Ikasiyam na Basket

2667 Words
NAKANGITING pinagmasdan ni Chloe ang kanyang sarili sa salamin matapos magpalit ng kanyang floral na bikini para sa isang pictorial na may bayad para sa isang local undergarment products. Madalas kapag nangyayari ito ay sa Mahalta o kaya ay sa Puerto Galera siya naiimbitahan. Minsan nga ay dito na siya nakakakuha ng pambili ng kanyang mga pangangailangan, idagdag pa ang allowance na binibigay ng kanyang mama at papa. Nabibili naman niya ang mga gusto niyang bilhin pero dahil kumikita siya sa modellings at photoshoost nang paunti-unti ay bahagya na rin niya itong kinarir. Paglabas nga niya mula sa CR na pambabae sa resort ay nabigla siya nang makita ang isang lalaking pamilyar na pamilyar sa kanya. Hindi siya maaaring magkamali, si Ricky Mendez ito. “Ricky Mendez... How are you? Why are you here?” “Naaalala mo pa ba ako?” tanong ni Chloe na nginitian kaagad ang binata na ngayon ay kanyang kaharap. Huli niyang nakita ang binata sa coloseum ng Calapan last year, nang dinala niya ang paper bag na ipinapaabot ni Andrea sa kanya. Dito nga ay naalala niya ang kanyang pinsan at sa pagkakaalala niya ay nagkabalikan na muli ang dalawa base sa mga pictures na p-in-ost nito sa social media noong nasa Puerto Galera ang mga iyon. “Are you with Andrea?” dagdag din kaagad ni Chloe at napansin niyang parang naiilang si Ricky na tingnan siya. Kung sabagay, iba nga talaga ang binata kumpara sa ibang nakikilala niya na napapansin niyang madalas purihin ang kanyang katawan. Mula nga sa dala niyang bag ay kinuha niya ang isang towel at itinakip muna sa kanyang katawan, at doon na niya muli tiningnan si Ricky Mendez. “Hindi ba ikaw ang pinsan ni Andrea? Chloe Cervantes? Tama?” tanong naman ni Ricky na sa mukha lang ng dalaga nakatingin kahit pa may takip na ang kabuuan nito. “Yap. Kasama mo ba si Cousin?” ani naman ng dalaga at natatawa siya sa itsura ni Mendez dahil parang ilang na ilang ito sa kanya. “O-oo. Birthday ng kanyang kaibigan, tapos isinama ako. I-ikaw, ano'ng ginagawa mo rito?” tanong naman ni Ricky na nangingiting-ewan na lamang sa sitwasyon. “Pictorial para sa isang local undergarments. Okay ang fee nila kaya, I agree to shoot.” “A-ah. S-sige, magsi-CR pa ako. Salamat,” sabi ni Ricky na nilampasan na nga si Chloe na natahimik na lamang sa nangyari. Bumuntong-hininga na nga lamang ang dalaga. Aminado siyang nagkagusto siya dati kay Ricky, pero kakaiba talaga ang lalaking ito para sa kanya. Sa mga lalaking nakilala at nakipagkilala sa kanya, tanging ang binata lang ang hindi nagkainteres sa kanya. “I am happy for you cous... Mukhang mabait nga talaga si Ricky. Kung ano man ang ginawa niya sa iyo noon, I'm sure it was just a part of his past na nakalimutan na niya.” Naglakad na nga ang dalaga at nang makarating siya sa may seaside ay doon na niya inalis ang nakatakip na towel sa kanyang maputing katawan. Punong-puno siya ng kompyansa sa sarili at kahit na makikitang may ilang kalalakihan ang pasimpleng pinapanood siya ay wala siyang pakialam sa mga ito. Nagsimula ang pictorial at dito na nga niya ipinakita ang sarili sa suot na two piece bikini na locally made sa Calapan City. ***** PAGKABALIK ni Ricky kina Andrea ay nakita niyang nakaupo na ang mga ito sa harapan ng isang mahabang lamesa na inihanda ng resort para sa kanila na nakaharap sa dagat. Nakita pa nga ng binata ang ilan sa mga nakasama nila sa Puerto Galera noong nakaraang bakasyon na sina Arlene at Leslie na binati agad siya nang makita. Bago siya umupo ay nginitian muna niya si Francis, ang birthday celebrant. “Happy birthday p're,” ani Ricky sa kaibigang bading ni Andrea at nang marinig ito ni Francis ay isang hindi magandang tingin ang ibinigay niya sa