Mabilis kong tinulak ang mga kamay nito papalayo sa aking mukha at agad na umalis ako mula sa pagkakaupo ko sa kama. "Hindi mo man lang ba inisip kung ano ang magiging resulta ng mga ginagawa mo sa akin, Rohws?" Nakatalikod kong sambit na naging sanhi upang hindi ko malaman kung ano ang naging reaksyon nito pero wala na akong pakealam kung nagalit ito or mas natuwa. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makaalis sa lugar na ito. Ang makatakas mula sa taong ito. "Bakit may mawawala pa ba sa akin kung gagawin ko ang mga bagay na ito? Sa tingin mo ba ganoon lang kadali ang makalimot? Ni hindi mo nga alam kung anong pinagdaan ko dahil lang sa kapatid mo! If she's not willing to pay hahanap at hahanap ako ng paraan para makabayad pa rin siya sa akin—" Hindi ko na ito pinatapos magsalita dahil

