Cathy POV Maagang-maaga pa lang… nasa biyahe na ako. Tahimik ang daan. Mahaba. At bawat kilometro na nalalagpasan ko mas bumibigat ang dibdib ko. Ang ilog. Doon ako iniwan. Doon nila ako pinatay. At doon din ako… nabuhay ulit. Pagdating ko, bumungad ang katahimikan. Walang tao. Walang ingay. Tanging agos ng tubig lang ang maririnig. Huminga ako nang malalim. Bumaba ng sasakyan. At dahan-dahang naglakad papunta sa pampang. “Naalala mo pa ba…” bulong ko sa sarili ko. “Kung paano ka nawalan ng malay?” Flashback (fragment) Madilim. May humahawak. May nagtutulak. Tubig. Hirap huminga. Napapikit ako. Mahigpit. Pero hindi na ako natatakot. Hindi na ako yung babaeng nalunod sa takot. Bigla, may narinig akong yabag sa likod ko. Napalingon ako. Troy. Troy POV “