binata. “Nakakabastos ka ah? Andrea, pagsabihan mo nga itong jowa mo.” “Tell him na, I am a woman,” dagdag pa ni Francis at nagtawanan silang lahat dahil naglakad ito nang kumikembot palapit kay Mendez. “S-sorry,” sabi naman ni Ricky at napatawa lalo sila nang sayawan ni Francis ang binata na parang nasa mga bar lang. Napatigil nga lang ito nang sinaway na siya ni Andrea. “Sorry sissy!” natatawang sabi kaagad ni Francis kay Andrea at kunyari ay sinusungitan siya ng dalaga. “That's mine sissy!” ani Andrea na agad hinila si Ricky sa harapan ng kanyang kaibigan at bago magsimula ang kainan ay kinantahan muna nila ang birthday celebrant. Nakahain sa gitna ng mesa ang masasarap na pagkaing mabibili sa resort. May cake din sa tapat ni Francis at matapos nilang kumain ay nagkaroon na nga ng magulong kwentuhan ang mga nasa mesa. Puro nga ang birthday celebrant ang bida. “Wala ka bang boyfriend Francis?” tanong ng isa sa mga naroon at paarteng sumagot naman si Francis. Kasalukuyan na nga ring inaalis ang mga pinagkainan sa mesa dahil susunod na ang inuman. “Actually, study first muna tayo. Pero may type akong boylet...” sabi nito at tumingin sa direksyon ni Andrea. “Andrea's brother,” dagdag pa nito at para itong linta na kinikilig sa pagkakaupo na sinamahan din ng tawanan sa kanilang lamesa. Si Ricky ay muntik pa ngang masamid sa pag-inom ng tubig nang marinig iyon. Gusto niyang matawa pero hindi na niya itinuloy. May pang-asar daw siya kay Andrei kapag sila ay nag-asaran. Isa-isa nang nilagayan ng alak ang bawat nakaupo sa mesa at nang makarating iyon kina Ricky at Andrea ay nagkatinginan ang dalawa. “Konti lang inumin mo,” bulalas ni Ricky sa kanyang katabi at nagpa-cute naman si Andrea na kunyari ay walang alam. “Hindi naman ako mabilis malasing, don't worry... One bottle only,” ani ng dalaga at kasunod noon ay ang sinabi ni Francis na drink to sawa raw sila dahil walang pasok bukas. “Oo, sila lang naman... S'yempre sapat na sa akin ang isang bote,” sabi ni Andrea at natatawa na nga lang siya sa itsura ng kanyang boyfriend. Ilang minuto ang lumipas at naging maingay na muli ang mesa nila dahil sumasarap na ang inuman. Masarap din ang pulutan na sisig at tsitsarong bulaklak. Makikita nga sa gitna ang mga bote na wala ng laman at marami-rami na iyon. Panay tawa nga nang malakas ang birthday celebrant nang mga sandaling iyon. Si Ricky nga ay napailing na lang dahil nakatatlong bote na si Andrea at nakasandal na sa kanyang balikat ito dahil nahihilo raw. “Sabi na e,” mahinang winika ni Ricky sa dalaga. Siya naman ay may kaunti na ring tama dahil naka-tatlong bote na rin siya. “H-hindi pa naman ako lasing. Ikaw Mendez, epal ka,” sabi ni Andrea na idinikit pa lalo ang sarili sa binata. “Baka sukahan mo ako ah, magsasabi ka,” wika ni Ricky nang mahina sa dalaga at pinagmasdan siya ng dalaga at nginitian. “Hindi ako susuka... P-promise,” ani ng dalaga na pungay na agad ang mata. Pinagtawanan tuloy ito ni Francis. Sa huli ay si Ricky na nga ang umubos sa natitirang laman ng bote ng alak sa tapat ng dalaga. Gusto pa sana itong inumin ni Andrea kaso inunahan na niya ito. “Ano bebe Ricky, makakainom pa ba si Sissy?” tanong ng birthday celebrant at sinabi niyang tama na dahil baka kung ano na ang magawa ng dalaga. Kasunod niyon ay napatawa na lang ang mga naroon kay Andrea na nagmalaki pa tungkol sa kanyang boyfriend na basketbolista. “Hoy, nakakahiya,” saway ni Ricky sa dalaga at parang nailang siya dahil sa pagmamalaki sa kanya ni Andrea. Dala ng kalasingan ay todo-puri ang dalaga sa kanya. Wala na nga siyang nagawa kundi hintaying matapos ang sinasabi ng kanyang gf. Ilang minuto pa nga ang lumipas at parang nakatulog na si Andrea sa pagkakaupo