ako makakauwi ng isang linggo kaya mag-iingat ka rito. Huwag kang lalabas nang hindi suot ang iyong salamin at wig."
"Inang, hindi niyo na ako kailangang paalalahanan. Alam ko naman ang dapat gawin. Ngayon pa ba ako makakalimot eh maraming taon ko nang suut-suot ang mga bagay na 'yan."
"O siya, siya! Huwag kang lumabas mamayang gabi, ha? Nasunog 'ka mo ang pinagtatrabahuan mo kaya dumito ka na muna sa bahay. Huwag mong kalilimutan ang mga takip mo sa mukha. Alam mo iyang mga kamag-anak natin dito sa Cavite, mga ipinanganak na tsismosa! Baka kapag nalaman nila ang tunay mong mukha... Baka... Baka bigla na laang dumating ang Mommy mo dito para bawiin ka."
Hinawakan niya ang kamay ng ginang.
"Inang, kahit malaman nila, sa inyo pa rin ho ako uuwi."
Naluha kaagad ito at niyakap siya nang mahigpit na animo'y anumang oras ay mawawala siya.
Alam niyang ito talaga ang kinatatakutan ng kaniyang inang... Ang malaman ng mga tunay niyang pamilya na buhay siya.
Pagkaalis ng kaniyang ina ay naligo muna siya bago kumain. Pagkatapos ay nagkulong na siya sa silid. Dito lang kasi siya pwedeng magpakatotoo. Dito sa silid, pwede niyang ilantad ang tunay na siya... Ang tunay niyang mukha... Ang tunay na kulay ng kaniyang mga mata at buhok.
Siya si Letticia Domingo, ngunit alam niya sa puso't isip niya na siya pa rin si Maisie Diolet Slora Rojas. At habang tumatagal ay unti-unti na rin niyang nami-miss ang dating buhay, ang kaniyang tunay na pamilya... ang tunay na siya.
Napaigtad siya nang marinig ang katok sa pinto ng bahay. Nang silipin niya iyon sa siwang ng nakasarang bintana ay nanlaki ang mga mata niya. Mga lalaking unipormado!
Natataranta siyang nagsuot ng kaniyang contact lens na itim at wig. Humarap siya sa salamin para ayusin ang bangs niyon. Nagsuot siya ng long sleeve shirt at pinahiran ng brown cream ang kaniyang buong mukha at leeg pati na ang kaniyang mga kamay para magmukhang kayumanggi ang kaniyang balat.
Inayos niya ang kaniyang malaking eyeglasses saka huminga nang malalim bago lumabas ng silid.
"Tao po!" Hindi pa rin tumigil sa pagkatok ang tao.
Pagbukas niya ng pinto ay halos takasan na siya ng kaniyang kaluluwa.
"Letticia Domingo?"
Ang mga tauhan ni Joaquin! Paano nila siya natunton?!