Madaling araw nang umuwi si Lettie. Sinubukan niyang takasan ang pinsan niyang si Caden na hindi talaga umalis para hintayin siya. Kahit saan siya magsusuot, sinusundan siya nito. Sa huli ay sumuko rin siya dahil mukhang wala itong balak na pakawalan siya. Ito pa nga ang naghatid sa kaniya. "Geez! You live here?!" bulalas ni Caden. Masikip at dikit-dikit ang kabahayan sa bandang tinitirhan nila. Bukod doon ay maliit lang din ang bahay na inuupahan nila na pag-aari ng malayong kamag-anak ni Doris. Inaasahan siguro ni Caden na nakatira siya sa malapalasyong bahay. May bahay naman siyang itinayo sa Rizal. Doon nakatago ang lahat ng naipundar niya at mga sasakyang nabili niya. Pero hindi pa ito ang tamang oras para may makaalam na iba tungkol doon. "Huwag ka nang maingay. Umuwi ka na