nito. Napapa-ihi naman si Ricky kaya sinabihan niya ang katabi nilang si Arlene na alalayan si Andrea dahil magsi-CR lang siya. Kaya pa naman ng binata na maglakad pero nakaalalay pa rin siya dahil dama niyang may tama na siya kahit papaano. Hinay lang din naman ang kanyang pag-inom dahil hindi naman talaga siya nag-iinom madalas. Pagdating niya sa CR ay mabilis siyang umihi at pagkatapos ay naghugas ng kamay... Kaso bago siya lumabas ay nakarinig siya ng ilang mga humahangos na mga paa sa harapan ng lugar. “Ano bang gusto mo mister? Sinabi ko na 'di ba? I am not interested sa 'yo.” “Sisigaw ako,” sabi ng babae na parang pamilyar kay Ricky ang boses. “Miss, I know na attracted ka sa akin. When I'm in Manila, halos lahat ng babaeng gustuhin ko ay sumasama sa akin. Isa pa, I can pay you. I have a car...” matikas namang winika ng lalaki na blonde ang buhok at tisoy ang itsura. Naka-shorts lang ito at makikita ang matipuno nitong katawan, habang sa hindi kalayuan ay makikita pa ang ilang kasama nito na nagyoyosi na nakikiramdam lang sa paligid. “Ang kapal ng mukha mo. Leave me alone. I don't know you. Umalis ka, at magpapalit na ako at uuwi na ako!” sabi ng dalaga na napasandal na nga lang sa gilid ng CR nang hawakan na siya ng lalaki. “I like how you treat me... I'm sure, sa oras na sumama ka sa akin, magbabago ang sinasabi mo,” wika ng lalaki sa may tainga ni Chloe. Dahil nga sa malakas ito ay naipinid niya ang dalaga nang walang kahirap-hirap. “Sumigaw ka...” “You really don't know who I am. You can call any authority if you want...” “But in the end, makakaligtas pa rin ako dahil sa apelyido ko at sa kung sino ako.” “I am Gregor Montemayor, the youngest son of Congressman Montemayor...” Nang marinig iyon ni Chloe ay bigla siyang nakaramdam ng kaba dahil doon at ito na ang ginamit na pagkakataon ng lalaking nagngangalang Gregor para sandaling dilaan ang leeg ng dalaga. Dahil na rin sa mga kasama niya na nakabantay sa paligid kaya ang kampante siyang gawin iyon. Napapikit na nga lang si Chloe nang maramdaman ang mainit na hininga ng binata sa tabi ng kanyang maputing leeg. “After nito, I want you to accompany me inside my car. I'll wait for you...” “Don't you worry. Gentle lang ako basta gawin mo lang ang gusto ko.” Matapos iyon ay inilapit na nga ni Gregor ang kanyang mukha sa balat ng dalaga. Subalit bago pa man mapadikit ang dila ng lalaki kay Chloe ay isang malakas na suntok na kaagad ang sumalubong sa gwapong mukha ng binata. “Hayop ka! Ano'ng ginagawa mo kay Chloe!” bulalas ni Ricky na galit na galit ang itsura. Sa lakas ng kanyang ginawa ay napaupo na lang si Gregor na dumurogo ang bibig. Nang makita nga ni Chloe ang binata ay mabilis siyang tumakbo rito at humawak habang nanginginig ang katawan dahil sa takot. Doon na nga umiyak ang dalaga. Si Gregor naman ay napadura ng dugo at kasunod noon ay ang pagdating ng kanyang mga kasamahan na halos kaedadin lang din nila ni Mendez. “Sir Gregor! Ano'ng nangyari?” bulalas ng isa at mabilis na tumayo si Gregor na umiiling-iling pa dahil sa nangyari. “Hold that f*****g moron! Sinuntok niya ako!” bulalas nito at naalarma na roon si Ricky. Hindi niya akalaing mauuwi sa ganito ang pagpunta niya sa Mahalta. Ang isang simpleng birthday-an ng kaibigan ni Andrea ay mukhang mag-iiba matapos ang sitwasyong ito. “C-chloe... Pumunta ka sa mga nasa kabila at humingi ka ng tulong! Bilis!” bulalas ni Ricky na napalunok pa ng laway dahil papalapit na sa kanya ang dalawang lalaki para siya ay hawakan. “S-sige...” takot na winika naman ng dalaga na mabilis na tumakbo para tumawag ng tulong. Naiwan si Ricky at sa paglapit ng dalawang lalaki sa kanya ay mabilis siyang umatras na naging dahilan para mapahabol sa kilos