Ikatatlumpu't Tatlong Basket

2628 Words

SA PAGPASOK nina Ricky at Rich sa DWCC Gymnasium ay ang malakas na cheer mula sa crowd ang sumalubong sa dalawa. Ang laro ay kanina pa nagsimula at nasa third quarter na ang game. Si Ricky nga ay napatingin sa dalaga dahil akala niya ay magsisimula pa lamang ang laro.   Sa harapan ng nagsisigawang crowd ay dumaan si Rich na nakahawak sa braso ni Ricky. Ang direksyon na kanilang pupuntahan ay sa bench ng DWCC.   “K-kanina pa pala nagsimula ang game… Akala ko ngayon pa lang,” wika ni Ricky at ang dalaga ay nilingon siya.   “Nagkaroon ng adjustments. Mabuti na nga lang at nakapunta ka pa rin… Akala ko nga hindi ka pupunta,” wika ni Rich at naaalala pa rin niya ang nangyari kahapon. Nang pagmasdan nga niya si Ricky ay nararamdaman niya ang emptiness nito na ngayon lang niya nakikita.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD