"Open your eyes..." Mahinang bulong nito sa tapat ng mukha ko pero hindi ko magawang sundin ang pinag-uutos nito kahit pa ilang ulit nitong sabihin iyon dahil natatakot ako. Sobrang natatakot ako sa mga posibleng mangyari sa amin. Pero bakit ganoon? Bakit napapagod na akong lumaban? Hindi ko akalain na dadating din pala ako sa point kung saan masasabi ko na sa sarili ko na hindi ko na kaya. "G-gawin mo na lang ang mga bagay na gusto mong gawin, Rohws. If you want to destroy me then do it. Siguraduhin mo lang na mababayaran ko na ang lahat ng interest kasama na ang mga utang ko sa'yo. After all, hindi ba't sinaktan kita? Sinira ko ang kasiyahan mo at ako ang dahilan kung bakit nagkakaganito ka. Now I'm facing you as Zey. Now please ibigay mo ang lahat ng parusang kaya mong ibigay sa a