niya ang mga ito. Kasunod din noon ay ang isang biglaan niyang pagkaliwa. Inisip na lamang niya na siya ay naglalaro ng basketball. Kaso nabigla siya nang makitang nasa tabi na pala niya ang lalaking kanyang sinuntok. “Hindi ako papayag na hindi ko masusuntok ang mukha mo!” sabi ni Gregor at si Ricky ay mabilis na yumuko para iwansan ang paparating na suntok sa kanya. Kaso, napaigik siya nang may matilos na bagay ang tumama sa kanyang likod. Siniko pala siya ni Gregor. Masakit iyon pero kahit muntik na siyang matumba ay mabilis niyang inialalay ang kanyang mga kamay sa lupa. Agad nga siyang lumayo kaso sa pagharap niya ay nakita niya ang lalaking kanyang sinuntok na susuntukin na siya. Tumama ang kamao ni Gregor sa mukha ni Ricky pero hindi ganoon kalakas dahil nagawa pa rin ng binata na makalayo nang bahagya. Sa pagdiretso nga ng sumuntok ay mabilis na hinawakan ito ni Ricky at ipininid sa ibaba nang malakas. Padapang bumagsak si Gregor at ang mga kasama nito ay hindi na naituloy ang paglapit sa kanilang boss dahil nagsidatingan na ang mga nasa resort para sila ay awatin. Mabilis na tumayo si Ricky palayo sa lalaking naipinid niya sa lupa. Kasunod din noon ay ang paglibot sa kanya ng mga kaibigan ni Andrea upang siya ay protektahan. Dumating na rin ang security ng resort at mabilis na pumagitna. “Binastos ako ng mga iyan!” bulalas naman ni Chloe na galit na galit sa pagtuturo kay Gregor. Wala siyang pakialam kahit anak pa ito ng kanilang congressman. Ang ginawa nito sa kanya ay hindi niya mapapalampas. Ngayon lang din niya ito naranasan at parang nakaramdam siya ng bahagyang trauma dahil doon. Naroon na rin nga si Andrea na nakahawak kay Ricky. Parang nahulasan ito nang malaman ang nangyari sa binata. Tiningnan niya kung may sugat ito at nang makita ang mapulang pisngi nito ay kaagad niya itong hinaplos. “Okay lang ako. Nakita ko ang mokong na iyan. Binabastos ang pinsan mo,” sabi ni Ricky na nakatitig lang kay Gregor na halatang gigil na gigil habang nakatingin sa kanya. Nang marinig iyon ni Andrea ay bubungangaan sana niya ang lalaki kaso hinila siya ni Chloe at sinabing okay na. Magpa-file na lang daw ang pinsan niya ng blotter sa PNP para malaman kung ano ang pwedeng maisampang kaso rito. Kaso alam na rin naman niya ang kakahinatnan ng kanyang gagawin dahil maaabswelto lang ito at makikipag-areglo sa kanila dahil sa impluwensya nito. Ikinalma na nga ni Gregor ang sarili at pagkatapos ay pinalayo niya ang security ng resort na gusto sana siyang isama sa loob ng isa sa mga bahay sa resort para doon kausapin. Dumura pa siya ng dugo at pagkatapos ay masama ang naging tingin sa kanyang mga kasama na wala namang nagawa. “Sorry boss,” ani ng dalawa niyang bodyguards. Sabi na lang nga ni Gregor sa sarili ay papapalitan na lang niya ito sa kanyang papa. Ikinalma niya ang kanyang sarili at nginitian ang mga nakatingin sa kanya. Pagkatapos noon ay isang biglaang paghingi ng paumanhin sa dalagang si Chloe ang ginawa nito na alam ng mga naroon na pakitang-tao lamang. “Malilintikan ako nito kay Papa kapag nalaman niya. Baka ipatapon na niya ako sa kung saan... Kaya dapat ay maayos ko ito...” sabi ni Gregor sa sarili. Kilala niya ang kanyang ama, ipapakulong siya nito sa oras na malaman ito. Si Gregor Montemayor, isang transferee sa Calapan University at isa sa bagong member ng varsity team. Bukod sa pagiging mayabang at palaging sinasabing anak siya ni Congressman... Isa rin siyang magaling na basketball player sa Maynila nang doon pa ito nag-aaral. “I will pay you for what I did. Just tell me the amount. I'm so sorry miss. I am just drunk...” paliwanag pa ni Gregor na inismidan lang ng mga naroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD