"You look uncomfortable, may problema ba?" Walang emosyong sambit nito at wala akong maisagot na kahit ano kaya tumikhim na lamang ako at pinilit na pakalmahin ang sarili ko dahil alangan naman sabihin ko rito na kaya ako hindi komportable ay dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang labis na kabasaan sa kasélanan ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala at nagtataka pa rin ako kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman ko. Ni hindi ko rin maipaliwanag dito na nasa mahirap na sitwasyon ako ngayon dahil napakasensitibo ng katawan ko. Kahit nga ang kaisipan na nasa harap ko si Rohws ay nagiging rason lamang upang bumalik sa isip ko ang lahat ng ala-ala tungkol sa ginawa nito sa akin kagabi. And damn it. Hindi niya maalala ang tungkol sa mga bagay na iyon. Samantalang ang isip

